Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Sabado, Oktubre 11, 2008
"EYE-BALL" : Reflection for 28th Sunday in Ordinary Time Year A - October 12, 2008
Nakaka-badtrip ang mga taong "indianero!" Minsan may dalawang magkatext-mate na nagdecide na mag-eye-ball. "Sige kita tayo", sabi ng lalaki: "suot ka ng yellow shirt, ako naman green." Dumating ang eye-ball day. Pumasok sa resto-bar ang isang pangit na babae na naka yellow shirt. Wala siyang makitang lalaking naka-green. Nilapitan niya ang isang lalaki na naka-black shirt. "Excuse me sir... ikaw ba ang ka-textmate ko?" Sagot ng lalaki: "Haller... green ba shirt ko? Hindi noh!!!" hehehe... Kung nakakabadgtrip ang indianero, mas lalo na ang mga taong ayaw talagang makipagkita! Katulad ng mga katauhan sa ating talinhaga ngayon. May mga taong naimbitahan sa isang kasalan. Nagsabi silang darating ngunit nang malapit na ang pagdiriwang ay biglang nagback-out! Ang kanilang kadahilanan? May mas mahalaga pa silang gagawin! Hinalintulad ni Jesus ang mga punong saserdote at matatanda ng bayan sa mga taong ito. Sila ang unang naimbitahan na makibahagi sa Kaharian ng Diyos ngunit nang dumating na ang 'eye-ball day' na kung saan ay si Jesus na mismo ang nanghihikayat sa kanilang pasakop sa kanyang paghahari ay tumanggi sila ng harapan. Kaya nga't ibinaling ni Jesus ang paanyaya sa atin! Ang katanungan ngayon ay: "Tatanggihan mo rin ba?" Nagsabi na tayo ng "Oo" noong tayo ay nabinyagan at nakumpilan. Ngunit sa tuwing nilalabag natin ang utos ng Diyos ay isang masakit na pagtanggi ang ating ginagawa sa kanyang imbitasyon. Maraming pagkakataon na ang Diyos mismo ang nakikipag-eyeball sa atin. Nakakatagpo natin siya sa mga taong mahihirap, mga taong humihingi ng ating pag-aaruga, pag-intindi, pagpapatawad... Ilang beses na rin marahil na atin siyang iniwasan. Ang dahilan, halos pareho rin.... marami pa akong gagawing mas mahalaga! Kung ang Diyos ay importante sa ating buhay ay bibigyan natin siya ng pagkakataon. Hahanapan natin siya ng puwang sa ating puso. Maglalaan tayo ng oras para sa kanya! Isa lang naman talagang ang katanungan: "Mahal mo ba Siya?"
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
3 komento:
napadaan lang po at nakiliti. God bless!
among, ako po ulit. pwede ko po ba kayong isama sa blogroll ko? isa po akong seminarista ng Blessed Sacrament Fathers (sta.cruz, manila) at medyo homesick lang po ako dito sa misyon. salamat po! babalik po ako dito para malaman ang tugon ninyo.
Hello! Sure! Puwedeng-puwede. Natutuwa ako na nakakatulong sa yo ang mga pagninilay sa blogsite na ito. I will pray for your perseverance. Btw, d'ya ako minsan nagkukumpisal sa Simbahan ninyo sa Sta. Cruz. Hope to see you in my next visit. Godbless!
Mag-post ng isang Komento