Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Biyernes, Hunyo 15, 2007
MAG-BEER MUNA TAYO! Reflection for 11th Sunday in Ordinary Time Year C - June 17, 2007 (Fathers' Day)
Isang binata ang takot na lumapit sa kanyang tatay: "Itay, puede po ba akong sumama sa party ng mga kaibigan ko mamyang gabi?" Laking pagkagulat niya ng sumagot ang kanyang striktong tatay: "O sige... malaki la na. Bahala ka! Basta tandaan mo, may kasunduan tayo... pag ikaw ay masyadong nagpagabi at dumating ka ng pasado alas dose ay makikita mong patay na ang ilaw sa labas ng bahay. Nakakandado na ang pinto. Sa madaling salita... sa labas ka na matutulog!" "Opo itay!" tuwang-tuwang sagot ng anak sapagkat first time niyang pinayagan. Nalibang ng husto ang binata sa party at di niya namalayan ang paglipas ng oras. "Naku! Patay! Alas dose pasado na!" Dali-dali siyang umuwi at totoo nga patay na ang ilaw sa labas, nakakandado na ang pinto. Ibig sabihin, sa labas na siya matutulog. Nanlulumo siyang naupo sa tabi pinto ng biglang bumukas ito at nakita niya ang kanyang tatay. "Itay, hindi po ba may kasunduan tayo na pag nahuli ako ay sa labas na ako matutulog? Bakit lumabas pa po kayo?" Sagot ng tatay: "Anak, may kasunduan nga tayo at paninindigan ko yon pero, wala sa ating kasunduan na puede kitang samahan dito sa labas ng magdamag. Anak... magbeer muna tayo!" Sabay labas ng bote ng San Miguel. Parang ganito rin kung ituring tayo ng Diyos. Makatarungan Siya ngunit Siya rin ay mapagpatawad! Katulad ng pagpapatawad na ibinigay niya sa babaeng makasalanan sa ating Ebanghelyo. Hndi Siya nagbubulag-bulagan sa ting mga nagagawang kasalanan ngunit hindi rin Siya nagbibingi- bingihan sa tuwing hihingi tayo ng tawad sa mga ito. "Ang malaking pagmamahal na ipinamalas niya ang nagpapatunay na ipinatawad na ang marami niyang kasalanan!" (Lk. 7:47) Ang sukatan ng kanyang pagpapatawad ay pagmamahal. Paano ko ba ipinapakita ang aking pagmamahal? May tunay ba akong pagsisisi at pagtitika na babaguhin ang aking sarili sa tuwing ako ay nagkakamali? Ang sarap marinig sa Kanya: "Anak, halika... sasamahan kita... magbeer muna tayo!"
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
Hehehe...light sharing but great reading! ok ka Father!
mike was here, father... i am a highschool sophomore student at Don Bosco in Mandaluyong. =)
Mag-post ng isang Komento