May isang nanay na pilit na ginigising ang kanyang anak: "Hoy damuho ka! Gumising ka na at mahuhuli ka na sa misa!" Pamaktol na sumagot ang anak, "Inay, bigyan mo ako ng dalawang magandang dahilan para bumangon ako." Sumagot naman ang nanay, "Iho, ang una ay kuwarenta anyos ka na at di ka na kailangan pang sabihang bumangon. Pangalawa, ikaw ang paring magmimisa! Damuho ka! Tayo na!!!"
Tama nga naman si ina sapagkat WALANG MISA KUNG WALANG PARI at WALA RING PARI KUNG WALANG MISA! Ngayong Huwebes Santo ay may dalawang pagdiriwang: Ang Pagtatatag ng Pagpapari at ang Pagkakatatag ng Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Dalawang sakramentong kailanman ay hindi mapaghihiwalay. "Ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Sa Banal na paghahaing pinangunahan ng ating Panginoong Jesus ay ibinigay niya sa atin ang dalawang malaking tanda ng pag-ibig ng Diyos sa tao. Ang pagpapari ay ang simbolo ng pagtitiwala sa atin na bagama't hindi tayo karapat-dapat pinili niya tayo at hinirang upang makibahagi sa kanyang misyon ng pagliingkod. Ang Eukaristiya ay ang simbolo naman ng kayang katapatan at pagmamahal na humantong sa pag-aalay ng kanyang buhay para sa ating kaligtasan.
Sa araw na ito, ipakita natin ang ating pagmamahal sa ating mga pari. Ipagdasal natin sila na manatiling tapat at masigasig sa pagsasabuhay ng kanilang bokasyon. Manatili nawa silang maging mabuting kasangkapan upang ang pagmamahal ng Diyos ay maihatid sa mga tao. Sa araw ring ito ay maramdaman nawa natin ang lubos na pagmamahal sa atin ng Diyos sa tuwing ipinagdiriwnag natin ang Santa Misa. Ang kanyang katawan at dugo ay kanyang inialay upang magkamit tayo ng bagong buhay. Kaya nga't bawat paglapit sa komunyon ay dapat magbigay sa atin ng pag-asa na kaya nating tumulad kay Kristo. Magmahal kung pa'no Siya nagmahal. Magpatawad kung paano Siya nagpatawad. Maglingkod kung paano Siya naglingkod.
Kaya nga ang tawag din dito ay MaundyThursday, ang salitang "Maundy" ay isang Anglo-French na salita na hango sa salitang Latin na "mandatum" na ang ibig sabihin ay "utos na dapat gawin". Sa konteksto ng "Huling Hapunan" ay ibinigay ni Jesus ang "bagong utos" sa kanyang mga alagad: "Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo!" (Jn. 13:34) Sa isang taong malapit ng yumao sa mundong ito, mahalaga sa kanya ang pagbibigay ng huling habilin. Ito ay hindi lamang pangkaraniwang utos na dapat gawin, kundi ito ay naglalaman ng kanyang puso at pagkatao. Mawala man siya sa mundong ibabaw ay mananatili pa rin siyang buhay sa puso ng mga taong tumugon sa kanyang habilin.
Ang "mandatum" ni Jesus na mag-ibigan kayo ay tatak ng isang Kristiyanong may katapatan kay Kristo. Kaya nga't ang Banal na Eukaristiya ay Sakramento ng Pag-ibig. Dito ay ibinabahagi ni Jesus ang Kanyang pagmamahal at dito rin ay ibinabahagi natin sa iba ang pagmamahal na ating tinanggap sa pagiging iisang Katawan ni Kristo. Isabuhay natin ang Dakilang Pag-ibig na ito!
