Merry Christmas sa inyong lahat! O siguro mas maganda at naayon sa panahon ngayon ang pagbating MALIGAYANG PASKOVID sa inyo mga kapatid! Walang veerus... walang pandemia na maaring makapigil sa atin sa pagdiriwang ng Pasko! Tuloy ang pagdiriwang ng Pasko sa Paskong Paskovid! Aminin natin na sa ating kasalukuyang panahon ngayon ay nangangailangan, hindi lang ating basta ngunit ang buong mundo ng habag at paggaling! A world in need of healing ang mercy!
Hindi ko alam kung may balat itong taong 2020 ngunit sa maraming pangyayaring nagdaan, masasabi nating minalas ata tayo at kinawawa ng sunod-sunod na trahedya! Nakaranas tayo ng tinatawag kong Physical Evil at Moral Evil. Ano ang mga ito? Ang halimbawa ng physical evil ay ang sunod-sunod na bagayong pumilay sa kabuhayan ng marami nating mamayan. Nagdulot ito ng labis na pagbaha at dahil dito ay maraming buhay at kabuhayan ang nasira! Isama na rin natin ang paminsan-misang lindol! Minsan lang naman pero kung puminsala ay wagas! Siyempre, kasama na rin dito ang hanggang ngayon ay binubuno natin pandemiang dala ng COVID19. Hanggang ngayon ay pinahiharapan tayo nito at tila magtatagal pang maibabalik sa normal ang ating pamumuhay. Kung may kasamang gawa ng kalikasan ay mayroo din namang gawa ng tao. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahihinto ang mga brutal at hindi makatarungang pagpatay. Nasaksaihan natin ang masaklap na sinapit ng mag-ina, ngunit hindi lang naman sila. Tuloy pa rin ang exta-juducial execution sa mga mamamahayag, hukom at maging duktor. Wala na ata silang pinipili: bata, matanda, lalaki, babae. Para lang silang pumapatay ng hayop sa mga lansangan. Ang pagkamanhid ng konsiyensiyang ito pinalalala pa ng culture of impunity na kung saan ay tila sinasang-ayunan pa ng ilan ang patayan at kaguluhan sa paligid. At siyempre ay sadlak pa rin tayo sa kahirapan. Dahil ba kulang ang yaman ng ating bansa Hindi! Dahil ito sa makasariling pag-iisip at pamumuhay ng mga may kaya na bingi at walang pakundangan sa daing ng mga mahihirap.
Ang mga katulad nito ang nagbibigay sa atin ng negatibong pananaw sa mundo at sa ating buhay. Kaya nga hindi malayo na may ilan-ilan sa atin na hindi magdiriwang ng masayang Pasko. Ngunit tandaan natin na ang ating Pasko ay PASKONG MAY KRISTO! Pinagnilayan natin sa mga nakaraang araw ng ating paghahanda na ang Diyos ay Mabuti at ang Pasko ay tungkol sa kabutihan ng Diyos. Christmas is about the GOODNESS AND MERCY OF GOD! Ang Diyos na ito ay nagpakita sa atin ng awa at malasakit nung isugo Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang tayo ay maligtas. Kaya nga masasabi natinng JESUS IS THE REASON OF THE SEASON. Siya ang dahilan kung bakit mayroon tayong Pasko! Walang Pasko kung walang Kristo! May mga nagbabatian sa atin ng Happy Holidays! Wag nating tanggalin si Kristo na nagbibigay ng tunay na kaligayahan sa kapaskuhan!
Dahil dito ay isinusugo rin tayo na magdala ng pag-asa at kaligayahan sa iba! We are sent as ambassadors of Hope and Joy! Ibig sabihin ay tanggalin natin sa ating buhay ang lahat ng negatibo. SAY NO TO NEGATIVITY! Maging positibo tayo sa ating buhay. Laging tingga ang ating mga "baso" na hindi half empty kundi half full! May nabasa nga akong magandang quote: " I refuse negativity, Life is too big and time is too short to get caught up in empty drama!" Tama nga naman. Huwag nating hayaang nakawin ng negatibong pag-isiip ang ang ating kaligayahan! At kanino tayo huhugot ng lakas para gawin ito? Walang iba kundi sa pamamagitan ni Kristo! Turuan natin ang bawat isang maging mapagpasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob sa kanila ng Panginoon. Nais kong balikan ang salita na binitawan ni Ms Catriona Gray na kanyang ipinanalo sa Ms, Universe noong 2018: "If I could teach people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster and children would have a smile on their faces."
Isabuhay natin ang ating misyon bilang mga ambassadors of hope and joy! Tandaan natin na siya ay dumating upang tayo ay maging masaya at puno ng pag-asa sa ating buhay. Muli, isang pagbati ng MALIGAYANG PASKOVID SA INYONG LAHAT!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento