Isang maligayang kapistahan ng Muling Pagkabuhay ni Kristo sa inyong lahat! Ito ang pista ng lahat ng mga kapistahan! Ito ang pinakadakila sa lahat ng pagdiriwang. Sa katunayan ay mas higit pa ito sa kadakilaan sa Pasko ng Pagsilang ng Panginoon. Dakila sapagkat ipinagdiriwang natin ngayon ang Muling Pagkabuhay ni Kristo! Dahil dito ang araw ng Linggo ay naging araw ng Panginoo para sa atin. Hindi tayo katulad ng mga Hudyo na ang araw ng kanilang pagsamba at pamamahinga ay sa ikapitong araw o araw ng Sabbath. Para sa ating mga Kristiyano, ang unang araw ang ating ipinagdiriwang sapagkat ito ang araw na kung saan ay muling nabuhay si Kristo. Ang katotohanan ng muling pagkabuhay ang ating sinasampalatayanan. Hindi ito isang guni-guni lamang o kathang isip ng mga alagad. Sa katunayan ay narinig natin ngayon sa ating Ebanghelyo ang pag-aalinlangan ng mga alagad ng matagpuang wala ang katawan ni Jesus sa libingan. Si Maria Magdalena na pumunta upang lagyan ng pabango ang katawan ni Jesus ay pinagharian ng pangamba ng makitang wala ang katawan ng kanyang Panginoon. Ganoon din ang nangyari kay Pedro at Juan na tumakbong patungong libingan ng marinig ang balita mula kay Maria. Iisa ang kanilang pag-aakala, ninakaw ang bangkay ni Jesus! Ngunit ang maayos na magkakatupi ng kanyang kasuotan ay nagbigay palaisipan sa kanila lalo na sa alagad na minamahal ni Jesus. Sinabi sa ating binasa na bagamat sa una ay naguluhan ang pag-iisip ng alagad na ito, siya ay "sumampalataya!" Tandaan natin na hindi pa nagpapakita si Jesus sa mga apostol ng mangyari ito. Pananampalataya ang naghatid kay Juan upang siya ay maniwala na hindi ninakaw ang bangkay. Tayo ring mga alagd ng Panginoon ay na nagpagpahayagan na ang "Panginoon ay muling mabuhay" ay dapat magpakita ng ganitong pananampalataya. Hindi sapagkat hindi natin nakikita ay hindi na tayo maniniwala. May kuwento ng isang propesor ng Pilosopiya na itinuturo sa kanyang mga alagad na mahalagang makita muna ang isang bagay bago ito paniwalaan. Tinanong niya ang isa sa kanyang mga estudyante: "Mayroong bang Diyos?" Sumagot naman ito ng "Opo!" "Pero nakikita mo ba siya?" tanong ng propesor. "Hindi po!" tugon ng mag-aaral. "Kung gayon, ay walang Diyos sapagkat hindi mo siya nakikita!" Sa bandang ito ay ang estudyante naman ang nagtaas ng kamay at nagtanong sa propesor: "Sir, naniniwala ka ba na may utak ka?" Sumagot ang propesor: "Oo naman!" Nagtanong muli ang estudyante: "Nakikita mo ba ang utak mo sir?" Mahinang sumagot ang propesor ng "hindi". Humarap ang estudyante sa kanyang mga kapwa estudyante: "Mga minamahal kong kaklase, umuwi na tayo. Wag tayon maniwala sa sinasabi ni sir... wala siyang utak!" Ang pananampalataya sa muling pagkabuhay ang nagbibigay kahulugan sa ating pananampalatayang Kristiyano. Balewala ang ating pagdarasal at pagsisimba kung hindi naman tayo naniniwala na si Jesus ay muling nabuhay. At balewala rin ang ating pananampalataya kung hindi naman ito nakikita sa ating buhay! Paano ba natin ipinpakita ang epekto ng muling pagkabuhay ni Jesus? Ang isang Kristiyanong sumasampalataya na si Jesus ay muling nabuhay ay punong-puno ng pag-asa at kasiyahan. May mga sandali sa ating buhay na nakakaranas tayo ng paghihirap. Paghihirap na dala marahil ng ating mga suliranin sa buhay. Paghihirap na bunga marahil ng