Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Huwebes, Hunyo 14, 2007
PUSONG NAGMAMAHAL... MINAMAHAL - Reflection for the Solemnity of the Sacred Heart - June 15, 2007
"Ah... basta! S'ya pa rin ang gusto kong pakasalan!" Halos pasigaw na sagot ng dalaga sa kanyang mga magulang. "Anak, maghunos-dili ka! Tingnan mo ang mukha ng mapapangasawa mo... parang kwago ang mata, ang ilong parang patatas, ang bibig parang bunganga ng kweba. Mag-isip ka anak; pag nagkatuluyan kayo papangit ang lahi natin!" Sagot ng kanyang nanay. "Kahit ano pa ang sabihin n'yo, still i fell in love with him. I fell in love not with his face... but with his heart! Totoo nga naman, ang pag-ibig ay makalaglag-puso! Kahit anung panganib handang suungin. Kahit anong pagsubok handang harapin. Kahit anung hirap handang tiisin... kahit pangit handang pagtyagaan. Hindi ba't ganito ang naging trato sa 'tin ng Diyos? Kahit ga'no tayo kapangit gawa ng ating mga kasalanan ay minahal pa rin niya tayo! Pag-ibig na walang pinipili... Pag-ibig na nagsasakripisyo... pag-ibig na nag-aalay ng buhay. Ang puso ng Diyos ay isang pusong nagmamahal na naghihintay ng pagmamahal. Ang kanyang paanyaya ay manatili tayo sa kanyang pag-ibig kung paanong "ang mga sanga ay nanatili sa puno." Nanatili tayo sa kanyang pag-ibig kung "minamahal" natin Siya ng higit sa lahat at ang ating kapwa katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ang kapistahan ng Mahal na Puso ay nagpapaalala sa atin ng "puso" ng Diyos. Isang pusong nagmamahal at minamahal!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
happy feast of the Sacred Heart, Father!
i agree, inconceivable po tlga ung lawig ng pag-ibig ng Diyos... para sa akin po, ang pag-ibig ng Diyos ay pag-ibig na walang hanggang pgpapatawad... sa dinami-daming pagkakataon na pumapalpak tayo sa buhay, handa pa rin niya tayong yakapin at patawarin...
happy feast day po ulet! God bless!
from now, i will be your regular reader padz! happy feast day!
Mag-post ng isang Komento