Biyernes, Pebrero 27, 2009

Reflection: 1st Sunday of Lent Year B: March 1, 2009 - O TUKSO... LAYUAN MO AKO! (Reposted)

May nagkumpisal sa isang pari: "Bless me Father for I have sinned... Father, I had bad thoughts in my mind." Tanong ng pari: "Did you entertain them my son?" Sagot naman ng binata: "No Father! I did not entertain them... they entertained me!" ehehe! Ang tukso nga naman... kahit saan ka lumingon, naroroon. Kaya nga mga mali ang dating kanta ni Eva Eugenio (Huh? Sino sya? Tanungin n'yo na lang nanay at tatay n'yo!) na ni-revive naman ni Sunshine Cruz. Sabi ng kanta: "O tukso... layuan mo ako!" Ang tukso hindi maaring lumayo, bagkus lalapit at lalapit ito sa atin hanggang malaglag tayo sa kasalanan. Si Hesus nga na anak na ng Diyos ay hindi na-exempted sa tukso. Ang malaking pagkakaiba lang ni Hesus sa atin ay "nilabanan at napagtagumpayan niya ang tukso!" Dalawang paraan ang ginamit ni Hesus na maari din nating gamitin lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma: ang panalangin at pag-aayuno. Nanatili si Hesus sa ilang upang paghandaan ang nalalapit niyang misyon: Ang pagpapahayag ng Mabuting Balita! Apatnapung araw ang ginugol niya sa panalangin at pag-aayuno. Ang panunukso ng diablo ay nung panahong lubhang napakahina na ng katawan ni Hesus. Tayo rin ay pinagsasamantalahan ng diyablo sa mga oras na tayo ay mahina ... kaya nga't ang tanging makapagpapalakas sa atin ay panalangin at pag-aayuno o paggawa ng sakripisyo. Sa apatnapung araw na ito ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ay palalimin natin ang ating buhay panalangin. Pag-ibayuhin natin ang paggawa ng sakripisyo upang madisiplina ang katawan. Hindi kinakailangang malaki: simpleng pagbawas sa panonood ng tv, paglalaro sa computer, sa pagtetext, sa paggimik, sa bisyo... marami kang puwedeng gawin! Wag na nating hintayin pang kumatok ang tukso sa pintuan ng ating puso, patuluyin at pagkapehin! 'Wag natin siyang bigyan ng pagkakataon na aliwin tayo. Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo at panalangin ay mapagtatagumpayan natin ang anumang pang-aakit ng tukso!

2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Tag: Cultural Night sa aming parokyang exodianos nitong digital age. Handa na po ang aming produksyon sa theme na Temptation. May link po kayo sa istoryang ito. http://exodians.wordpress.com/2009/03/03/the-homily-that-makes-the-difference/ Paki dalaw at pakibigay na lang po ng puna. Bininyagan po namin kayo sa bagong pangalang Padre Doodz,SDE

Hindi-nagpakilala ayon kay ...
Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.