Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Sabado, Hulyo 26, 2014
TUNAY NA KAYAMANAN (Revised / Reposted): Reflection for the 17th Sunday in Ordinary Time Year A - July 27, 2014 - YEAR OF THE LAITY
Ano kaya ang mangyayari sa 'yo kapag sinabing nanalo ka ng 50 million pesos sa lotto? Malamang hihimatayin ka sa tuwa o kung di naman ay aatakihin ka sa puso sa sobrang kagalakan! May isang kuwento na minsan daw ay may isang lola ang walang kaalam-alam na nanalo s'ya sa lotto ng 50 milyong piso. Ang problema ng kanyang mga kasambahay ay kung paano nila ito sasabihin sa kanya sa kadahilanang may sakit siya sa puso at matanda na! Naisip nilang imbitahan ang kanilang kura-paroko dahil kaibigang matalik ito ng kanilang lola at isa pa ay matagal din siyang naglintgkod sa simbahan bilang isang Legion of Mary. Hiniling nila sa pari na s'ya na ang magbalita sa kanilang lola sa maingat na paraan na hindi niya ikabibigla. Sumangayon naman ang pari at isang gabi ay dumalaw ang pari sa bahay at kinausap ang matanda: "Lola, kamusta na ang lagay ninyo?" Sagot ng matanda: "Mabuti naman po padre..." At nagkuwentuhan sila ng matagal. Nang mapansin ng pari na nalilibang na at relax na ang matanda ay tinanong niya ito: "Lola, kung sakaling manalo kayo ng Php 50 million sa lotto... anung gagawin ninyo sa pera?" "Aba padre," sabi ni lola, "kung ako ang mananalo ng 50 million sa lotto ay ibibigay ko ang kalahati sa Simbahan." Nang marinig ito ng pari ay inatake siya sa puso at namatay! hehehe... Sino nga ba ang di hihimatayin sa gayong kalaking kayamanan? Wala naman sigurong taong matino ang pag-iisip ang ayaw yumaman. Dati rati ang kayamanan, hinuhukay, sinisisid, nilalakbay ng malayo. Ngayon siguro mas madali, tumaya ka lang sa lotto o kaya naman ay sumali sa mga contests na may malaking cash price at instant yaman ka na! Ang talinhaga ng nakatagong kayamanan at mamahaling perlas ay nagsasabi sa atin na dapat ay handa nating isakripisyo ang lahat mapasaatin lamang ang kayamanang nais nating makamtan. Hinalintulad ito ni Jesus sa "Kaharian ng Diyos." Kung kaya nating magsakripisyo para sa kayamanang makamundo na nabubulok at nasisira ay dapat gayun din sa mga bagay na espirituwal. Ang "kaharian ng Diyos" ay ang pagharian tayo ng Kanyang biyaya at mabuhay bilang mga tapat niyang anak. Dapat ay matuto tayong magpahalaga sa mga bagay na dapat unahin sa ating buhay. Kapag ang pagsisimba ay ipinagpapalit mo sa mga lakad mo sa araw ng Linggo ay hindi ka pa handang pagharian N'ya. Kapag sinasabi mong wala akong oras magdasal o gumawa ng mabuti sa iba ay hindi mo pinahahalagahan ang Kaharian ng Diyos sa iyong buhay. Kapag mas mahalaga sa iyo ang mga bagay na materyal kaysa ispirituwal, kapag labis mong pinagtutuunan ng pansin ang iyong katawan at napababayaan mo ang iyong kaluluwa ay malayo ka pa sa paghahanap sa tunay na kayamanan. Ano ba ang tinuturing mong kayamanan ngayon sa buhay mo? Ngayong Taon ng mga Layko ay piliin natin ang maging matapang sa mga pagpapahalaga sa ating buhay. Marahil ay dapat nating unahin ang tamang pagapapahalaga sa ating sarili lalong lalo na sa ating dignidad bilang mga tao. Isunod natin ang pagpapahalaga sa ating pamilya. Hindi natin pinili ang ating pamilya. Ito ay regalo ng Diyos sa atin kaya't dapat nating itaguyod ito at mahalin. At siyempre, ang pinamakamataas na pagpapahalaga ay ang sa Diyos na nagbigay sa atin ng ating buhay. Bigyan natin ng importansya ang ating buhay espirituwal at isabuhay ang ating pananampalataya. Kaya't kung pagninilayan lamang natin ng mabuti ay makikita natin na may tunay tayong mga kayamanan na dapat nating pinahahalagahan. Piliin natin ang higit na mahalaga sa ating buhay Tandaan mo na kung nasaaan ang kayamanan mo... naroroon ang iyong puso.
