Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Lunes, Mayo 9, 2016
GOD IS GREATER THAN OUR MISTAKES: A post election reflection
Habang isinusulat ko ang pagninilay na ito ay dumarating na ang resulta ng ginawa nating botohan kanina. Sa totoo lang ako ay nababahala. Magkahalong kaba at lungkot ang aking nararamdaman habang dumarating ang mga paunang resulta ng botohan bagamat ito ay hindi pa opisyal. Hindi sapagkat nanalo ang kandidatong ikinakampanya kong huwag sanang manalo. Hindi sapagkat iniisip kong siya ay masamang tao. "Who am I to judge?" sabi nga ng ating Santo Papa. Para sa akin, ang halalang ito ay higit pa sa mga kandidatong mananalo. Para sa akin ang halalang ito ay magpapakita kung ano na ang pagpapahalaga nating mga tao sa tinatawag nating "moral values". Mas kinababahala ng aking puso at pag-iisip ang kalooban ng mga bumoto. Ang kanila bang pagboto sa isang kandidato ay sapagkat naniniwala sila sa kanyang mga pangako? O ito ba ay pagsang-ayon sa taong iyon maging sa kanyang ipinapakitang pag-uugali at pamumuhay? Mas kaya kung tanggapin kung ang sagot nila ay ang una. Ngunit kung ang ikalawa ay tama rin sa kanilang palagay ay labis ang aking pagkabahala at sabi nga ng isang obispo... "I can only bow my head in shame..." Hindi ito bago para sa atin. Noong inaprubahan ang RH Bill sa kabila ng pagtutol ng Simbahang Katolika at ilang mga Kristiyanong grupo ay ito rin ang aking naging saloobin. Nalungkot ako sapagkat tila nawawala na ang pagpapahalaga ng mga tao sa "moral values". Ikinalulungkot ko ang pag-iisip at tila pagtanggap natin sa mga maling pag-uugali tulad ng "pagmumura, pambabae, pagnanakaw..." Sa aking palagay ay mas masaklap itong katotohanan kaysa sa sa isang pangulong palamura, babaero at marahas. Ngunit sa kabila nito ay nananatiling buhay ang aking pag-asa. Sa kabila ng namimintong pagsapit ng "kultura ng kamatayan" sa ating mundo, sang-ayon na rin sa sinabi ni St. Pope John Paul II. Kahit manaig pa ang masama sa mabuti, ang dilim sa liwanang, ay panghahawakan ko pa rin ang sinabi ng ating Panginoon: "Ngunit lakasan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!" Sa huli, sa mga taong may pananampalataya, ang lahat ng ito ay hindi dapat ikabahala. Mas malaki pa rin ang Diyos kaysa sa ating mga pagkakamali. GOD IS GREATER THAT OUR MISTAKES!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
4 (na) komento:
No reflections for 2 weeks! Y?
No reflections for 2 weeks! Y?
Pasencya na po... Nasa Pilgrimage po kami for two weeks in Italy. Magreresume po ang reflection ko once we arrive. Salamat po! Pray for us. Godbless.
Salamat po! Ingat po kayo...
Mag-post ng isang Komento