Huwebes, Marso 4, 2010

NO PAIN! NO GAIN! : Reflection for 2nd Sunday of Lent Year C - February 28, 2010

Sabi ng isang text... "Ang edukasyon ang pintuan ng tagumpay... at ang pangongopya ang susi!" hehehe... Ewan ko ba kung bakit ganun ang takbo ng isip ng mga kabataan ngayon. Gustong makakuha ng mataas na grade sa exam ayaw namang mag-aral. Gustong makagraduate sa pag-aaral ayaw namang magsikap. MEGANUN??? Sabi nga ng isang caption: "No pain no gain!" Totoo nga naman, bale wala ang tagumpay kung hindi mo pinagsumikapan... pinaghirapan... May tagumpay na darating sa kabila ng paghihirap. Ito ang mensahe ng Panginoon sa ating ebanghelyo ngayong ikalawang Linggo ng kuwaresma. Isinama Niya sa bundok ng Tabor ang tatlong alagad upang paalalahanan sila na Siya ng hinirang na Anak ng Diyos Ama... na Siya ang katuparan ng Kautusan at ng mga Propeta. Nagbagong anyo Siya sa kanilang harapan upang palakasin ang kanilang kalooban sa sandaling masaksihan nila ang paghihirap ng Mesiyas. May muling pagkabuhay sa kabila ng Kanyang paghihirap at kamatayan. May liwanag na naghihintay pagkatapos ng dilim. Hindi ba ganito rin sa ating buhay? Hindi mawawala ang mga sandali ng kadiliman ngunit pasasaan ba't darating din ang liwanag. Kahit gaano kadilim ang gabi ng ating buhay ay mayroong umagang naghihintay. Sapat lang na magtiwala tayo sa Kanya... at makakamit din nating lahat ang gantimpala ng kaluwalhatian!

Walang komento: