May isang pari kami sa aming kongregasyon na pumanaw na, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa, na may kakaibang sagot kapag binabati mo siya sa umaga. "Good morning Father!" minsang binati ko siya at ang sagot niya sa akin ay "It was!" Parang gusto niyang sabihin sa akin na... "Maganda sana kanina, kaya lang dumating ka!"
May bumati sa akin: "Good morning Father!" pabiro ko siyang sinagot ng "And what is GOOD in the morning?" sabay pasimangot na tingin. At sinagot nya ako ng nakangiti "E di ikaw Father, ikaw ang GOOD!" At sinagot ko na man siya ng.. "E di...WOW!" hehehe...
What is GOOD nga ba in GOOD FRIDAY? Lalo na sa mga araw na ito na kung saan ay nakakulong pa rin ang marami sa atin sa apat na sulok ng ating tahanan dahil sa COVID-19 na ito. Ano nga ba ang GOOD kung marami sa atin ang kinakapos na sa supply ng pagkain dahil sa pag-extend ng Enhanced Quarantine? Ano nga ba ang GOOD kung patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay at nahahawaan ng virus na ito? Ano nga ba ang GOOD kung hindi pa rin tayo makabalik sa normal nating pamumuhay?
Bakit nga ba "good" at hindi "holy" ang tawag natin dito? Ang ibang mga araw ng Holy Week ay tinatawag nating "Holy Monday, Holy Tuesday, Holy Wednesday, Holy Thursday... oppps! Wag kang magkakamali, ang susunod ay... GOOD FRIDAY! Ano ba ang mabuti sa araw na ito at pinalitan natin ng "good" ang "holy?" Tatlong dahilan ang sumagi sa aking pagninilay sa kahalagahan ng araw na ito para sa ating lahat sa kasalukuyang panahong ito.
Ang una ay "Good" sapagkat sa araw na ito ay ipinahahayag sa atin ang WALANG KAPANTAY NA KABUTIHAN ng Diyos, ang Diyos na nag-alay ng kanyang buhay upang tayo ay maligtas. "God is good all the time... and all the time God is good!" Kahit na sa mga sandaling lugmok tayo sa kahirapan, baon tayo sa problema, at humaharap sa maraming pagsubok SA BUHAY, ang Diyos ay nanatili pa ring MABUTI sa atin! Kahit na patuloy pa rin ang paghihirap natin at ng marami pa rin nating mga kababayan ang nagtitiis sa pasakit na dala ng COVID19 ay nananatili pa rin siyang mabuti, Hindi niya tayo iniiwan. Hindi niya tayo pinababayaan! Sapat lang na tingnan natin si Jesus sa krus at mauunawaan natin ang ibig sabihin ng paghihirap, na kung ang Diyos mismo ay dumanas ng paghihirap ay ako pa kaya na isang walang kuwentang alagad ang aangal sa mga ito? Kung ang Diyos mismo, sa pamamagitan ng kanyang bugtong na anak, ay niyakap at binuhat ang krus ng paghihirap ay sino ako para tanggihan ito? Kaya nga ang panalangin natin ay bigyan niya tayo ng lakas at katatagan ng pananampalataya upang kasama niya ay matahak natin ang DAAN NG KRUS na ito.
Ikalawa, "Good" sapagkat sa araw na ito ay nanaig ang KABUTIHAN sa kasamaan! Sa mata ng tao ay kabiguan ang nangyari kay Jesus ngunit hindi sa Diyos. Ang kanyang kamatayan ay isang tagumpay! Tagumpay sapagkat ang kanyang dugo ang pinantubos niya sa ating mga kasalanan. Tao ang nagkasala ngunit Diyos ang nagbayad-puri. May KABUTIHAN pa bang papantay dito? Manalig din tayo na mananaig din ang kabutihan sa mga kasamaaang dala ng virus na ito. Pasasaan ba't malalagpasan natin ang mga pasakit na dala nito sa ating buhay. Hindi katapusan ang Biyernes Santo para sa atin. May naghihintay na LINGGO NG PAGKABUHAY na siyang ating inaasam. May liwanag na dala ng bukang liwayway pagkatapos ng mahabang kadiliman ng gabi. Kailanman ay hindi magagapi ng dilim ang liwanag! Kailanman ay hindi magagapi ng kasamaan ang kabutihan!
At huli sa lahat, "Good" sapagkat tayo ay nais niyang MAGPAKABUTI T at gumawa ng MABUTI sa ating kapwa. Magkakaroon lamang ng saysay ang kanyang kamatayan kung maipakikita natin sa kanya na kaya nating tularan ang kanyang KABUTIHAN. Maging mapagpatawad tayo, maunawain, maalalahanin at mapagkawanggawa sa ating kapwa. Kung paano Siyang nag-alay ng sarili para sa atin dapat tayo rin ay handang mag-alay ng ating sarili sa iba. Ang krus ng paghihirap ng ating Panginoong Jesus ay nagiging magaang para sa atin kung ito ay binubuhat natin ng may pagmamahal. Isang bata ang binubuhat sa likod ang kanyang kapatid na may polyo na halos doble ang laki sa kanya ang tinanong kung hindi ba siya nabibigatan sa kanyang ginagawa. Ang sagot niya ay: "No! He's not heavy... he's my brother!" Kung ituturing lang nating kapatid ang bawat isa, kung mabubuhay lang sana tayo sa pagmamahal, kung hahayaan lamang natin si Jesus na punuin ng pag-ibig ang ating mga puso ay magiging mabuti tayo at mapapabuti natin ang ating kapwa.
Kaya mga kapatid, ang hamon sa atin ng Panginoon ay ipakita nating tunay ngang "GOOD" ang araw na ito. Ipahayag natin ang kanyang kabutihan lalo na sa mga kapatid nating nahihirapan sa mga sandaling ito. Iparamdam natin na sa kabila ng kanilang mahirap na kalagayan ay hindi sila nakakalimutan ng Diyos. Tayo ang maaring maging tagapag-paalala ng Kanyang pagmamahal. Huwang tayong mangiming tumulong sa ating kapwa lalong-lalo na sa pangangailangang materyal. Tumulong tayo sa abot ng ating makakayanan. Tunay ngang lubos na mabuti ang araw na ito. Ang Kanyang kamatayan ang nagpabuti sa ating mundong nababalot ng kasamaan kayat magtiwala tayo sa Kanyang kabutihan. God is good today and will always be good all the time!
1 komento:
Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
Mag-post ng isang Komento