Martes, Mayo 1, 2007

Ang Mabuting Pastol : 4th Sunday of Easter Year C - April 29, 2007

Bib1072 Isang pulitiko na kilala sa "pangungurap" (corruption) ang minsang nagdasal sa Simbahan. Sa harap ng isang malaking crucifix ay sinabi niya " Lord, maraming salamat sa mga pagpapalang patuloy na ibinibigay mo sa akin. I have just closed a multi-million peso deal, matatapos na rin ang rest house na pinapagawa ko sa Baguio. Bukas darating ang bago kong luxury car... maraming salamat Panginoon..." Nang bigla na lamang siyang nakarinig ng isang tinig: "Oo, magpasalamat ka..." Tumingala siya at sumagot: "Panginoon, anung ibig sabihin mong dapat magpasalamat ako?" Sagot sa kanya ng tinig: "Dapat kang magpasalamat at nakapako ang mga kamay ko. Kung hindi ay nasapak na kita!" hehehe... Ang Panginoon ay peacemaker, ngunit sa kabila nito ay nakuha niyang tuligsain ang kanyang mga kaaway... ang mga pinuno ng kanilang relihiyon nung panahong iyon sapagkat hindi sila kinakikitaan ng isang pagiging "mabuting pastol". Kaya nga ang Diyos na mismong nagsabi na Siya na ang magpapastol sa kanyang kawan: "I will be their shepherd." At si Jesus na rin ang nagsabing "I am the Good Shepherd... I know my sheep and they follow me..." Matapat na sumusunod ang mga tupa sapagkat matapat ang namumuno. Sa tuwing sasapit ang eleksiyon ay lagi na lamang nating tinatanong kung sino ang dapat nating iboto. Bagamat ang Simbahan ay hindi nagbibigay ng direktang pangalan, hindi naman Siya nagkukulang sa pagbibigay ng pamantayan sa pagpili ng isang mabuting kandidato. Ang kanyang pamaantayan: dapat ay katulad ni Jesus na Mabuting Pastol. Tatlong katangian ang maibibigay natin: Una ay katapatan, ibig sabihin ay may paninindigan sa katotohanan. Katulad ni Jesus na nanindigan hanggang kamatayan. Ikalawa, pagsasaalang-alang sa Diyos. ibig sabihin ay may takot sa Kanya. Ang kagustuhan ng Diyos ang kanyang pinapairal. At pangatlo ay may pagmamalasakit. Hindi ang pansariling kapakanan ang inuuna. Handang kalimutan ang kanyang sarili para sa kapakakanan ng nakararami. Ito ang ginawa ni Jesus sa pag-aalay ng kanyang buhay. Sana wakasan na natin ang "trapo" at simulan natin ang pagpili ng isang lider na kinakikitaan ng larawan ng isang pagiging "mabuting pastol..."

Walang komento: