Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Lunes, Hulyo 23, 2007
ANAK KA NG AMA MO! : Reflection for 17th Sunday in Ordinary Time Year C - July 29, 2007
Sa isang ospital, nag-uusap ang tatlong lalaki sa labas ng maternity ward. Biglang lumabas ang nurse at sinabi: "Mr. Reyes, kambal ang anak n'yo! Congrtulations!" Sagot si Mr. Reyes, "Wow! Ang galing naman! 2 ang anak ko! Parang lugar ng pinagtratrabahuhan ko... ABS-CBN 2!" After five minutes, lumabas uli ang nurse: "Mr. dela Cruz! Congratulations po! Triplet ang anak n'yo!" Napasigaw si Mister: "Ha? It's a miracle! Sa Triple-V ako nagtratrabaho at 3 ang anak ko!" Napansin ng dalawa na namumutla ang pangatlo nilang kasama. "Pare anung nangyari at putlang-putla ka?" Sagot ng lalaki... "Mga pare, pano'ng di ako mamumutla... ang trabaho ko sa 168 Mall!" Talaga nga namang nakakatakot ang maging ama kung ganun karaming anak ang palalakihin mo. May trabahador kami sa Don Bosco Pampanga na may 12 anak at nung rumagasa ang lahar ay litong-lito siya kung sino ang uunahin niyang iligtas! Ngunit iba ang ating Diyos Ama! Kilala at mahal N'ya tayong lubos. Tayong lahat ay tinuri n'yang anak kahit na marami sa atin ay pariwara at walang utang na loob sa Kanyang ipinapakitang kagandahang loob sa atin. Kaya nga sa ating pagdarasal nais ni Jesus na tawagin natin Siya sa pangalang nararapat sa Kanya... "Ama namin..." Kaya nga hindi dapat tayo manghinawa sa ating pagdarasal. Kulitin natin ang ating "tatay" sa ating mga pangangailangan. Walang ibibigay kung hindi hinihingi. "Ask and you will receive..." Kung matagal man niyang ibigay ang ating mga kahilingan ay marahil ay nais Niya tayong maging matiyaga sa paghingi. Kung di man Niya ibigay ito ay marahil may ibang plano Siya sa atin at ibang paraan ang Kanyang sagot. Tayong lahat ay Kanyang mga anak... sana matanim natin ito sa ating isipan. Ang ating Diyos ay Amang mapagmahal at mapagpatawad! Lagi natin isipin ang katagang: "Anak ka ng Ama Mo!" Ano pang hahanapin mo?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
hahah.. grabehan naman yung 168. :O hahaha, tama nga naman, :) eh bakit po father din tawag sa inyo?
Tnx! Whew! Your question made me think... bakit nga ba "father" din ang tawag sa aming mga pari? The best answer I could think right now is that because in our ministry we are entrusted a family to take care of. Moving out from our biological family we are to take care of a vast spiritual family... the family of God. In our own limited capacity and unworthiness we assume the title "father" hoping that we will be able to mirror the fatherhood of God.
Mag-post ng isang Komento