Sabado, Hulyo 19, 2014
RSVP (Revised / Reposted) : Reflection for 16th Sunday in Ordinary Time Year A - July 20, 2014 - YEAR OF THE LAITY
Nakatanggap ka na ba ng imbitasyon sa isang pagdiriwang na may nakalagay na RSVP? Ang RSVP ay mga salitang Pranses na "repondez s'il vous plait" na ang ibig sabihin sa ingles ay "respond as you please", upang malaman kung ikaw ba ay makakadalo o hindi. Kinakailangan mong sumagot sapagkat sayang ang inilaang lugar para sa iyo! Papaano kung ang Diyos mismo ang magbigay sa iyo ng RSVP? Sasagutin mo ba?
May isang kuwento na minsan daw ay inutusan ng Diyos ang isang anghel upang pumunta sa lupa at bilangin kung ilan ang mga taong masasama. Agad itong sumunod upang gampanan ang kanyang misyon ngunit pagkatapos lang ng ilang araw ay agaran din itong bumalik. Nang tanungin siya ng Diyos Ama ay sinabi n'ya: "Panginoon, masyado pong marami ang taong masasama sa lupa. Isang lugar pa lang po ang napuntahan ko, sa Tundo po ata iyon at nahirapan na po akong magbilang sa dami ng mga taong halang ang kaluluwa. Puwede po bang yung mabubuti na lang ang bilangin ko?" Sagot ng Diyos sa kanya: "Sige, mas mabuti pa nga para , mas mapabilis ang trabaho mo dahil bibigyan natin ng imbitasyon ang mga iyon! Magkakaroon kasi tayo ng malaking piging dito sa langit!" Muli siyang nagbalik at tulad ng inaasahan ay maaga niyang natapos ang pagbibilang. "Ngayon", sabi ng Diyos Ama,"papadalhan natin ng sulat ang mga taong mabubuti. Nais ko silang anyayahan sa isang piging. Bibigyan mo ng sulat ang bawat taong mabuti! Ang masasama ay huwag mong bigyan. Hindi sila kasali sa gagawin kong piging!" At gayon nga ang ginawa ng anghel, binigyan ng sulat ang lahat ng taong mabuti sa lupa at ang imbitasyon ay RSVP! Alam n'yo ba kung ano ang nakalagay sa sulat? Nabasa nyo ba ang sulat? Hindi? Hindi n'yo alam kung ano ang nakasulat? hahaha! Kung gayon ay hindi kayo nabigyan! hehehe...Marahil isang kuwento lamang ngunit nagsasabi ito sa atin ng katotohanan. Tunay ngang may mga taong mabubuti at masasama sa ating mundo! Hindi natin ito maipagkakaila. Ang mas masaklap na katotohanan ay ito. Tila ang mga tao pang masasama ang "nag-eenjoy" at nanagana sa kanilang pamumuhay samantalang ang mga mabubuti ay naghihirap at kaawa-awa! Ano ba ito? Bakit ang masasamang damo ang matagal mamatay? Bakit pinababayaan ng Diyos mangyari ito? Ang talinhaga sa ating Ebanghelyo ay may kasagutan: Ang Diyos ay mapagtimpi. Hindi niya ninanais ang kamatayan ng mga taong makasalanan ngunit ang kanilang pagbabalik-loob."Life is so unfair!" maari nating sabihin. Ngunit tandaan natin na iba ang pag-iisip ng Diyos sa pag-iisip ng tao. Iba ang kanyang pamantayan sa ating pamantayan. Iba Siyang magmahal sa atin! Magising sana tayong mga makasalanan! Huwag nating balewalain o pagsamantalahan ang malaking pag-ibig ng Diyos. Bawat hininga natin ay dapat magpaalala sa atin na ang Diyos ay nagbibigay ng pagkakataong mahalin natin Siya, pagkakataong magbago at magbalik-loob, pagkakataon upang suklian natin ang kanyang pagmamahal. Ang Diyos ay laging nag-aanyaya sa atin sa kabanalan. Hindi lang mga pari, madre o relihiyoso ang tumanggap ng paanyayang ito. Ang mga LAYKO din ay tinatawag ng Diyos sa kabanalan. Ngayong Taon ng mga Layko ay lalo nating paigtingin ang pagtugon sa paanyayang ito ng Diyos. Ang paanyayang kabanalan ay pakikibahagi sa Kanyang buhay at ito ay nangangahulugan ng katapatan at katapangang sundin ang Kanyang kalooban sa araw-araw nating pamumuhay. Kung alam mo ito ay parang nakatanggap ka na rin ng Kanyang sulat. Mapalad ka. Isa ka sa mga minamahal ng Diyos! Sagutin mo agad sapagkat ang Kanyang paanyaya ay RSVP!

