Sabado, Hunyo 18, 2016

SINO ANG AKING DIYOS? : Reflection for the 12th Sunday in Ordinary Time Year C - June 19, 2016 - JUBILEE YEAR OF MERCY

Sa aming pilgrimage tour sa Italy, hindi lang mga naglalakihang simbahan ang aming pinuntahan. Nakita rin namin ang mga templong orihinal na ginawa para sa pagsamba ng mga pagano na kinalaunan ay ginawa ring simbahan ng mga Katoliko.  Isa na rito ang tinatawag nilang "Pantheon" na ngayon ay pag-aari na ng estado at hindi ng Simbahang Katoliko.  Ginawa ito marahil noong 27 BC to 14 AD at natapos noong 126 AD.  Ngunit nang maging Kristiyano ang Roma ito ay itinalaga kay Santa Maria at mga Martir noong May 13, 609 AD.  Ang salitang Pantheon ay Latin na hango sa Griego na nangangahulugang: "temple of every God".  Hindi makakaila na laganap pa ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ng mga panahong iyon.  Ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay tinatawag natin "idolatry."  Marahil ay kakaunti na lamang ang sumasamba sa mga diyos-diyosan.  Marami sa atin ay sumasamba at kumikilala sa tunay na Diyos!  Ngunit aminin natin, marami sa atin ay mali ang pagsamba at pagkilala sa ating Diyos.  Marami sa atin, ang Diyos ay parang "fire extinguisher"  na nilalapitan lamang kapag may sunog.  Para sa iba ang Diyos ay parang "security guard" na laging nagbabantay at nagmamanman sa ating ikinikilos.  At para sa iba naman ang Diyos ay parang "accountant" na naglilista ng mga "debit" at "credit" ng ating buhay.  At para rin sa iba ang Diyos ay parang "flower vase" pandekosrasyon lamang sa ating buhay kristiyano; magandang mapuna na tayo ay palasimba, paladasal at "taong-simbahan" sa mata ng mga tao ngunit wala naman talagang halaga ang Diyos sa ating buhay!  Marahil marami pa tayong paglalarawang maaring gamitin tungkol sa Diyos ngunit kung ating titingnan ay dalawa lang naman talaga ang maaring pagtingin natin sa Diyos: na Siya ay Diyos ng kaginhawaan o kaya naman ay Siya ang Diyos ng kahirapan.  Walang masama sa pag-aasam na guminhawa ang ating buhay ngunit hindi lang naman ito ang katotohanan.  Sa katunayan ay mas marami ang mga kahirapang ating nararanasan kumpara sa kaginhawaan sa ating buhay.  Huwag tayong magtaka sapagkat ito ang kundisyong inilatag ni Jesus sa atin kung nais nating sumunod sa Kanya: “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Sino ba si Jesus para sa iyo?  Katulad ng pagtatanong ni Jesus sa kanyang mga alagad, ito rin ang katanungang ipinupukol Niya sa atin.  Madaling sabihing si Jesus ay Diyos para sa atin katulad ng sagot ni Pedro.  Ngunit ang tanong uli ay: "Anong uring Diyos si Jesus para sa iyo?"  Mahalaga ang kasagutan sa tanong na ito sapagkat ito ang magdidikta kung anung uring kristiyano tayo sa pang-araw-araw nating buhay.    Marami sa atin, ang Diyos ay parang "fire extinguisher"  na nilalapitan lamang kapag may sunog.  Para sa iba ang Diyos ay parang "security guard" na laging nagbabantay at nagmamanman sa ating ikinikilos.  At para sa iba naman ang Diyos ay parang "accountant" na naglilista ng mga "debit" at "credit" ng ating buhay.  At para rin sa iba ang Diyos ay parang "flower vase" pandekosrasyon lamang sa ating buhay kristiyano; magandang mapuna na tayo ay palasimba, paladasal at "taong-simbahan" sa mata ng mga tao ngunit wala naman talagang halaga ang Diyos sa ating buhay!  Marahil marami pa tayong paglalarawang maaring gamitin tungkol sa Diyos ngunit kung ating titingnan ay dalawa lang naman talaga ang maaring pagtingin natin sa Diyos: na Siya ay Diyos ng kaginhawaan o kaya naman ay Siya ang Diyos ng kahirapan. Walang masama sa pag-aasam na guminhawa ang ating buhay ngunit hindi lang naman ito ang katotohanan.  Sa katunayan ay mas marami ang mga kahirapang ating nararanasan kumpara sa kaginhawaan sa ating buhay.  Huwag tayong magtaka sapagkat ito ang kundisyong inilatag ni Jesus sa atin kung nais nating sumunod sa Kanya: “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin."  Ang daan ni Jesus ay ang daan ng krus na dapat din nating tahakin bilang kanyang mga tagasunod.  May kuwento ng isang lalaki na naginip na naglalakad sa langit na may pasang krus. Nakita niyang marami rin syang kasabay na nagbubuhat ng kanilang mga krus. Napansin n'yang habang tumatagal ay bumibigat ang kanyang krus kaya't hiniling niya sa Diyos kung maaring putulan ang kanyang krus. Pumayag naman ang Diyos ay binigyan siya ng lagare upang bawasan ang haba ng kanyang krus. Kaya ang sumunod na paglalakad ay naging madali sa kanya.  Hanggang sa umabot sila sa dulo ng isang bangin. "Panginoon, paano ko matatawid ang bangin na yan?" Sumagot ang Diyos,"gamitin mo ang dala-dala mong krus. Ilatag mo sapagkat eksakto yang ginawa para makaabot ka sa kabila ng bangin."  Nalungkot ang lalaki sapagkat, pinutol niya ang kanyang krus. Kailanman ay hindi na siya makakatawid sa bangin. Marami sa atin ang mahilig "putulin" ang ating mga krus.  Mahilig tayo sa "shorcuts".  Ayaw nating maghirap. Ngunit hindi natin maaring iwasan ito.  Araw-araw tayo ay may binubuhat tayong mga krus sa ating buhay.  Ang mga problema sa ating pamilya, sa ating trabaho, sa ating pag-aaral ay ang mga krus na dapat nating pasanin araw-araw ng may pagmamahal.  Hindi magbibigay ang Diyos ng krus na hindi natin kayang pasanin.  Siya na nagbigay ng ating mga pasanin ay Siya ring magbibigay sa atin ng lakas upang ito ay balikatin sapagkat "sa ating kahinaan... ang Diyos ang ating kalakasan!"  Ang tanong ni Jesus sa kanyang mga alagad ay tanong niya rin sa ating lahat na dapat nating sagutin: "Sino ako para sa inyo?"  Sino nga ba si Jesus para sa atin?  Ang kasagutan sa tanong na iyan ay magsasabi kung anung uri tayo na kanyang mga tagasunod.     

Walang komento: