Ang sobrang pagnanasa ay delikado! Minsan may paring ang hilig ay sumali sa mga "promo" o palaro ng mga advertising companies. May pacontest noon ang isang sikat na "softdrink: simple lang... bumili ka lang ng softdrink, tanggalin mo ang tansan (takip)at buuin mo ang number 1,2,3! Presto! Panalo ka ng limpak-limpak na salapi! Me pagkaswerte ata sya sapagkat sa unang bili niya ng softdrink e nakuha niya ang number 3. Bumili uli siya at nakuha naman niya ang number 1. Isa na lang... ngunit yun na ata ang katapusan ng kanyang swerte: ayaw lumabas ng number 2. Nakaubos na sya ng maraming softdrinks. Umabot na ng isang case ang nabili niya... wala pa rin ang number 2. Umuwi sya sa parokyang dismaya. May lumapit na isang lalaki at sinabi sa kanya: "Father puwede po bang magkumpisal..." Ang pari, kahit na medyo dismaya ay sumagot: "Ano yon anak... sabihin mo..." "Father, meron po akong number 2!" Nanlaki ang mata ng pari at sinabi: "Ha??? Talaga? Akin na lang!" "Too much obsession in dangerous!" Isa sa mga malaking tukso ng ating panahon ay ang magkamal ng mga bagay... salapi, gadgets, ari-arian, etc.. etc. Ang ebanghelyo ngayon ay nagsasabi sa atin kung paano tayo dapat mamuhay bilang mga tag-sunod ni Kristo: "Travel light!" No need for unnecessary things... "Carry no money bag, no sack, no sandals..." (Lk. 10:4)! Ang Panginoon ay nag-aanyaya sa atin na mabuhay na payak! To live a simple life as his disciples. Hindi ko sinasalungat ang progresso ng makabagong panahon. Kelangan natin ng pag-unlad! Ngunit kung ang "cellphone" ay nagiging kapalit ng ating "physical presence" sa ating pamilya... ay mali ata! Kung ang computer ay ginagamit upang magpakalat ng kalaswaan... hindi ata tama. Kung ang pera ay nagiging dahilan upang mapabayaan ang pamilya... dapat nating pag-isipan ang ating ginagawa. Ang mga materyal na bagay ay dapat mapabuti ang ating pamumuhay at hindi makasira nito. Masyado ng kumplikado ang buhay natin ngayon. Maraming distractions sa ating paglalakbay. Let us remember... a simple life is a life lived with Christ!
1 komento:
Isang lolo fr nanalo ako ng lotto 40 milyon sa iyo na ang kalahati biglang na collaps si padre at dinala sa hospital dead on arrival. May isang bahay na nasunog. Nanay:anak tulungan mo ako nasunog ang bahay natin.ok nanay pero magpost muna ako sa fb status nasunog ang bahay natin.k anak bilisan mo magcomment ako. Walang hiya kayo sabi ng tatay kunin nyo ang computer malapit ng masunog may ginagawa pa ako mo like pa ako . Si lolo na ang bahala sa computer sabi ng apo at sumagot si lolo si lola n dahil nagcrossfire pa ako malapit na mamatay boss ko. At nagsalita si lola hindi ako puyde nag chat pa kami ni daniel padilla.
Mag-post ng isang Komento