pagsubok, karahasan, at kasamaan sa ating paligid. Dito inaasahan ipinapakita ng isang Kristiyano na siya ay anak ng kaliwanagan sa matapang niyang pagharap at paglaban sa mga ito. Pinapanatili niyang buhay ang ilaw ng pag-asa sa kanyang puso na hindi siya nag-iisa sapagkat ang Diyos ay buhay at hindi siya pababayaan. Sa kabila ng sakit na dulot ng mga ito ay nag-uumapaw ang kaligayahan sa kanyang puso at nagpapasalamat siya sa Diyos sa mga pagkakataong sinusubukan ang kanyang pananalig. Nakapagbibigay ng inspirasyon ang mga taong kayang ngitian at tawanan ang mga problemang kanilang pinagdaraanan. Nakapagpapalalim ng pananampalataya ang mga taong matiyagang bumabangon sa kanilang pagkadapa dala ng kanilang kahinaan a kamalian. Ngayong Taon ng Awa ay unawain natin at sundin ang kalooban ng Panginoon sa maraming pagsubok na kinakaharap natin sa ating buhay. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay magbigay lakas nawa sa atin upang mapagtagumapayan natin ang mga pagsubok na ito. Tandaan natin ang pananalita ni San Pablo na "kung kasama natin sa paghihirap si Kristo, makakaasa tayo na kasama rin niya tayo sa kanyang muling pagkabuhay!"
Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Sabado, Marso 26, 2016
Huwebes, Marso 24, 2016
WHAT IS GOOD IN GOOD FRIDAY? (Reposted) : Reflection for Good Friday - March 25, 2016 - Jubilee Year of Mercy - Year of the Eucharist & Family
Ang tawag sa araw na ito ay "Good Friday". Bakit nga ba "good" at hindi "holy" ang tawag natin dito? Ang ibang mga araw ng Holy Week ay tinatawag nating "Holy Monday, Holy Tuesday, Holy Wednesday, Holy Thursday... oppps! Wag kang magkakamali, ang susunod ay... Good Friday! Ano ba ang mabuti sa araw na ito at pinalitan natin ng "good" ang "holy?" Tatlong dahilan: una, "Good" sapagkat sa araw na ito ay ipinahahayag sa atin ang WALANG KAPANTAY NA KABUTIHAN ng Diyos, ang Diyos na nag-alay ng kanyang buhay upang tayo ay maligtas. "God is good all the time... and all the time God is good!" Kahit na sa mga sandaling lugmok tayo sa kahirapan, baon tayo sa problema, at humaharap sa maraming pagsubok SA BUHAY, ang Diyos ay nanatili pa ring MABUTI sa atin! Sapat lang na tingnan natin si Jesus sa krus at mauunawaan natin na kung ang Diyos mismo ay dumanas ng paghihirap ay ako pa kaya na isang walang kuwentang alagad ang aangal sa mga ito? Ikalawa, "Good" sapagkat sa araw na ito ay nanaig ang KABUTIHAN sa kasamaan! Sa mata ng tao ay kabiguan ang nangyari kay Jesus ngunit hindi sa Diyos. Ang kanyang kamatayan ay isang tagumpay! Tagumpay sapagkat ang kanyang dugo ang pinantubos niya sa ating mga kasalanan. Tao ang nagkasala ngunit Diyos ang nagbayad-puri. May KABUTIHAN pa bang papantay dito? At huli sa lahat, "Good" sapagkat tayo ay nais niyang MAGPAKABUTI at gumawa ng MABUTI sa ating kapwa. Magkakaroon lamang ng saysay ang kanyang kamatayan kung maipakikita natin na kaya nating tularan ang kanyang KABUTIHAN. Maging mapagpatawad tayo, maunawain, maalalahanin at mapakawanggawa sa ating kapwa. Kung paano Siyang nag-alay ng sarili para sa atin dapat tayo rin ay handang mag-alay ng ating sarili sa iba. Kaya ipakita nating tunay ngang "GOOD" ang araw na ito. Ngayong Taon ng Pananampalataya sikapin mong magpakabuti! Magpakabuti ka hindi lang ngayong Good Friday ngunit sa bawat sandali ng iyong buhay!
