Sabado, Oktubre 27, 2012

BULAG-BULAGAN: Reflection for 30th Sunday in Ordinary Time Year B - October 28, 2012 - Year of the Faith

Gusto mo ba ng maraming kita?  Siyempre naman!  Sino bang may ayaw?  May natanggap akong text joke na nais kong i-share sa inyo.  "Mapalad daw ang mga taong duling.. kasi DOBLE ang kanilang KITA! Pinakamalas naman daw ang mga BULAG... kasi WALANG KITA! Pero pinakasuwerte daw ang mga BOLD STARS kasi LAHAT KITA! hehe... Ipinanganak na malas nga ba ang mga bulag? Ang sabi ni Ka Freddie sa kanyang kanta: "Madillim ang 'yong paligid hating-gabing walang hanggan. Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan. Wag mabahala kaibigan isinilang ka mang ganyan. Isang bulag sa kamunduhan... ligtas ka sa kasalanan."  Kaawa-awa man ang kalagayan ng mga bulag ay masasabi nating masuwerte pa rin!  Kung itinuturing man nating malas sila ay alalahanin nating mayroon pang mas malas sa kanila! Ang mga taong NAGBUBULAG-BULAGAN!  Sila ang mga taong hindi matanggap ang mga nangyayari sa kanilang palagid at ayaw malaman ang mahirap na katotohanan ng buhay. May mga taong hindi alam kung saan sila patungo. Nabubuhay na walang kabuluhan. Walang saysay na sinasayang ang mga pagkakataong ipinagkaloob ng Diyos sa kanila!  Ganito ang naging buhay ni Bartimeo sa simula.  Bagamat hindi nasasaad sa Ebanghelyo ay nakasisigurado tayong hindi nagign kasiya-siya ang kanyang buhay.  Hindi siya tanggap ng lipunan at dahil dito ay napakababa rin ng pagtinging niya sa kanyang sarili. Kadiliman ang bumabalot sa kanyang buhay kaya't ang pagdaan ni Jesus ay nagbigay sa kanya ng bagong pag-asa! Tayo rin ay mga "Bartimeo" kung atin lamang susuriin ang ating sarili. May kanya-kanya tayong pagkabulag na dapat nating harapin.  Marahil ay pagkabulag sa masasamang pag-uugali na ayaw nating baguhin. Pagkabulag sa bisyo. Pagkabulag sa ambisyon na masama na ang kinahihinatnan sa labis nating pagnanasang maabot ito. Pagkabulag sa kayaman at ari-arian na pumipigil sa atin sa pagtulong sa mga mahihirap. Ngunit kung "Bartimeo" man tayong naturingan ay dapat magawa rin natin ang nagawa niya. Naglakas loob siyang lumapit kay Hesus. Hindi naging hadlang ang mga tao sa kanyang paligid. Hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan. Pansinin ninyo ang sigaw ni Bartimeo: "Hesus, Anak ni David! Maawa ka sa akin!" Isa itong pagpapahayag ng pananampalataya. Ang Anak ni David ang tawag nila sa pangakong Mesias! Iwinaksi ni Bartimeo ang kanyang balabal, ang kahuli-hulihang gamit ng isang pulubi na panlaban niya sa lamig ng gabi. Alam niyang pagagalingin siya ni Hesus! At ito nga ang nangyari. Nakita ni Hesus ang kanyang malaking pananampalataya at pinanumbalik ang kanyang paningin.Tanging pananampalataya ang makapagpapagaling sa ating pagkabulag. Sa pagsisimula ng Taon ng Pananampalataya, sana ay maging atin din ang mga salitang binitiwan ni Bartimeo: "Guro, gusto kong makakita!" Gusto kong magkaroon ng katuturan ang buhay ko. Gusto kong makita kung saan ako papunta. Gusto kong makita kung ano ang ibig sabihin ng mga hindi magagandang pangyayari sa aking buhay!  Tanging si Hesus ang makapagbibigay sa atin ng liwanag! Bulag man tayong naturingan ay mapalad pa rin tayo sapagkat may Diyos na nagsisilbing ilaw na gumagabay sa atin at handang hanguin tayo sa kadiliman ng buhay! Sapat lang na handa tayong lumapit at itaya ang ating buhay sa Kaya.  Ito ang tunay na pananampalataya:  "Ano man ang mangyari sa buhay ko... sa Diyos ko lang itataya ng buong-buo!"

