Lunes, Mayo 28, 2007

DIYOS NA 3 in 1 : Reflection for the Solemnity of the Most Holy Trinity, Year C - June 3, 2007

Cat1085 I am a cofee lover! Grabe! Hindi ako makakatulog sa gabi pag hindi ako uminom ng kape. Marami na rin akong kapeng natikman... from brewed o barakong kape ng batanggas to fraps o fancy cofee ng starbucks. Natikman ko pa nga ang exotic na "kape alamid". Special daw ang kapeng ito na ang beans ay galing sa "shit ng Alamid" hehehe! Talagang mapapa... (sorry for the word) SHIT ka pag nainom mo ito! PhP 170 ba naman sa isang maliit na expresso cofee! hehehe... sabi ko sa sarili ko... dun na lang ako sa aking 3 in 1 na Nescafe! Tubig lang na mainit ang kelangan mo... enjoy ka na! Sometimes we make life so complicated... e simple lang naman ang buhay... Parang Diyos... we make Him too complicated in our minds. We want to understand him using our limited intelligence... only to find out that God is not meant to be understood by the mind but by the heart. Ang mga taong marunong lang magmahal ang nakakaunawa sa Diyos! Ako... kuntento na sa aking Diyos na 3 in 1... Ang Diyos Ama na nagbigay sa akin ng Kanyang Anak at patuloy na gumagabay sa akin sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Di ko man S'ya lubos na maintindihan (bakit 3 in 1?) alam ko namang mahal N'ya ako at nais Niyang mahalin ko rin Siya... more than understand Him, He wants me to love Him. Everytime I take a sip of cofee... kape Alamid man o simpleng Nescafe, it always reminds me of my God... 3 in 1... Three Persons in One God who loved me unconditionally... to the max!

Huwebes, Mayo 24, 2007

ANG ESPIRITUNG BANTAY : Reflection for the Solemnity of Pentecost, Year C - May 27, 2007

Bib1061 Isang bata na may bagong mountain bike ang nagpark sa isang Simbahan at hinanap ang Parish Priest. Nang makita ito ay magalang na nagpakilala at nagsabi: "Father, puwede ko po bang ipark dito ang bike ko... kasi po baka mawala. Bagong-bago pa naman yan!" "Sige, anak" sagot ng pari, "magtiwala ka na walang mangyayaring masama sa bike mo." "Sure po ba kayo Father?" nagdududang tanong ng bata. Huminga ng malalim ang pari at sinabi: "Sigurado ako! Babantayan yan ng Holy Spirit kaya't walang magnanakaw niyan! Kung gusto mo magdasal tayo..." "Sige po Father... In the name of the Father, and of the Son. Amen!" Singit ng pari: "Teka me kulang ata sa dasal mo... bakit wala ang Holy Spirit?" Sagot ng bata: "Wag na nating abalahin Father, binabantayan niya ngayon ang bike ko!" Totoo nga naman, ang Espiritu Santo ang nagbabantay sa Simbahan simula pa lamang ng ito ay itinatag. Sa katunayan ngayon ay "birthday" ng Simbahan! Ipinanganak ang Simbahan sa pagpanaog ng Espiritu Santo at ito ang patuloy na gumagabay sa kanya. Nadarama mo ba ang paggabay ng Espiritu Santo sa iyong buhay? Tinanggap mo ito nung ikaw ay bininyagan at kinumpilan. May epekto ba S'ya sa buhay mo ngayon? Kung nanlalamig ka ngayon sa pananampalataya, hingin mo ang tulong Niya. Kung paanong walang matigas na tinapay sa mainit na kape, walang ring matigas na puso ang di kayang palambutin ng mainit Niyang pagmamahal. "Come, Holy Spirit fill the hearts of your faithful and kindle in them the fire of your love..."

Martes, Mayo 22, 2007

MARIA TULONG NG MGA KRISTIYANO: Reflection for the Feast of Mary Help of Christians - May 24, 2007

M2029

Mayroong isang kuwento na minsan daw sa langit ay naglalakad ang Panginoong Hesus at nakakita siya ng mga di kilalang kaluluwa na gumagala sa Kanyang kaharian. Agad niyang tinawag si San Pedro upang tanungin kung sino ang mga bagong "migrants" na iyon. Walang masabi si San Pedro kaya't katakot-takot na sermon ang inabot niya sa Panginoon. "HIndi ba sabi ko na sa iyong isarado mong mabuti ang pinto upang walang makakapasok dito na hindi natin nalalaman?" Sabi ni Hesus. Tugon ni San Pedro: "Sinasarado ko naman po... kaya lang ang nanay ninyo binubuksan naman ang bintana at doon ipinupuslit ang mga migranteng ito!" hehehe... Marahil isang kuwento lamang ngunit kapupulutan natin ng aral tungkol sa ating Mahal na Birhen. Tunay ngang siya ay "tulong ng mga Kristiyano" o "Help of Christians". Ang kasaysayan ang ating patunay na si Maria ay laging tumutugon sa pangangailanan ng Simbahan. October 7, 1571 ng magapi ng mga mandirigmang Kristiyano ang mga turko sa malamilagrong "Battle of Lepanto. May 24, 1814 ng nakalaya si Pope Pius VII sa pagkakabihag ni Napoleon at nawala ang pagtatangkang sirain ang Simbahan. Noong panahon ni Don Bosco (1815-1888) ay talamak at hayagan ang pagbatikos sa Simbahan ng mga "Anti-clericals". Lahat ng pagsubok na yan ay nalagpasan ng Simbahan sa pamamagitan ng pamimintuho at debosyon sa kanya. Kaya nga't hindi nagdalawang isip si Don Bosco upang kunin siyang patron ng kanyang gawain. Hanggang ngayon ay patuloy ang paggawa ni Maria ng himala at namamagitan siya sa pangangailangan ng Simbahan. Marami pa rin ang sumisira at tumutuligsa sa ating pananampalataya. Hingin natin ang makapangyarihang pamamagitan (intercession) ni Maria... ang Tulong ng mga Kristiyano!

Sabado, Mayo 19, 2007

Tapos na ba ang Eleksyon? : Reflection for the Feast of the Ascencion Year C - May 20, 2007

Bib1046 Natapos na ang eleksyon. Natapos na rin ang ating pagpili sa ating mga pinuno. Natapos na rin ba ating obligasyon bilang mamamayan ng ating lipunan? Ang sagot ay malaking "HINDI!" Sinubaybayan ko ang takbo ng eleksyon. Wala namang gaanong pagbabago sa mga nangyari na dati. Naroon pa rin ang pagkakagulo (hindi mahanap ang pangalan sa listahan). Naroon pa rin ang karahasan sa ibang lugar (may mga buhay pa ring nasawi). Naroon pa rin ang pandaraya (maririnig mo pa rin ang pambibili ng boto). Naroon pa rin ang pagnanais na manalo kahit na gumamit ng paraang nakakasira sa kapwa! Parang walang nagbago! Ngunit hindi lahat ay "ganun na lang." Sa lalawigan ng Pampanga ay may kakaibang nangyari. Isang himala sabi ng isang pahayagan. Isang "phenomenal event" sabi ng isang komentarista. Isang "pag-asa" ang nakita para sa isang bansang ang eleksyon ay nabahiran na ng isang sistemang nagpapairal ng kasamaan. Nanalo ang isang pari laban sa dalawang malaking higante ng halalan sa kabila ng paggamit nila ng salapi at kapangyarihan. Nanaig ang isang pag-asa hindi lamang para sa mga kapampangan pero sa lahat ng mga Pilipino. Ano ang susunod pagkatapos nito? Matutulad na lamang ba tayo sa mga alagad ni Jesus na pagkatapos ng kanyang pag-akyat sa langit ay nanatiling namamangha at nakatingala sa langit! Hindi! Si Jesus mismo ang nagsabi: "Kayo'y magiging saksi ko... hanggang sa dulo ng daigdig!" Ibig sabihin ni Jesus ay dapat kumilos tayo! Hindi natapos ang lahat sa pag-akyat niya sa langit. Bagkus ang kanyang pag-akyat ay naghudyat pa nga upang simulan nila ang kanilang misyon... ang kanyang maging mga buhay na saksi! Ang pag-akyat ni Jesus sa langit ay dapat magbigay sa atin ng sigla at pag-asa na kung tayo ay magiging tapat sa ating pagiging Kristiyano ay makakamit natin ang gantimpala ng kalangitan. Hindi pa rin tapos ang tagumpay ni Jesus. Tayo ang inaasahan niyang tatapos nito. Napatunayan ng eleksyon na puede pa rin pala ang pagbabago. Baguhin na rin natin ang masamang sistemang sumisira sa ating pagiging Kristiyano! Maging mga buhay tayong saksi ni Kristo!