EUKARISTIYA AT PAGPAPARI (Reposted) : Reflection for HOLY THURSDAY - March 24, 2016 - JUBILEE YEAR OF MERCY - YEAR OF THE EUCHARIST & FAMILY
Bata pa lang ako ay tinuruan na akong maghugas ng kamay ng aking magulang bago kumain. Tinuruan akong sabunin ang aking mga kamay, sa palad, sa pagitan ng mga daliri, paikut-ikutin pa... (parang commercial lang ng Safeguard...hehe) Pero di ata ako tinuruan na maghugas ng paa bago kumain! Parang weird yun! ... Bago ganapin ni Hesus ang "huling hapunan" ay iniutos ito ni Hesus sa kanyang mga alagad! Pero merong pang mas weirdo... si Jesus na kinikilala nilang Panginoon at Guro ang naghugas sa paa ng kanyang mga alagad. Haller...! Si Jesus ang bigboss nila no? Bakit siya ang naghugas? May nais paratingin sa atin ang Panginoon... nais mong maging lider?... matuto kang maglingkod! Nais mong maging dakila?... Matuto kang magpakumbaba! Napakaganda na ibinigay ito ni Hesus sa kontexto ng Eukaristiya... Ano ba ang Eukaristiya...? Simple lang, tinapay na walang halaga na inialay, binasbasan, pinaghati-hati at ibinigay sa mga alagad... Ngunit tinapay din na naging katawan ni Kristo, pagkain ng ating kaluluwa, at dahilan ng ating kaligtasan! Ang Huwebes Santo ay ang paggunita sa pagtatatag ng Sakramento ng Eukaristiya. Dito inialay at patuloy na iniaalay ni Hesus ang kanyang katawan at dugo upang maging pagkain natin tungo sa ating kaligtasan. Bukas, Biyernes Santo ay gugunitain din natin ang pag-aalay ni Jesus ng kanyang buhay ngunit sa "madugong paraan." Bagamat sa huling hapunan ay walang dugong dumanak sa pag-aalay ni Jesus ng kanyang sarili, kakakikitaan naman natin ito ng magandang aral tungkol sa paglilingkod. Ang tunay na lider ay handang mag-alay ng kanyang buhay sa paglilingkod... tulad ni Hesus! Sa paghuhugas ng paa ng mga alagad at pag-aanyaya sa kanila na gawin din nila ito, "ang maghugasan ng paa", ay sinasabi ni Jesus na ang tunay na pinuno ay nag-aalay ng sarili sa pamamagitan ng paglilingkod. Sa pagtatatag ng Eukaristiya ay itinatag din ni Jesus ang Sakramento ng Pagpapari. Walang Eukaristiya kung walang Kristo. Walang pag-aalay kung wala ang nag-aalay. Ang mga pari ay ang kinatawan ni Kristo. Katulad niya, sila ay mga pinunong lingkod, na nag-aalay ng kanilang buhay sa isang sakripisyong hindi madugo ngunit ganap na pag-aalay sapagkat kinatawan sila ni Jesus. Ipagdasal din natin ang ating kaparian na sana ay mahubog sila sa larawan ni Jesus na pinunong-lingkod!