Sabado, Oktubre 20, 2012

SAN PEDRO DE CEBU, Huwaran sa Mapagkumbabang Paglilingkod : Reflection for 29th Sunday in Ordinary Time Year B - October 21, 2012 - Canonization fo St. Pedro Calungsod

Kapag sinabing kabataan agad ang pumapasok sa ating isipan ay facebook, twitter, chat, text, internet, gadgets, gimik, party, barkada at marami pang iba na tanging sila lamang ang makakaintindi.  Bakit nga ba hindi? Ito ang kasalukuyang mukha ng mga kabataan ngayon.  Moderno. Makabago. Mabilis.  Kaya nga't mahirap ipaunawa sa kanilang naiibang pag-iisip ang disiplina, sakripisyo, pagtitiis, pag-aalay ng sarili.  Hindi sapagkat ayaw nila ng mga ito.  Nagkataon lang na ang mundong kanilang ginagalawan ay iba ang alituntunin o patakarang pinaiiral.  Kaya nga marami sa kanila ang lito, tuliro ang pag-iisip, mahina sa desisyon, takot sa "commitment", at hindi lubos na kilala ang sarili.  Ano ang kinakailangan nila upang makasabay sila sa naiibang takbo ng mundo ngayon?  Isang modelo. Isang modelong maari nilang maging batayan at inspirasyon ang pamumuhay.  Dito papasok ang santong pinararangalan natin ngayon.  Una sa lahat siya ay isang kabataan, labing pitong taon noong inalay niya ang kanyang buhay para kay Kristo.  Ikalawa, siya ay Pilipino, kadugo natin, kalahi natin, kaisa natin.  Si San Pedro Calungsod ang ikalawang santong martir nating mga Pilipino.  Isa siyang misyonerong kabataan na nagtalaga ng kanyang buhay upang maipalaganap ang Mabuting Balita ng kaligtasan.  Taong 1668 nang sumama siya sa mga misyonerong Heswita patungong isla ng Ladrones sa hilaga ng Pacifico na ngayon ay tinatawag nating Guam.  Nagsilbi siyang tagapaglingkod ng mga paring misyonero at katulong na rin sa pagtuturo ng katesismo sa mga katutubo ng lugar ding iyon.  Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang ilang katutubo at mga misyonero. Isinisi nila sa mga misyonero ang  paglaganap ng sakit sa kanilang lugar lalo na sa mga batang kanilang binibinyagan.  Nangyari ang kanyang pagkamartir ng minsang nabinyagan nila ang anak ng isang katutubong galit na galit sa kanila.  Nagtawag ito ng mga kasama at pinagkaisahang paslangin ang mga misyonero.  Nauna si Pedro Calungsod na nagbuwis ng  kanyang buhay para ipagsanggalang ang kanyang kasamang pari.  Tinamaan siya ng sibat sa dibdib na kanyang ikinamatay. Ang kanyang katawan, kasama ng paring misyonero, ay inihulog sa karagatan. Nangyari ito noong April 2, 1672.  Sa panahon ngayon na kung saan ay hindi pinahahalagahan ang pagpapakasakit at paglilingkod, ang imahe ni San Pedro Calungsod ay magandang halimbawa upang iharap sa ating mga Kristiyano, lalo na sa mga kabataan, na posible pala ang sukdulang pag-aalay ng buhay para sa iba!  Sa mata ng mundo ang kadakilaan ay nakasalalay sa taas ng posisyon o sa kasikatan.  Walang pinagkaiba sa magkapatid na Santiago at Juan na labis na inaasam ang makaupo sa kanan at kaliwa ni Jesus.  At dahil dito ay binitawan ni Jesus ang isang prinsipyong kabalintunaan sa pag-iisip ng makamundo: "ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat."  Ito ay unang pinatunayan ni Jesus sa pag-aalay ng kanyang buhay sa krus.  Ito ay pinangalawahan ng maraming taong nag-alay ng kanilang buhay para sa Diyos.  Isa na rito si San Pedro Calungsod.  Sa mundo ngayon na ang sikat ay ang maraming "likes" sa Facebook, o kaya naman ay maraming "following" sa tweeter, ang ating kabataang martir ay nagsasabi sa atin na ang pagiging sikat ay ang mapagpakumbabang pagpapakasakit at paglilingkod.  Mabuhay ka San Pedro de Cebu! Mabuhay ka Patron ng mga Kabataang Pilipino!

