Hindi ka "in" ngayon kung hindi mo alam ang salitang "pabebe". Kung hindi mo ito alam ay tingnan mo ang iyong sarili. Kung ikay ay pa-cute, isa kang pabebe! Kung ikaw ay maarte, pabebe ka rin. Kung ikaw ay kulang sa pansin, naghahanap ng atensyon, gustong laging inuunawa at nilalambing, isa ka ring certified pabebe. Kung ayaw mong magpatalo, napagsasabihan, pinakikialaman... isa kang tunay na palabang pabebe! Bakit ba mabilis kumalat ang ganitong pag-uugali? Marahil ay reaksyon narin ito sa ating kasalukuyang mundong sinusukat ang halaga ng isang tao sa kung anong mayroon siya at ano ang kaya niyang ibigay. Ibig sabihin, ang mas nabibigyan ng halaga ay ang mga taong may silbi o kuwenta! Tanggap ka ng mga tao kung ikaw ay maganda, may kaya, sikat, maraming kilala... Ang mga walang maipagmamalaki ay may isang puwedeng gawin upang sila ay mapansin... ang mag PABEBE! Hindi malayong sumagi rin sa isipan natin na tayo ay walang
silbi... walang kuwenta... walang halaga! Sumagi na ba sa isip mo na
wala kang kuwenta? Walang silbi? Sabi ng text na natanggap ko "Kung sa
palagay mo ay wala lang silbi ay wag' kang malungkot, may pakinabang ka
pa rin. Puwede kang gawing "masamang halimbawa!" hehehe... Ngunit wag kang malungkot kung sa palagay mo ay wala kang kuwenta. Huwag kang masiraan ng loob kung sa palagay mo ay wala lang halaga. Huwag kang magpabebe kung sa palagay mo ay walang pumapansin sa iyo. Sapagkat kung titingnan natin, ang Diyos ay kumikilos at gumagawa ng kababalaghan sa pamamagitan mga walang silbi at walang kuwenta! Limang tinapay at dalawang
isda... pagkain ng mga mahihirap noong panahon ni Jesus. Walang silbi!
Walang kuwenta! Limang tinapay at dalawang isda na galing sa isang bata.
Ano ba ang bata noong panahon ni Jesus? Walang karapatan, walang boses
sa lipunan, walang silbi! Walang kuwenta! Limang tinapay at dalawang
isda para sa maihigit kumulang na limang libong madla. Ang Panginoon nga
naman... mapagbiro! Sinabihan niya ang mga alagad na paupuin ang mga
tao. Sumunod naman sila... kahit marahil nagtataka at nagtatanong kung ano ang gagawin
niya. At nangyari nga ang isang himala. Nakakain ang lahat at may labis
pa! Ito naman talaga ang "modus operandi" ng Diyos kapag nais Niyang
ipadama sa tao ang Kanyang kapangyarihan. Gumagamit Siya ng maliliit... mahihina... walang kwenta! Upang ipakita na sa Kanya lamang nagmumula ang tunay na kapangyarihan!
Kung minsan, nanonood ako ng balita sa telebisyon. Nakikita ko ang
paghihirap ng napakaraming tao. Nitong nakaraang mga araw punong-puno ng
"bad news" ang kaganapan sa ating paligid. May mga mga taong nabiktima
ng karahasan at walang saysay na krimen. May mga taong nasalanta ng
bagyo at ibang kalamidad. May mga tao rin akong nakitang namamatay sa
gutom dala ng kahirapan. Lagi kong tinatanong ang aking sarili... "anung
magagawa ko para sa kanila?" Ako'y isang karaniwang mamamayan lamang, maliit... mahina... walang kwenta! Tandaan mo ang modus operandi ng
Diyos. Isang katulad mo ang paborito Niyang gamitin! Kaya wag ka lang
manood sa isang tabi... may magagawa ka! Simulan mo silang isama sa
iyong panalangin. Pairalin mo ang pagkukusa sa pagtulong sa mga
nangangailanga lalo't ngayon ay Taon ng mga Dukha. Iwasan mo ang pagiging makasarili at sa halip ay
pairalin mo ang pagiging mapagbigay... Tandaan mo tayong
lahat ay parang "limang tinapay at dalawang isda"… walang silbi, walang
kuwenta ngunit sa kamay ng Diyos ay may malaking magagawa! Makagagawa tayo ng himala! Kaya nga huwag nating piliing maging "Kristiyanong Pabebe". Mayroon taoyong magagawa kung atin lamang ilalagay sa tama ang ating kakayahan, kayamanan at angking kabutihan. Magpapabebe ka pa rin ba?
