Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Martes, Mayo 22, 2007
MARIA TULONG NG MGA KRISTIYANO: Reflection for the Feast of Mary Help of Christians - May 24, 2007
Mayroong isang kuwento na minsan daw sa langit ay naglalakad ang Panginoong Hesus at nakakita siya ng mga di kilalang kaluluwa na gumagala sa Kanyang kaharian. Agad niyang tinawag si San Pedro upang tanungin kung sino ang mga bagong "migrants" na iyon. Walang masabi si San Pedro kaya't katakot-takot na sermon ang inabot niya sa Panginoon. "HIndi ba sabi ko na sa iyong isarado mong mabuti ang pinto upang walang makakapasok dito na hindi natin nalalaman?" Sabi ni Hesus. Tugon ni San Pedro: "Sinasarado ko naman po... kaya lang ang nanay ninyo binubuksan naman ang bintana at doon ipinupuslit ang mga migranteng ito!" hehehe... Marahil isang kuwento lamang ngunit kapupulutan natin ng aral tungkol sa ating Mahal na Birhen. Tunay ngang siya ay "tulong ng mga Kristiyano" o "Help of Christians". Ang kasaysayan ang ating patunay na si Maria ay laging tumutugon sa pangangailanan ng Simbahan. October 7, 1571 ng magapi ng mga mandirigmang Kristiyano ang mga turko sa malamilagrong "Battle of Lepanto. May 24, 1814 ng nakalaya si Pope Pius VII sa pagkakabihag ni Napoleon at nawala ang pagtatangkang sirain ang Simbahan. Noong panahon ni Don Bosco (1815-1888) ay talamak at hayagan ang pagbatikos sa Simbahan ng mga "Anti-clericals". Lahat ng pagsubok na yan ay nalagpasan ng Simbahan sa pamamagitan ng pamimintuho at debosyon sa kanya. Kaya nga't hindi nagdalawang isip si Don Bosco upang kunin siyang patron ng kanyang gawain. Hanggang ngayon ay patuloy ang paggawa ni Maria ng himala at namamagitan siya sa pangangailangan ng Simbahan. Marami pa rin ang sumisira at tumutuligsa sa ating pananampalataya. Hingin natin ang makapangyarihang pamamagitan (intercession) ni Maria... ang Tulong ng mga Kristiyano!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
hello po father! happy feast of MHC in advance!
congratulations po for ur effort to reach out to the hearts of young people through creating youth-friendly reflections... hence, the title "pro-youth gospel reflections"...
truly indeed, Mary is our Mother and our help, who never fails to pray for us and protect us... uhmmm, pero father, hindi po kya isipin ng ibang babasa dun s story n nbanggit niyo eh, mas mataas pa si Mama Mary ksa k Jesus, kc nkkpgppsok siya ng mga souls s heaven ng hindi niya nalalaman? hehehe... naisip ko lng po un, kc naaalala ko po before eh, nrnig ko from somewhere n iwasan pong gmitin ung story n un kc it only gives other people wrong notion about our Blessed Mother, na she's the one who answers our needs and hindi c God... father wag nyo po masamain ah... gusto ko lng po ishare ung pananaw ko dun s reflection... what do u think po?
take care po always and God bless!
Mag-post ng isang Komento