Sabado, Mayo 12, 2007

DIYOS NA NGO-NGO : Reflection for the 6th Sunday of Easter, Year C - May 13, 2007

Jes1028_1 Isang ngo-ngo ang despiradong nagdasal sa loob ng Simbahan. Lagi na lang siyang niloloko ng kanyang mga kasama dahil sa kanyang kapansanan kaya't naisip niyang tanungin ang Diyos kung talagang mahal pa siya nito. Sabi niya: "Mainoon, maal mo ma ao? Mait ao niloloko ng mga tao? Umaot ka kun indi, magpapaamatay ao!" May nakarinig pala sa kanya... isang ngo-ngo rin na nakasimpatya sa kanyang abang kalagayan kaya't sumagot siya na patago. "Ngo-ngo... maal na maal ita. Iniiip nilay indi maalaa. Maal ita maing ino a man..." Sagot si ngo-ngo: "Mainoon... ngo-ngo a rin?" May tama si ngo-ngo! Sobrang mahal siya ng Diyos. Sa sobrang pagmamahal na ito ay nakiramay siya sa ating abang kalagayan. Kinuha niya ang ating pagka"ngo-ngo"... ang ating kahinaan bilang tao. Kaya nga't tama si San Pablo ng ipanaliwanag niya kung ano ang pag-ibig: "Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos kundi tayo ang inibig niya at sinugo ang kanyang Anak..." Isa lang ang hangarin ng Diyos para sa atin: ang manatili tayo sa Kanyang pag-ibig. Ano ang kanyang kundisyon? "Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig." At ano ang kanyang utos? Para ng sirang plaka na lagi nating naririnig: "....mag-ibigan kayo!" Nangyayari ba ito sa ating kapaligiran ngayon? Patuloy pa rin ang bangayan sa pulitika. Patuloy pa rin ang pandaraya at panlalamang sa kapwa. Patuloy pa rin ang paggamit at pagsasamantala sa mga mahihirap. Patuloy pa rin ang pagkamakasarili ng mga tao... Siguro nga, dapat pang ulit-ulitin ang utos ni Jesus. Ulit-ulitin hanggang ang mundo ay mabalot ng kanyang pag-ibig!

Huwebes, Mayo 3, 2007

HULING HABILIN: Reflection for the 5th Sunday of Easter Year C - May 6, 2007

Jesus Isang lalaki ang nasa bingit ng kamatayan. Tinawag niya ang kanyang maybahay upang makausap sa huling pagkakataon. "Mahal, nais kong sabihin mo sa akin ang totoo. Ngayong malapit na akong mamatay ay nais kong mapayapa ang aking sarili at maalis ang lahat ng anumang pagdududa tungkol sa ating dalawa. Tapatin mo ako... itong bang bunso natin ay tunay kong anak? Malayo kasi ang itsura niya sa akin..." Sagot ng babae: "Ano ka ba naman! Bakit pinagdududahan mo ako. Anak natin yang bunso... yung panganay ang sa kumpare mo!" Inatake sa puso ang lalaki! hehehe. Napakahalaga ng huling pamamaalam. Ang huling salita na ating maririnig sa isang taong malapit ng mawala sa mundong ito ay dapat pagtuunan ng pansin. Nilalaman nito ang kanyang buong buhay...ang kanyang sarili. Bago umalis si Jesus ay binitiwan niya sa mga alagad ang mga salitang ito: "Mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo..." Walang kasing linaw ang mga salitang ito ni Jesus. Ngunit bakit kaya patuloy pa rin ang patayan at pamamaslang sa mundo? Bakit patuloy pa rin ang panlalamang at pang-aabuso sa kapwa? Bakit patuloy pa rin ang pagsasawalang kibo ng mga mayayaman sa mahihirap at hinihayaan silang mamatay sa gutom? Bakit hindi pa rin tayo makapagpatawad at matigas pa rin ang puso sa ating mga kagalit? Kung tunay na mahal mo S'ya... susundin mo ang Kanyang "huling habilin".... magmahalan kayo!

Martes, Mayo 1, 2007

Ang Mabuting Pastol : 4th Sunday of Easter Year C - April 29, 2007

Bib1072 Isang pulitiko na kilala sa "pangungurap" (corruption) ang minsang nagdasal sa Simbahan. Sa harap ng isang malaking crucifix ay sinabi niya " Lord, maraming salamat sa mga pagpapalang patuloy na ibinibigay mo sa akin. I have just closed a multi-million peso deal, matatapos na rin ang rest house na pinapagawa ko sa Baguio. Bukas darating ang bago kong luxury car... maraming salamat Panginoon..." Nang bigla na lamang siyang nakarinig ng isang tinig: "Oo, magpasalamat ka..." Tumingala siya at sumagot: "Panginoon, anung ibig sabihin mong dapat magpasalamat ako?" Sagot sa kanya ng tinig: "Dapat kang magpasalamat at nakapako ang mga kamay ko. Kung hindi ay nasapak na kita!" hehehe... Ang Panginoon ay peacemaker, ngunit sa kabila nito ay nakuha niyang tuligsain ang kanyang mga kaaway... ang mga pinuno ng kanilang relihiyon nung panahong iyon sapagkat hindi sila kinakikitaan ng isang pagiging "mabuting pastol". Kaya nga ang Diyos na mismong nagsabi na Siya na ang magpapastol sa kanyang kawan: "I will be their shepherd." At si Jesus na rin ang nagsabing "I am the Good Shepherd... I know my sheep and they follow me..." Matapat na sumusunod ang mga tupa sapagkat matapat ang namumuno. Sa tuwing sasapit ang eleksiyon ay lagi na lamang nating tinatanong kung sino ang dapat nating iboto. Bagamat ang Simbahan ay hindi nagbibigay ng direktang pangalan, hindi naman Siya nagkukulang sa pagbibigay ng pamantayan sa pagpili ng isang mabuting kandidato. Ang kanyang pamaantayan: dapat ay katulad ni Jesus na Mabuting Pastol. Tatlong katangian ang maibibigay natin: Una ay katapatan, ibig sabihin ay may paninindigan sa katotohanan. Katulad ni Jesus na nanindigan hanggang kamatayan. Ikalawa, pagsasaalang-alang sa Diyos. ibig sabihin ay may takot sa Kanya. Ang kagustuhan ng Diyos ang kanyang pinapairal. At pangatlo ay may pagmamalasakit. Hindi ang pansariling kapakanan ang inuuna. Handang kalimutan ang kanyang sarili para sa kapakakanan ng nakararami. Ito ang ginawa ni Jesus sa pag-aalay ng kanyang buhay. Sana wakasan na natin ang "trapo" at simulan natin ang pagpili ng isang lider na kinakikitaan ng larawan ng isang pagiging "mabuting pastol..."

introduction

As a "ten year old priest", it is always my firm belief that the Word of God is ever dynamic, full of life, challenging, life changing! Sad to say, this is not what I see whenever I celebrate Mass and preach every Sunday. Worse, the dwindling number of young people during Sunday celebrations made me think twice on the efficacy of God's Word. Ask them why and you will hear these comments: "It's so boring! What they are saying is so archaic and too much moralizing! I had enough with my parents' sermons... don't add up please!" It's a wake up call for me as minister of God's Word. Either I make my homily "younger" or loose slowly these young souls... the future of the Church! PRO-YOUTH GOSPEL REFLECTION are reflections specially tailored for the "hard to satisfy youth". This is not suppose to replace their going to Mass every Sunday and listen to boring priests' homily but rather it should help them understand better the Word of God and how to live it in their daily life. If you are young this space is for you. If you are not so young... well you can still be young at heart.

Reflections will mainly be written in Filipino or tagalog as my targets are the "young masa". Another reason is that i want that my reflections will reach the heart of its readers and not only the mind. Iba ang dating kapag binasa mo sa ating wika... may kagat sa puso!

You will also find the reflections contained in one or two paragraphs. Practically, a less than 30 seconds reading... marami kasi sa mga kabataan natin ang tamad magbasa... ayaw mag-isip... mabilis ang attention span... But i hope that the shorter is my reflection... the longer its effects in young people's lives.

All said then... let's start blogging... Mabuhay ang kabataan!