Pahabol...
Ngayon ay ang Linggo ng Misyong Pilipino na kung saan ay binibigyan
natin ng natatanging atensiyon ang gawaing misyon ng ating mga kapwa
Pilipinong misyonero. Sa kabila ng ating pagiging maralitang bansa ay
apaw biyaya naman tayo sa ating pananampalatayang Kristiyano kayat
nararapat lamang na ibahagi natin ito sa mga taong nangangailangan pa ng
liwanag ni Kristo! Ngunit dahil sa pagkasadlak natin sa kahirapan kung
minsan ay nadarama natin ang pagiging hikahos sa buhay at natatanong
tuloy natin ang ating sarili kung mayroon ba tayong maibabahagi sa iba.Mayroon. Una, ipagdasal ang ating mga misyonero. Pangalawa, gumawa ng maliit na kabutihan sa ating kapwang nangangailangan. Pangatlo, tumulong sa pinansiyal na pangangailangan ng mga gawaing misyon ng Simbahan.
1 komento:
WHY DO CHURCH LEADERS QUOTE MEN WHO TEACH DOCTRINE CONTRARY TO SCRIPTURE? BY STEVE FINNELL
Why do preachers of the gospel quote men who pervert the Scriptures? Why would you ever quote these men in a positive light? Why would church leaders ever believe men who teach and preach doctrine contrary to Scripture are worthy of being quoted.
Max Lucado Quote: "We never taught--the buzzphrase is baptismal regeneration, where you go into the baptistery lost and come out saved. We never taught that. Now, I am not saying there were not people in our church who believed that..."
Water baptism is essential to salvation. (Acts 2:38, Mark 16:16, Acts 22:16, 1 Peter 3:21).
Why would any serious church leader quote Max Lucado in a positive light?
John Piper Quote: "We are not saying that final salvation is unconditional. It is not. We must meet the condition of faith in Christ in order to inherit eternal life. But faith is not a condition for election. Just the reverse. Election is a condition for faith. It is because God chose us before the foundation of the world that he purchases our redemption at the cross and quickens us with irresistible grace and brings us to faith."
God want all men to be saved and all men have that choice.(2 Peter 3:9 The Lord is not slack concerning His promise, as some count slackness, but is longsuffering toward us, not willing that any should perish but that all should come to repentance.)(NKJV)
Why would a preacher of the gospel quote John Piper in a positive light?
Pope Francis Quote: "The Lord has redeemed all of us, all of us, with the blood of Christ, not just Catholics. Everyone! 'Father, the atheists?' Even the atheists......."But I don't believe, Father, I am an atheist!' But do good: We will meet one another there."
Good works cannot save anyone. (John 8:24 "Therefore I said to you that you will die in your sins; for if you do not believe that I am He, you will die in your sins.")(NKJV)
How is it possible to quote Pope Francis in a positive light?
Billy Graham Quote: "....or the non-believing world, they are members of the Body of Christ because they've been called by God. They may not even know the name of Jesus but they know in their hearts that they need something that that don't have, and they turn to the only light that they have, and I think that they are saved, and that they're going to be in heaven."
Can you not believe in Jesus and be saved? (John 8:24 "Therefore I said to you that you will die in your sins; for if you do not believe that I am He, you will die in your sins.")(NKJV)
Tony Campolo Quote? "going to heaven is like going to Philadelphia... There are many ways...It doesn't make any difference how we go there. We all end up in the same place.(Carpe Diem: Seize the Day, 1994 pages 85-88)
John 14:6 Jesus said to him, "I am the way, the truth, and the life. No one comes to the Father except through Me.(NKJV)
Why would preachers and teachers of the gospel quote men in a positive light who pervert the gospel of Christ?
Why not just quote Scriptures?
YOU ARE INVITED TO FOLLOW MY BLOG. http://steve-finnell.blogspot.com
Mag-post ng isang Komento