Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Biyernes, Hunyo 22, 2007
WHAT'S IN A NAME? : Reflection for the Solemnity of the Birth of St. John the Baptist - June 24, 2007
"What's in a name?" Ano nga ba ang meron sa pangalan? Kapag ako ay nagbibigay ng seminar sa binyag, sinasabi kong mag-ingat sa pagpili ng pangalang ibibigay sa bata. Uso kasi ngayon ang paghahalo ng dalawang pangalan. Halimbawa, ang tatay ay Jomar at ang nanay ay Maria... ang pangalan ng bata...Jomar! OK pa yun! Minsan kasi may mag-asawa ang pangalan ng tatay ay "Conrado" at ang nanay ay "Dominga". Kawawa naman ang lumabas na pangalan ng bata... CONDOM! hehehe... Ano nga ba ang meron sa pangalan? Sa Bibliya ang pagpapalit ng pangalang ay nangangahuhulugan ng pagbibigay ng misyon... Halimbawa: Si Abram ay ginawang Abraham (ama ng marming lahi), si Jacob ay ginawang Israel, si Simon ay ginawang Pedro (bato). Sa ating Ebanghelyo, ibinigay sa bata ang pangalang "Juan", nakapagtataka sapagkat hindi Zacarias Jr. na siyang pangalan ng ama niya. Ano ang kahulugan ng Juan? Napakaganda: God is gracious! Mabait ang Diyos. At ito nga ang naging simbolo ni Juan Baustista... ang kabaitan ng Diyos! Siya ang naghanda ng daanan ng Mesias. Siya ang nagbaustismo para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Ano ang pakahulugan nito sa akin? Tinaglay ko rin ang isang pangalang dapat magpakita ng aking katauhan... ang tawag sa akin... KRISTIYANO. Tinaglay ko ang napakahalagang pangalan, ang pangalan ni Kristo! Grabe! Dapat pala magpakatoo ako sa pangalan ko. Dapat nasasalamin sa akin ang pagkatao ni Kristo... sa aking salita, sa aking pag-iisip, sa aking pagkilos! Nakikita ba ng iba ang aking pagiging "Kristiyano?" Sana masabi ko... KRISTIYANO AKO!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento