Huwebes, Marso 4, 2010

TUKSO: Reflection for the 1st Sunday of Lent Year C - February 21, 2010

Isang matandang pari ang nagsesermon sa Misa tungkol sa tukso: "Kaming mga pari, pag umabot na sa 60 years old... ay hindi na tinatablan ng tukso." Sa sandaling iyon ay biglang may pumasok sa simbahan na seksing babae na maganda at maputi. Napalingon ang pari at sabay sabi: "Ngunit sa aking palagay ay maari pa itong pag-usapan... hanggang 70 siguro." Sino ba naman ang hindi tinatablan ng tukso? Kahit sino puwede! Si Jesus nga tinukso rin ng diyablo! Iyon lang nga ay hindi nagpadaig si Hesus sa panunukso nito. Ginamit niya ang dalawang siguradong sandatang makadadaig dito: ang panalangin at pag-aayuno. Ito rin ang iminumungkahing paraan ng Simbahan sa atin sa ating paglaban sa panunuksao ng demonyo. Ang pagtutungaling ito ng mabuti at masama ay nasa ating lahat. Sabi nga ni San Pablo: "Hindi ko maintindihan ang sarili ko... ang mabuti na dapat kong gawin ay di ko ginagawa... at ang masama naman na dapat kong iniiwasan ang siyang ginagawa ko." Pero hindi ito dahilan upang magpatalo tayo sa tukso. Ang unang Linggo ng Kuwaresma ay nagpapaalala sa atin ng dalawang paraang maari nating gamitin upang labanan ang tukso... panalangin at pag-aayuno. May panahon pa ba ako para magdasal? Kaya ko bang gumawa ng sakripisyo upang madisiplina ang aking sarili? Pag-isipan natin...

1 komento:

Rangerblue66@yahoo.com ayon kay ...

Kelangan nga labanan ang tukso pero wag din natin ipagwalang bahala na pwede tayong maging tukso sa iba. Tanungin natin ang sarili: Ako bay tinutukso o ako ang nanunukso? Andiyan lang ang tukso wag lang pag ukulan ng pansin at hindi ka maaapektuhan. Ituon lang ang pansin sa mas mahalagang bagay lalo na nauukol sa Dios.