Sabado, Marso 19, 2016
MAHAL ANG BANAL AT BANAL ANG MAHAL: Reflection for Passion Sunday / Palm Sunday Year C - March 20, 2016 - JUBILEE YEAR OF MERCY
Pumasok na tayo sa mga Mahal na Araw! Ang mga araw na darating ay tatawagin nating "banal." Pagkatapos ng Linggo ng Palaspas ang magiging tawag natin sa mga araw na darating ay Lunes Santo, Martes Santo, Miyerkules Santo, Huwebes Santo, Biyernes Santo... Teka lang, kung banal ang tawag sa mga araw na ito ay bakit MAHAL at hindi BANAL ang turing natin? Dapat BANAL hindi ba? Kahit sa wikang ingles ang tawag natin ay Holy Week. Kailan ba naging MAHAL ang BANAL at BANAL ang MAHAL? May kuwento na minsan daw ay may isang magnanakaw na pinasok ang bilihan ng mga alahas ng madaling araw. Nagawa niyang makapasok ngunit sa halip na nakawin ang mga alahas ay pinagpalit-palit niya ang mga presyo nito. Ang mga mamahaling alahas ay naging mura ang halaga at ang mga pekeng alahas naman ang naging mahal ang presyo. Kinaumagahan ay bumalik ang magnanakaw at binili ang ang mga mamahaling alahas sa murang halaga... ang mahal naging mura... ang mura naging mahal! Kung ating titingnan ay ganito rin ang nangyayari sa pagdiriwang natin ng Semana Santa, ang mga Mahal na araw ay nagiging "mumurahin". Hindi na nabibigyang halaga. Marahil ay mas mauunawaan natin ito kung titingnan natin kung bakit Mahal na Araw ang tawag natin sa Semana Santa sa halip na Mga Banal na Araw. Bagama't mas tama ang pagsasalin na "Banal", ay naangkop din naman, sa aking palagay, ang pagsasalin at paggamit natin sa salitang "Mahal" at sa aking pakiwari ay mas makahulugan pa nga ang ito. Kapag sinabi mong "mahal" maari mong ipakahulugang "something of great price or value" o "precious". Ang tunay na alahas ay MAHAL... PRECIOUS! Ang mga branded na t-shirt o sapatos ay gayundin... mamahalin! Para sa ating mga Kristiyano ay MAHAL ang mga araw na itong darating... sapagkat sa mga araw na ito ay pagninilayan natin ang pagtubos sa atin ni Jesus sa pagkakaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ng kanyang paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay! "Of great value" sapagkat tinubos tayo ni Jesus sa halagang hindi maaaring tumbasan ng salapi... sa pamamagitan ng kanyang katawan at dugo! Ang "Mahal" din ay nangangahulugang "close to our hearts, dear..." Naaangkop din ang pakahulugang ito sapagkat ang mga araw na ito ay nagpapakita sa atin ng walang hangang pag-ibig ng Diyos na nag-alay ng kanyang bugtong na Anak upang tayo ay maligtas at ito nga ang naglapit sa atin sa Kanya. Nakakalungkot sapagkat maraming tao ngayon ang ginagawang "cheap" o mumurahin ang mga araw na ito! Imbis na magbisita Iglesya ay beach resort ang binibisita. Imbis na magpunta ng Simbahan at magdasal ay natutulog ng buong araw . Imbis na magnilay at manalangin ay namamasyal at nanunood ng sine... ang precious... nagiging cheap... ang mahal nagiging... mumurahin! Sana ay maibalik natin ang tunay na pakahulugan ng mga araw na ito. Simula ngayon ang mga araw na darating ay ituring sana nating TUNAY na BANAL... dapat lang sapagkat "Banal" ang mga araw na ito. Banal sapagkat "mahal" ang pinuhunan ng Diyos... walang iba kundi ang kanyang bugtong na Anak. Ang mga pagbasa ngayon ay nag-aanyaya sa ating magnilay sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Jesus. Kaya nga ang tawag din sa pagdiriwang ngayon ay "Passion Sunday" o Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon. Sa mga araw an ito ay subukan nating maging seryoso sa ating buhay panalangin at paggawa ng mga sakripisyo. Ngayong Yubileo ng Taon ng Awa ay sikapin nating ibalik ang salitang "MAHAL" sa mga Mahal na Araw at gawing "Banal" ang mga ito. Baka matapos ang mga Mahal na Araw na hindi natin ito nabigyan ng sapat na pagpapahalaga. Sayang naman. Ang mga palaspas na ating dinala ngayon sa Simbahan upang pabasbasan ay iuuwi natin sa ating bahay mamaya at ilalagay sa isang prominenteng lugar upang magsilbi sa ating paalaala na dapat nating pahalagahan ang mga araw na darating. Hindi ito pambugaw sa masasamang espiritu o pampapasok ng suwerte sa bahay. Dapat itong magpaalala sa atin sa mainit na pagtanggap sa Panginoon sa ating buhay at samahan Siya sa Kanyang paghihirap at kamatayan kung nais nating marating ang Kanyang kaluwalhatian. Kung atin itong magagawa ay mauunawaan natin ang MAHAL at BANAL sa mga araw na darating.