Linggo, Hulyo 13, 2014
MAKINIG ANG MAY PANDINIG! : Reflection for 15th Sunday in Ordinary Time Year A - July 13, 2014 - YEAR OF THE LAITY
Marunong ka bang makinig? Pakinggan mo ang kuwentong ito na pinamagatan kong "Ang Ika-apat na Gabi". May isang nanay na lubos ang pagmamahal sa kanyang anak na dalaga. Isang gabi, nakita ng nanay ang kanyang anak na subsob ang ulo sa pag-aaral. Halos alas dos na ng madaling araw ay bukas pa rin ang ilaw ng kwarto ng anak sapagkat aninag ito sa ilalim ng pintuan. Kaya’t nagdesisyon siyang kumatok at pangaralan ang anak: “Anak, matulog ka na. Madaling araw na.” Tiningnan siya ng masama ng anak at sinabi: “Nanay, sino ang nag-aaral, ikaw o ako?” “Ikaw...” tulalang sagot ng magulang. “Ako naman pala e! Matulog na kayo!” Paaburidong sagot ng anak. Napahiya ang nanay na bumalik sa kanyang silid. Iyon ang UNANG GABI... Kinabukasan, ginabi ng uwi ang anak. Nagparty sila ng kanyang barkada pagkatapos ng exam. Labis na namang nag-alala ang nanay. Hindi natulog. Hinintay ang anak. Naglabas ng maraming plantsahin at hinarang sa may pintuan ng bahay. Alas dos ng umaga, dumating ang anak. Nagulat siya ng makita ang nanay na nagplaplantsa pa ng damit sa ganung oras. Tinanong ito: “Nanay, ba’t di ka pa natutulog? Umaga na.” Nakasimangot na sagot ng nanay: “Bakit? Sino ba ang namamalantsa ikaw o ako?” “Kayo po” sagot ng anak. “Ganun naman pala eh! Matulog ka na!” Sagot ng nanay na may pagmamalaking nakaganti rin siya. ‘Yon ang IKALAWANG GABI... Kinabukasan, nang ika-apat na gabi... uuups! Alam kong iniisip ninyo? IKATLO PA LANG! Pero sino ba ang nagkukuwento? Ikaw o ako? Kaya making ka na lang! Hehehe... Kung isa ka sa mga nagsabing "ikatlong gabi" pa lang ay matuwa ka. Isa ka sa mga marunong makinig! Mapalad ka sapagkat hindi ka kasali sa mga taong KSP kung tawagin: mga taong KULANG SA PAKIKINIG o kaya naman ay mga taong hindi marunong makinig! Karamihan kasi sa mga tao na mas gusto ang magsalita kaysa makinig. Ang problema nang kakulangan sa pakikinig ay kapag sabay-sabay lahat na nagsasalita. Sa mga taong ito ang pakikipagtalastasan ay "more talking... less listening" Pero kung iisipin mo, tayo ay biniyayaan ng Diyos ng isang bibig at dalawang tenga upang mas makinig kaysa magsalita, "less talking more lsitening!" Kaya siguro nais ni Jesus na gamitin natin ang ating kakayahang makinig. "Ang pandinig ay makinig!" Ang talinhaga ng maghahasik ay nagsasabi sa ating maging "mabubuting lupa" na nagbibigay ng pagkakataon sa "binhi" (Salita ng Diyos) upang tumubo, lumago at mamunga ng marami sa ating buhay! Ang pagiging mabuting lupa ay nasa "pakikinig" natin at pagtupad sa kalooban ng Diyos. Naglalaan ba ako ng sandali upang itahimik ang aking sarili at hayaang pagharian ng Diyos ang aking buhay? Sa pagdiriwang ng mga sakramento, lalo na sa Santa Misa, ay direktang nakikipag-usap ang Diyos sa atin. Sa mahiwgang paraan ay nakikipag-usap din siya sa atin sa pamamagitan ng ating mga mahal sa buhay, sa ating pamilya, kamag-anak, kaibigan at maging sa ating mga kaaway. Ginagamit ko ba ang mga pagkakataong ito upang mapakinggan ang Salita ng Diyos na ipinahahayag sa akin? Sana ay matuto tayong makinig. Sana ay matuto tayong tumahimik . Sana ay hayaan nating maghari ang kalooban ng Diyos sa ating ginagawa araw-araw. Ang may pandinig ay makinig!