Sabado, Oktubre 13, 2012

GUSTO KO... HAPPY KA! : Reflection for 28th Sunday in Ordinary Time Year B - October 14, 2012

"Gusto ko.. happy ka!"  Ito ang ninanais ng marami sa atin, ang maging masaya!  Lalo na sa ating mga Pilipino na sadlak sa kahirapan ang buhay, nais nating maging maligaya at makaranas kahit man lang saglit na kaginhawaan!  Kaya nga patok sa atin ang mga "malls" at "shopping centers" kasi kahit paano ay naiibsan ang ating problema sa maikling oras ng paggala kahit wala namang bibilhin.  Pagmasdan mo ang mga nakakasulubong mo, halos lahat nakangiti, parang may mga pera sila; sa totoo lang marami sa kanila palakad-lakad, patingin-tingin, pahawak-hawak sa mga damit, tapos iiwang magulo hindi naman pala bibili. Ngunit sapat na yan upang makalimutan panandali ang marami nating problema at kahirapan sa buhay.
"Paano ba ako magiging tunay na masaya?" Siguro isa rin ito sa mga tanong mo... Tanong din ito ng marami. Magbabad ka sa National Bookstore at makikita mong napakaraming librong naisulat tungkol dito. Tanong din ito ng binatang mayaman sa ating Ebanghelyo ngayong Linggong ito. “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Ang pakahulugan ng "buhay na walang hanggan" kung isasalin sa ating modernong pananalita ay "kaligayahan".  Mabuting tao ang lalaki. Sa katunayan sinabi sa Ebanghelyo na siya ay masunurin sa batas at walang inaargabyadong tao. Nalugod si Hesus sa kanya. Tiningnan siya ng magiliw at may paghanga. Ngunit may nakita pang kulang si Jesus sa kanya. "Gusto mong lumigaya, ipagbili mo lahat ng ari-arian mo, ibigay mo sa mahihirap at sumunod ka sa akin..." Nagulat ang lalaki sa kundisyon ni Jesus sapagkat sya'y mayaman.  Pero hindi nagbago ng sagot ni Jesus... para sa Kanya ito ay isang "deal or no deal! Malungkot ang katapusan ng pagtatagpong iyon. Tumalikod na malungkot ang binata at wala ng narinig pa tungkol sa kanya. Saan ba nakasalalay ang ating kaligayahan? Sa kayamanan ba? Sa pagiging masunurin ba sa batas ng Diyos? Sa pagiging "masunuring Kristiyano" ba? Ang sagot ni Hesus: pagtalikod sa lahat ng mga sagabal sa ating pagsunod sa Kanya!  Hindi Niya sinasabing kawawa ang mayayaman dahil marami silang kayamanan.  Hindi sinasabi ni Jesus na masama ang mga ito,  Ang kanyang nais bigyang diin ay wala dapat maging hadlang sa pagnanais nating sumunod sa kanya.  Hindi lang para sa mayayaman ito sapagkat kahit ang mahirap man ay maari ring matali sa mga materyal na bagay sa simpleng maling pagnanasa sa mga ito. Ang nais niyang sabihin ay alam dapat natin ang ating pinahahalagahan sa buhay. Ang kayamanan o ari-arian ay hindi dapat inuuna sa ating pagmamahal sa Diyos at kapwa.  Ang Diyos pa rin dapat ang una sa ating buhay. Ang pagtupad sa Kanyang kalooban ang dapat nating pahalagahan sa lahat.  Nais Niyang masaya tayong lahat sa ating pagiging kristiyano. Pahalagahan natin Siya at magiging masaya tayo sa ating buhay.  Sapagkat GUSTO NIYA... HAPPY KA! 