Sabado, Marso 12, 2016
MAPANGHUSGA: Reflection for 5th Sunday of Lent Year C - March 13, 2016 - JUBILEE YEAR OF MERCY
Ngayong Taon ng Awa o Jubilee Year of Mercy, ang bawat isa sa atin ay hinihikayat na maging mahabagin tulad ng Ama, "Merciful like the Father" katulad nga ng sinasaad ng tema ng Taon ng Yubileyong ito. Tinatawagan tayong maging maawain at maunawain sa ating kapwa sa halip na maging mapanghusga. Mas madali nga naman kasing mapuna ang mali ng iba kaysa ating sariling pagkakamali at dahil dito ay nagiging mapanghusga tayo tulad ng isinasaad ng kuwentong ito:
"May isang monghe ang nakakita sa kanyang 'abbot' o superior na hinalikan ng isang magandang babae. Nagulat siya at agad-agad ay nagalit sa kanyang abbot at tinawag itong hipokrito at hindi nagpapakita ng mabuting halimbawa sa kanila. Pagbalik sa monastero ay agad ipinagkalat sa kanyang mga kasama ang kanyang nakita. Lahat sila ay nagkasundong parusahan ang kanilang pinuno. Pagdating ay ikunulong ito at hindi pinakain at tinanggal sa pagiging abbot. Hinanap nila ang babae upang maparusahan din. Nang matagpuan nila ito ay tinanong nila: "Totoo bang hinalikan mo ang aming abbot?" "Opo!" sagot ng babae. "Totoo bang may relasyon ka sa kanya?" tanong naman ng monghe. "Opo. Meron po. S'ya po ang nakatatanda kong kapatid!" sagot ng dalaga. Kung minsan ay napakadali nating manghusga sa ating kapwa. Napakadali sa atin ang manuro ng kapwa sa tuwing sila ay nagkakamali upang malaman lamang natin sa huli na sa tuwing tayo ay nanunuro ay tatlong daliri ang nakaturo sa atin na nagsasabi na ikaw din ay nagkasala! May paliwanag ang mga Griyego dito sa kanilang "Mythtology". Tayong mga tao daw ay ipinanganak na may dalawang sakong nakasabit sa ating katawan. Isa sa harap na laman ang mga pagkakamali ng ating kapwa at isa sa likod na ang laman naman ay ang ating sariling mga pagkakamali. Kaya raw ang tao ay mapanghusga sapagkat nakikita niya lang ang pagkakamali ng iba na nasa kanyang harapan ngunit hindi niya makita na may mga pagkakamali pala siyang nakasabit sa kanyang likuran. Tayong mga tao nga naman! Bago pa lamang dalhin ng mga Pariseo kay Jesus ang babaeng nahuling nakiapid ay hinusgahan na nila si Jesus na kalaban ng kanilang "relihiyon". Nais nilang siluin siya upang may maiparatang sila sa kanya. Hinusgahan na rin nila ang babaeng nakiapid na makasalanan at dapat mamatay. Iwasan natin ang manghusga! Ito rin ang nais ni Jesus na baguhin natin sa ating mga sarili. Bago natin patawan ng paghuhusga ang iba ay tingnan muna natin ang ating mga sariling kakulangan at pagkakamali: "Sino man sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya." Wala ni isang naiwan sa mga humuhusga sa babae... lahat ay umalis. Ang Diyos natin ay Diyos na mahabagin at mapagpatawad... hindi Diyos na mapanghusga. "Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag ng magkasala!" Kung nagagawa tayong kahabagan ng Diyos sa kabila ng ating mga pagkakasala, tayo rin sana ay matutong magpakita ng habag sa iba at iwasan ang panghuhusga. "Who am I to judge?" ang sabi ng ating Santo Papang si Pope Francis. Lahat naman tayo ay makasalanan. Matuto tayong umunawa at magpakitang-awa. May mga taong "discrimated" na ang pakiramdam ay hiwalay sila iba at wala silang tinig sa lipunan. May mga taong mababa ang tingin sa kanilang sarili at tila baga na wala ng pagkakataon para magbago. May mga taong patuloy na natatapakan ang kanilang dangal at dignidad ng mga taong mapanghusga at mapagsamantala. Ang Simbahan ay para sa mga taong ito. Misyon ng Simbahan na tanggapin sila at itayo ang kanilang nalugmok na pagkatao. Ang Simbahan ay itinatag ni Jesus upang ipadama sa mga tao ang awa at pagmamahal ng Diyos. Kaya nga't tayong mga Kristiyano ay may misyon na tulad ng misyon ni Jesus. Magdalang-awa upang tayo'y kaawaan. Umunawa upang tayo rin ay unawain. Magmahal upang tayo rin ay mahalin. Ipakita natin na tayo ang mga kamay ni Kristo na laging handang tumanggap at umunawa.
