Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Miyerkules, Oktubre 31, 2007
STAND TALL 'TOL!: Reflection for the 31st Sunday in Oridinary Time Year C - November 4, 2007
Martes, Oktubre 30, 2007
THE DOCTOR IS UP! : Pagninilay para sa Kapistahan ng Lahat ng mga Banal - November 1, 2007
Linggo, Oktubre 28, 2007
MAYKAPAL HINDI MAKAPAL! : Reflection for 30th Sunday in Ordinary Time Year C - October 28, 2007
Lahat ba ng panalangin ay kinalulugdan ng Diyos? Ang sagot ay hindi! Ang panalangin ng MAKAKAPAL ay walang puwang sa MAYKAPAL! Minsan may taong nagdarasal na palaging ibinibida ang kanyang sarili. Ganito parati ang laman ng kanyang panalangin: "Panginoon, maraming salamat po at ginawa mo akong mabuting Kristiyano hindi katulad ng iba d'yan na maraming bisyo at hindi nagsisimba..." Laking gulat n'ya ng sumagot ang Diyos: "Mapalad ka anak... mapalad ka!" "Anung ibig mong sabihin Panginoon?" Sagot ng mahiwagang tinig: "Mapalad ka at nakapako ang mga paa ko, kung hindi ay tinadyakan na kita!" hehehe... Kuwento lang naman ngunit may laman ang sinasabi. Inis ang Diyos sa panalangin ng mga palalo at mayayabang. Sapagkat ang panalangin ng mga palalo ay hindi kumikilala sa kapangyarihan at kabutihan ng Diyos. Hindi bida ang Diyos sa kanilang panalangin bagkus ang sarili ang itinataas! Ang pagpapakumbaba ay mahalagang kundisyon sa tunay na pagdarasal. Tanging ang mga taong katulad ng publikano sa talinhaga, na handang umamin ng kanyang pagkakamali ang kinalulugdan ng Diyos sa kanilang panalangin. Ang mapagpakumbabang panalangin ay nagpapakita ng ating pangangailangan sa awa ng Diyos at nagpapahayg ng Kanyang kapangyarihan at kabutihan. Paano ka ba magdasal? Bawal ang makapal sa Maykapal!
Sabado, Oktubre 20, 2007
MAKULIT KA BA? : Reflection for 29th Sunday in Ordinary Time Year C - October 21, 2007
Biyernes, Oktubre 12, 2007
PAGPAPASALAMAT: Reflection for 28th Sunday in Ordinary Time Year C - October 14, 2007
May isang lumang kwento na minsan sa langit daw ay may naligaw na kaluluwa. Naglibot siya at nakita n'ya ang tatlong malalaking bodega na kung saan ay maraming anghel na abalang-abala. Pinasok n'ya ang unang bodega na punong-puno ng anghel na super busy na nakaharap sa kanilang mga computers. "Ano ang tawag sa lugar na ito?" Tanong ng kaluluwa sa isang anghel. "Ah, ito ang receiving section... dito kasi pumapasok ang lahat ng kahilingan ng mga tao sa lupa." Lumipat naman siya sa kabilang bodega at nakita niya ang mas marami pang bilang ng mga anghel na abalang-abalang nagbabalot ng mga regalo. "Ano naman ang tawag sa lugar na ito?" Tanong muli ng kaluluwa. "Ah... ito ang tinatawag naming packaging section, dito kasi inihahanda yung mga kahilingang ibibigay sa mga tao." Sagot ng anghel. Lumipat siya sa pangatlong bodega. Laking gulat niya sapagkat napakatahimik ng lugar. Isang anghel lang ang nakita niya at ito ay nanood pa ng TV. Anong palabas? Tama: "Marimar!" "E anong tawag naman dito sa lugar mo?" tanong ng kaluluwa. Sagot ang anghel: "Ito ang acknowledging section, dito dapat bumabalik ang mga kahilingang nabigyang tugon mula sa lupa... pero nakakalungkot. Kakaunti ang nagbibigay ng kanilang "Thank You!" Katulad ng kuwento sa Ebanghelyo, nakakalungkot na mula sa sampung ketonging pinagaling ni Hesus, ay iisa lamang ang naglakas-loob na magpalasalamat! Bakit nga ganoon tayong mga tao? Kay bilis nating makalimot! Ang Diyos, kung magpadala sa atin ng biyaya ay "siksik, liglig, at nag-uumapaw," ngunit bakit kung minsan ay nakakalimot tayong magpasalamat? "Gratitude is the language of the heart" sabi nga sa Ingles. Mamaya, bago ka matulog, bilangin mo ang mga biyaya mo... magpasalamat ka sa kanya. Walang mawawala sa 'yo, bagkos magkakamit ka pa ng kaluguran sa Kanya!
Martes, Oktubre 2, 2007
BALIMBING : Reflection for 27th Sunday in Ordinary Time Year C - October 7, 2007
Isang muslim, buddhist monk, at paring katoliko ang nagpaligsahan kung sino sa kanila ang may mas malakas na Diyos. Umakyat sila sa isang mataas na tore at nagkasundong mapagpatihulog at tumawag sa kanyang Diyos. Ang Diyos na dirinig sa kanilang pagtawag ang tatanghaling "malakas" na Diyos. Naunang tumalon ang mongha. Habang nahuhulog ay sumigaw siya ng "Buddha... tulungan mo ako!" Lumagpak siya na parang sako ng bigas sa sahig! Sumunod namang tumalon ang Muslim at sumigaw "Allah... tulungan mo ako!" Laking pagkagulat niya nang bigla siyang lumutang at bumagsak na parang bulak sa lupa. Ngayon naman ay ang pari. Tumalon siya at puno ng kumpiyansang sinabing: "Panginoong Hesus tulungan mo ako!" Walang nangyayari! Bumilis ng bumilis ang kanyang pagbulusok paibaba. Nang malapit na siya sa lupa ay bigla niyang naibulalas: "Allah... Allah iligtas mo ako!" Me tawag sa ganitong uri ng tao: balimbing! Marami sa atin ang "balimbing sa pananampalataya." Panay "praise the Lord" kapag lubos-lubos ang pagpapala, ngunit kapag nakakaranas na ng kahirapan ay "goodbye Lord" na! Kaya nga ang panalangin ng mga alagad ay atin ding panalangin: "Lord, increase our faith!" Kailangan natin ng mas malakas na pananampalataya upang sabihing "kung wala ang Grasya ng Diyos... wala rin tayo!" Madalas sinasabi nating "bahala na!" kapag hindi tayo sigurado sa ating desisyon o pagkilos. Sana ang pakahulugan natin ay "Bathala na!" - Siya na ang bahala sa atin! Ipagpasa-Diyos natin ang hinaharap ngunit kumilos tayo sa kasalukuyan. Sabi nga ng ating kasabihang gasgas na sa pandinig: "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa!"