Sabado, Agosto 18, 2018

BECOME WHAT YOU EAT, BECOME LIKE CHRIST: Reflection for 20th Sunday in Ordinary Time Year B - August 19, 2018 - YEAR OF THE CLERGY AND CONSECRATED PERSONS

Sa pagpasok ng taong 2018 ay gumawa ako ng aking sariling #fitnessgoal.  Isa sa mga lines of action na kinuha ko para sa aking sarili ay "less rice... more exercise!"  Aaminin ko na hanggang ngayon ay mas marami ang aking rice keysa exercise!  Paminsan-minsan ay nag-eexercise naman ako.  Yun lang nga pag ako ay tinatanong kung bakit ko ba ito ginagawa ay ito ang sagot ko:  "I exercise to support my eating habit!"  Ang sarap naman kasi talagang kumain hindi ba?  Ang sabi ng isa kong kaibigan:  "If you eat you'll die. If you don't eat you'll die. You will die just the same, so why not EAT and DIE!" Puwede rin itong gawing motto ng mga taong ang tanging kahulugan ng buhay ay "kumain." Ang kumain ang isa sa mga mahahalagang gawain natin bilang tao. Lalo na tayong mga Pilipino, ang pagkain ay bahagi na ng ating kultura. Halos lahat ng pagdiriwang natin ay may kainan: binyag, kasal, blessing ng bahay, fiesta at di mabilang na mga okasyon malaki man o maliit. Kahit nga ang huling lamay ng patay ay hindi rin pinapatawad, dapat may bonggang kainan!  Kung ito ay mahalaga para sa atin nararapat lamang na ito ay ating bigyan ng kaukulang pansin. Alam mo bang kakaibang nangyayari kapag ikaw ay kumakain? Ang pagkain ay isang "psychomotor activity" kaya't marahil ay hindi natin lubos na pinag-iisipan kapag ating ginagawa. Subo lang tayo ng subo. Lunok lang ng lunok. Kain lang ng kain. Kaya tuloy, palaki tayo ng palaki, palapad ng palapad, pataba ng pataba. Pataas ng pataas ang ating bilbil hanggang umabot na sa ating kili-kili.  Pero meron akong babala.  Mag-ingat tayo sa ating kinakain.  Naniniwala ako sa prinsipyo na nagsasabing: "You are what you eat!" kasi nga ay nagiging katulad tayo ng ating kinakain.  Kung mahilig kang kumain ng baboy, ay magmumukhang baboy ka rin!  Kung laging kambing ang kinakain mo ay mag-aamoy kambing ka rin!  Kung panay ang kain mo ng "junk food"  ay di malayong makasama ka sa mga tinaguriang "fat and furious!"  Ngunit kung healthy ang ating kinakain ay siguradong magiging maganda at malusog ang ating pangangatawan!  Anuman ang ating kainin maniwala tayo na nagiging kabahagi natin ang ating kinakain.  Alam n'yo bang may misteryong nangyayari sa tuwing tayo ay kumakain?  Kapag tayo ay kumakain ay pinapasok natin sa ating katawan ang isang bagay na patay at binibigyan natin ito ng buhay!  At ang buhay na iyan ay depende sa kung anung uring pagkain ang ipinapasok natin sa ating katawan.  Kaya nga kung nais mong maging malusog ang iyong pangangatawan ay dapat na masusustanyang pagkain ang kainin mo sapagkat nagiging kabahagi ng ating katawan ang kinain mo!  Alam marahil ni Hesus ang prinsipyong ito kaya't ginamit niya ang simpleng halimbawa ng pagkain upang iparating ang kahalagahan ng pakikiisa sa kanya. “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.” Sa unang pagkarining ay parang kahibangan ang sinasabi ni Hesus. Sa katunayan, marami ang hindi nakaintindi sa kanya. Maging sa panig ng kanyang mga tagasunod ay may umalis at tumiwalag dahil sa bigat ng kanyang mga pananalita. Para nga namang kanibalismo ang nais niyang ituro sa kanila: "Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya." Ngunit alam nating hindi ito ang kanyang pakahulugan. Mapalad tayo sapagkat ngayon ay alam nating ang Sakramentto ng Eukaristiya ang kanyang tinutukoy. Tunay na katawan at dugo ni Hesus ang tinatanggap natin sa Eukaristiya at hindi lang simbolismo. Kaya nga't kung naniniwala tayo sa prinsipyong "nagiging kabahagi natin ang ating kinakain" ay dapat maunawaan natin ang ibig sabihin ng pananahan ni Hesus sa atin bilang Kristiyano. Sa tuwing tinatanggap ko si Hesus sa Banal na Komunyon, naniniwala ba akong nagiging kabahagi ko Siya? Ako ba'y nagiging mas mapagkumbaba, mas mapagpatawad, mas maalalahanin, mas matulungin sa aking kapwa? Marahil ay "marami pa tayong kakaining bigas" sa pagiging tunay na Kristiyano. Ngunit ang lahat ay nagsisimula sa unang subo. Maniwala tayo na ang ating tinatanggap sa Banal na Komunyon ay ang TUNAY NA KATAWAN ni KRISTO! BECOME WHAT YOU EAT... BECOME LIKE CHRIST!

1 komento:

Rebecca ayon kay ...

Iniwan ako ng aking Ex-boyfriend at ang aking anak na babae mula noong 6 na linggo na ang nakalilipas pagkatapos, sinubukan kong ALMOST EVERYTHING na ibalik ang aking relasyon at nabigo ako. Walang nagtatrabaho, Isang linggo na ang lumipas ay nakita ko ang website ng Dr.Wealthy at pagkatapos kong makipag-ugnay sa Dr.Wealthy para sa tulong, awtomatikong nagbago ang lahat, ang aking kalungkutan ay naging kagalakan, ang ngiti ay nasa buong mukha ko, lahat ng bagay ay naganap na FAST at epektibo ang resulta. Si Dr.Wealthy ay ang LAMANG spell caster na nagkaroon ako ng tagumpay, tinawag ako ng kasintahan at sinabing nais niyang bumalik kami at nais din na pakasalan ako. bumalik siya sa akin na humihiling sa akin na tanggapin siya pabalik at nangyari ito Dahil sa tulong ni Dr.Wealthy. Masaya ako na bumalik ako sa aking kasintahan. Makipag-ugnay sa Dr.Wealthy ngayon para sa isang kagyat at mabilis na spell ng pag-ibig upang manalo ang iyong relasyon sa likod.

wealthylovespell@gmail.com
WhatsApp o tawagan siya +2348105150446
Ang kanyang blog> http://wealthyspellhome.over-blog.com