"May isang monghe ang nakakita sa kanyang 'abbot' o superior na hinalikan ng isang magandang babae. Nagulat siya at agad-agad ay nagalit sa kanyang abbot at tinawag itong hipokrito at hindi nagpapakita ng mabuting halimbawa sa kanila. Pagbalik sa monastero ay agad ipinagkalat sa kanyang mga kasama ang kanyang nakita. Lahat sila ay nagkasundong parusahan ang kanilang pinuno. Pagdating ay ikunulong ito at hindi pinakain at tinanggal sa pagiging abbot. Hinanap nila ang babae upang maparusahan din. Nang matagpuan nila ito ay tinanong nila: "Totoo bang hinalikan mo ang aming abbot?" "Opo!" sagot ng babae. "Totoo bang may relasyon ka sa kanya?" tanong naman ng monghe. "Opo. Meron po. S'ya po ang nakatatanda kong kapatid!" sagot ng dalaga. Kung minsan ay napakadali nating manghusga sa ating kapwa. Napakadali sa atin ang manuro ng kapwa sa tuwing sila ay nagkakamali upang malaman lamang natin sa huli na sa tuwing tayo ay nanunuro ay tatlong daliri ang nakaturo sa atin na nagsasabi na ikaw din ay nagkasala! May paliwanag ang mga Griyego dito sa kanilang "Mythtology". Tayong mga tao daw ay ipinanganak na may dalawang sakong nakasabit sa ating katawan. Isa sa harap na laman ang mga pagkakamali ng ating kapwa at isa sa likod na ang laman naman ay ang ating sariling mga pagkakamali. Kaya raw ang tao ay mapanghusga sapagkat nakikita niya lang ang pagkakamali ng iba na nasa kanyang harapan ngunit hindi niya makita na may mga pagkakamali pala siyang nakasabit sa kanyang likuran. Tayong mga tao nga naman! Bago pa lamang dalhin ng mga Pariseo kay Jesus ang babaeng nahuling nakiapid ay hinusgahan na nila si Jesus na kalaban ng kanilang "relihiyon". Nais nilang siluin siya upang may maiparatang sila sa kanya. Hinusgahan na rin nila ang babaeng nakiapid na makasalanan at dapat mamatay. Iwasan natin ang manghusga! Ito rin ang nais ni Jesus na baguhin natin sa ating mga sarili. Bago natin patawan ng paghuhusga ang iba ay tingnan muna natin ang ating mga sariling kakulangan at pagkakamali: "Sino man sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya." Wala ni isang naiwan sa mga humuhusga sa babae... lahat ay umalis. Ang Diyos natin ay Diyos na mahabagin at mapagpatawad... hindi Diyos na mapanghusga. "Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag ng magkasala!" Kung nagagawa tayong kahabagan ng Diyos sa kabila ng ating mga pagkakasala, tayo rin sana ay matutong magpakita ng habag sa iba at iwasan ang panghuhusga. "Who am I to judge?" ang sabi ng ating Santo Papang si Pope Francis. Lahat naman tayo ay makasalanan. Matuto tayong umunawa at magpakitang-awa. May mga taong "discrimated" na ang pakiramdam ay hiwalay sila iba at wala silang tinig sa lipunan. May mga taong mababa ang tingin sa kanilang sarili at tila baga na wala ng pagkakataon para magbago. May mga taong patuloy na natatapakan ang kanilang dangal at dignidad ng mga taong mapanghusga at mapagsamantala. Ang Simbahan ay para sa mga taong ito. Misyon ng Simbahan na tanggapin sila at itayo ang kanilang nalugmok na pagkatao. Ang Simbahan ay itinatag ni Jesus upang ipadama sa mga tao ang awa at pagmamahal ng Diyos. Kaya nga't tayong mga Kristiyano ay may misyon na tulad ng misyon ni Jesus. Magdalang-awa upang tayo'y kaawaan. Umunawa upang tayo rin ay unawain. Magmahal upang tayo rin ay mahalin. Ipakita natin na tayo ang mga kamay ni Kristo na laging handang tumanggap at umunawa.