Biyernes, Oktubre 5, 2012

PASTORAL LETTER ON THE YEAR OF FAITH by Archbishop Luis Antonio Tagle : October 7, 2012


My dear Brothers and Sisters in Christ,
Pope Benedict XV, in his Apostolic Letter Porta Fidei, announced a Year of Faith that will begin on October 11, 2012 and conclude on November 24, 2013, the Solemnity of Christ the King.  The whole Church is invited to celebrate the precious gift of faith, to receive it again and to transmit it joyfully.  Our beloved Archdiocese of Manila is one with the Church worldwide in welcoming the Year of Faith.
The Rationale for the Year of Faith
The date of the opening of the Year of Faith was chosen carefully.  It also partly explains the Pope’s intentions.  October 11, 2012 marks the fiftieth anniversary of the opening of the Second Vatican Council (1962) and the twentieth anniversary of the promulgation of the catechism of the Catholic Church (1992).  The significance of these two events determines considerably the spirit of the Year of Faith.
In our time, the Second Vatican Council is the great moment of renewal in faith.  Blessed John XXIII desired that through the Council “the Church will become greater in spiritual riches and gaining the strength of new energies therefrom, she will look to the future without fear.”  The renewal of the Church comes from a rediscovery of its spiritual heritage.  By ‘renewal’ Vatican does not mean the emergence of a totally new Church that is cut off from the past.  A proper interpretation of the Council does not allow a view of the “post-Vatican II Church” that disparages and “corrects” the “pre-Vatican II Church” by disregarding the Tradition, simplistically exalting what came after the council as good and criticizing what went before it as bad.  Neither does a proper hermeneutic of Vatican II allow the reverse that is, judging the “post Vatican II Church” as a deviation from the Apostolic Faith as though the true Church stopped existing after Vatican II.  A mere glance at the sources used in the sixteen documents of the Council shows that there exists a profound continuity in the Church, the continuity of faith assured by the Holy Spirit.  The Year of Faith invites us to study again the Second Vatican Council and the Catechism of the Catholic Church that is its fruit in order to rediscover the vitality of the faith we have inherited.
Aside from celebrating Vatican II and the Catechism of the Catholic Church, the Year of Faith invites us to look closely at the contemporary world, its beauty and wounds.  The continuity of the Church through the ages allows various forms of renewal.  The Church receives, celebrates and lives the faith in different historical settings with their unique demands and challenges.  Vatican II is one such renewal, engaging the phenomena that make up the modern world.  Within the Year of Faith a Synod of Bishops will be convoked to reflect on the New Evangelization.  In a span of fifty years after Vatican II, the world has seen dramatic changes that pose new challenges, even threats, to faith and its transmission.  The Philippines, specifically the area covered by the Archdiocese of Manila, is not exempt.  But we also believe that the contemporary world, especially the youth and the poor, expresses its search for God in ways that the Church must also discover.  Thus the Year of Faith invites us to listen to the deep cries and aspirations of the people and societies of our time so that we can proclaim Jesus Christ to them with new methods, new expressions and new fervor.  It is a year of listening and mission as well.
The Dynamics of Faith and the Year of Faith
Faith is a dynamic reality.  God initiates a relationship with us.  God opens the door of faith, to a life of communion with the Father, the Son and the Holy Spirit.  This life-long encounter and intimacy with the Triune God happens within the Church.  The Church is a community of faith, a fruit and an agent of faith and a missionary of the Gospel in the world.

As we immerse ourselves in the faith of the Church and its mission in our world in this Year of Faith, we are called to engage in an integral development in faith with the following components:
a)      A deeper understanding of what we believe in through an intensified Biblical apostolate program, review of documents of Vatican II and teachings emanating from it like the Second Plenary Council of the Philippines and the Second Provincial Council of Manila and the Catechism of the Catholic Church,
b)      A renewed appreciation and celebration of the mystery of the faith in sacrament, liturgy and prayer,
c)      A joyful living of the faith expressed especially through conversion, a moral life governed by justice and charity, solidarity with and service of the poor, and courageous witness to what we believe in,
d)     A rediscovery of ecclesial communion where the diverse gifts of the Holy Spirit are offered and developed to strengthen the Church and serve its mission here and even abroad.
We believe that as Christians we are urged on by the love of Christ to help construct a world of truth, justice, harmony and peace.  The Year of Faith also opens for the Church in the Philippines a nine-year preparation for the commemoration of the 500th anniversary of the arrival of the Christian Faith on our shores.  With Mary as our model and guide, let us welcome the Year of Faith in the Archdiocese of Manila and trust that it would bear much fruit for the Church and for humanity.
Given on 28 September 2012, Memorial of san Lorenzo Ruiz de Manila and companions.

+ Luis Antonio G. TagleArchbishop of Manila