Sabado, Hulyo 5, 2014
KAPAHINGAHAN SA KAPAGURAN: Reflection for 14th Sunday in Ordinary Time Year A - July 6, 2014 - YEAR OF THE LAITY
Marami ka bang dinadalang pasanin sa buhay? Isa ka ba sa madaling umangal sa Panginoon kapag nakakaranas ka ng pagsubok? Paano mo ba hinaharap ang maraming paghihirap na dumarating sa iyo araw-araw? Ilan lamang yan sa maraming katanungan na sumusukat sa ating katatagan bilang mga Kristiyano. Minsan sa isang Golden Wedding Anniversary ay napansin ng isang pari na maluha-luha ang matandang lalaking habang pinapapanibago ang "pangako" ng kasal. Pagkatapos ng misa ay binati niya ito at sinabing: "Lolo, talaga sigurong napakaligaya ninyo ngayon sa 50th anniversary ninyo. Kanina halos mapaluha pa sa saya!" "Ay hindi Padre! Sa katunayan halos mapaiyak nga ako sa lungkot!" "Bakit naman?" ang tanong ng pari. Sagot ang matanda: "Kasi padre, alam mo... 50 years ago, tinakot ako ng tatay ng misis ko. Ikukulong n'ya raw ako ng 50 taon kapag di ko pinakasalan ang anak niya. Sana pala... kung di ko sinunod yon, malaya na ako ngayon!" hehehe... Marami tayong tinuturing na pabigat sa ating buhay: asawa, "monster-in-law"este mother-in-law pala, suwail at "ingratong" mga anak, plastic na kaibigan, mortal na kaaway, "bossing" na manager, etc... Kung minsan naman ay hindi tao: nakakasawang trabaho, utang na di mabayaran, minalas na negosyo, mahirap na pag-aaral, etc.. May good news at bad news ang ebanghelyo ngayon. Ang bad news ay hindi nangako ang Panginoon na tatanggalin Niya ang ating mga "pasanin" sa buhay. Ngunit may good news naman... pagagaanin niya ang ating mga pasanin! "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat ng napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako'y maamo mababang-loob, at makakasumpong kayo ng kapahingaan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaaan ang pasaning ibibigayko sa inyo." Ang sabi ng Panginoon ay gamitin natin ang Kanyang "pamatok". Ang pamatok ay ang kahoy na inilalagay sa batok ng hayop upang mapagaan ang kanyang paghila ng mga bagay. Kung tama ang pamatok hindi mnahihirapan ang hayop. At ano ang pamatok na ito? Walang iba kundi ang Kanyang tapat at walang sawang pag-ibig! Ang nais ng Panginoon ay dalhin natin ng may "pag-ibig" ang ating mga pasanin sa buhay. Kung lalagyan lang natin ng pagmamahal ang ating mga ginagawa araw-araw ay mapapagaan natin ito. Kaunting pagngiti, pagbati, pagkamusta ay sapat na upang makapawi ng pagod, sakit, at kalungkutan. Tandaan natin na hindi nagbibigay ang Diyos ng pasanin na hindi natin kayang buhatin. Ang Diyos ay kasama natin sa ating paghihirap at mga suliranin natin sa buhay. Ganito dapat ang panalangin ng isang tagasunod ni Kristo kapag siya ay nahaharap sa mga pagsubok sa buhay: "Panginoon, wag mong tanggalin ang mga pasanin ko ngayon, bagkus bigyan mo ako ng lakas na mabuhat ito sa pamamagitan ng iyong pagmamahal..." Ang Taon ng mga Layko na ating ipinagdiriwang bilang paghahanda sa ika-500 anibersaryo ng ating pagiging Kristiyanong sambayanan ay nag-aanyaya sa ating maging matapang sa harap ng maraming pagsubok at kahirapan sa buhay." Choose to be brave!" Pinipili ng isang Kristiyano ang maging matapang sapagkat taglay niya ang pananampalatayang kasama niya si Kristo sa pagharap sa mga pagsubok niya sa buhay Batid niya na sa kanyang kahinaan... si Kristo ang kanyang lakas!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)