Sabado, Marso 5, 2016
MERCIFUL LIKE THE FATHER: Reflection for the 4th Sunday in Ordinary Time Year C -
Sa bawat kuwento o telenobela ay parating may tinatanghal na bida at kontrabida. Ang mga bida ay karaniwang ang mga taong may mabuting kalooban at ang mga kontrabida naman ay ang may masamang pag-uugali. Hindi ito naiiba sa ating kuwento ngayon sa Ebanghelyo, ang talinhaga ng ALIBUGHANG ANAK. Siya ba ang bida sa kuwentong ito o isa siyang kontrabida? Kung hindi siya ang bida ay sino? Bagamat ang pamagat ng talinhaga ay ang "Alibughang Anak", ang talinhaga ay mas angkop na pamagatang "The parable of the Good Father" sapagkat ang bida sa kuwentong ito ay ang tatay hindi ang anak. Hindi naayon sa tamang pag-iisip ang kanyang ginawa sa kabila ng maraming pagkakamali ng kanyang anak. Hindi siya nirespeto, pinagsamantalahan ang kanyang kabaitan, nilustay ang kanyang kayamanan ngunit sa huli ay nakuha niya pa ring magpatawad. Ganyang kabuti ang ating Diyos... Kahit halos abusuhin na natin Siya sa dami at paulit-ulit nating kasalanan ay nakahanda pa rin Siyang magpatawad at tanggapin muli tayo bilang kanyang mga anak! St hindi natapos ang kanyang pagiging mabuti sa kanyan bunsong anak. Mas ipinakita niya ito sa kanyag panganay na isang ring "alibugha" kung tutuuin. Totoong siya ay nagsilbi ng mahabang panahon sa kanyang ama ngunit isang pagsisilbi na walang tunay na pagmamahal. Ipinakita pa rin nya ang kanyang pagiging makasarili sapagkat hindi niya matanggap ang kapatid niyang nagsisisi at ang kabutihan ng kanyang ama. Siya rin ay nangangailangan ng pang-unawa at pagpapatawad at hindi iyon ipinagkait ng kanyang ama. Ang talinhaga ay ipinupukol sa ating lahat sapagkat aminin natin na ang bawat isa sa atin ay mayroon ding pagkaalibugha sa ating pakikitungo sa Diyos. Hindi man tahasan ang ating paglapastangan sa "Ama" tulad ng bunsong anak, ngunit kung minsan ay nagiging katulad din tayo ng panganay na nagiging makasarili sa ating buhay. Kung minsan ay hindi malinis ang ating intensiyon sa ating paglilingkod sa Diyos. Ipinupukol din sa atin ng talinhaga kabutihan at kabaitan ng ama. Ngayong Jubilee Year of Mercy ay makikita natin sa pamamagitan ni Jesus ang pagkamaunawain ng Diyos. Nagawang unawain ng ama ang kalunuslunos na kalagayan ng bunsong anak. At naging maunawain rin naman siya sa nararamdaman ng kanyang panganay na anak na puno ng sama ng loob sa kanyang nakababatang kapatid. Kaya nga't nararapat na tawagin ang talinhagang ito na the "Parable of the Good Father". Ang Diyos ang unang nagpakita ng kanyang awa sa ating mga makasalanan sa pamamagitan ng pagsusugo ng kanyang bugtong na anak. Kng ating papansinin ay "open-ended" ang talinhaga. Hindi natin alam kung pumasok ba ang panganay sa bahay at tinanggap ang kanyang alibughang kapatid. Hindi pa tapos ang kuwento sapagkat tayo ang dapat na magbigay dito ng katapusan. Kaya ba nating gayahin ang mabuting ama na naging maawain at maunawain sa kanyang anak? "Merciful like the Father" ang tema ng Jubilee Year of Mercy. Bagamat mahirap mapantayan ang Awa ng Diyos ay maaari naman natin itong ipakita sa ating maliit na paraan. Tinatawagan tayong lahat na maging maawain at maunawain.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)