Pagkatapos ng misang ito ng Huling Hapunan ng Panginoon ay tahimik tayong babalik sa ating mga gawain. Dati-rati ay maingay ang pagtatapos ng Misa sapagkat ang bawat isa ay kanya-kanya ng punta sa kanilang "Bisita Iglesya". Masaya ang paligid. Maraming naglalakad lalo na ang mga kabataan, Sama-sama natin sinusuyod ang iba't ibang Simbahan. Ngayon, mananatili muna tayo sa apat na sulok ng ating mga tahanan dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng "Enhanced Quarantine" upang malupig natin ang COVID19. Tandaan natin na may Simbahan din na maaring bisitahin din kahit sa loob ng ating tahanan. Para kay San Pablo, ang bawat isa sa atin ay TEMPLO NG DIYOS. Sa puso natin ay nanahan ang Panginoong Jesus. Punuin natin ito ng pagmamahal at paapawin natin sa mga kasama natin sa bahay na kapwa rin mga "Templo ng Panginoon". Bisitahin natin sila at ibahagi natin ang pagmamahal na nagmumula kay Kristo!
Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Huwebes, Abril 1, 2021
Sabado, Marso 27, 2021
MAHAL NA ARAW... BANAL NA ARAW: Reflection for the Sunday of the Lord's Passion / Palm Sunday - March 28, 2021 - YEAR OF MISSIO AD GENTES
Sinisimulan natin ngayon ang SEMANA SANTA o ang MGA MAHAL NA ARAW. Nagsisimula ito sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas o Palm Sunday na kung saan ay gingunita natin ang marangyang pagpasok ni Jesus sa Jersalem at ang mainit na pagtanggap ng mga tao roon kay Jesus bilang "Anak ni David" o ang kanilang tagapagligtas. Tinatawag din itong "Passion Sunday" sapagkat sa araw na ito ay sinisimulan natin ang "Passion Week" na kung saan ay pagninilayan natin sa buong linggong ito ang misteryo ng paghihirap at pagkamatay ni Jesus. Sa katunayan ay binasa na natin ng maaaga ang pasyon ng kanyang paghihirap sa ating Ebanghelyo.
Bakit nga ba MAHAL at hindi BANAL ang tawag natin? Hindi ba Holy Week ang tawag natin sa ingles? Bagama't mas tama ang pagsasalin sa tagalog na "Banal", ay naangkop din naman, sa aking palagay, ang pagsasalin at paggamit natin sa salitang "Mahal". May kuwento na minsan daw ay may isang magnanakaw na pinasok ang bilihan ng mga alahas ng madaling araw. Nagawa niyang makapasok sa loob na pinaglalagakan ng mga alahas ngunit sa halip na nakawin ang mga alahas ay pinagpalit-palit niya ang mga presyo nito. Ang mga mamahaling alahas ay naging mura ang halaga at ang mga pekeng alahas naman ang naging mahal ang presyo. Kinaumagahan ay bumalik ang magnanakaw at binili ang ang mga mamahaling alahas sa murang halaga... ang mahal naging mura... ang mura naging mahal!
Kung ating titingnan ay ganito rin ang nangyayari sa pagdiriwang natin ng Semana Santa, ang mga Mahal na araw ay nagiging "mumurahin". Hindi na nabibigyang halaga. Kapag sinabi mong "mahal" maari mong ipakahulugang "something of great value" o "precious". Para sa ating mga Kristiyano ay MAHAL ang mga araw na itong darating... sapagkat sa mga araw na ito ay pagninilayan natin ang pagtubos sa atin ni Jesus sa pagkakaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ng kanyang paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay! "Of great value" sapagkat tinubos tayo ni Jesus sa halagang hindi maaaring tumbasan ng salapi kundi sa pamamagitan ng kanyang katawan at dugo!
Ang "MAHAL" din ay nangangahulugang "close to our hearts o dear to us." Naaangkop din ang pakahulugang ito sapagkat ang mga araw na ito ay nagpapakita sa atin ng walang hangang pag-ibig ng Diyos na nag-alay ng kanyang bugtong na Anak upang tayo ay maligtas. Nakakalungkot sapagkat maraming tao ngayon ang ginagawang "cheap" o mumurahin ang mga araw na ito! Katulad ng nangyari sa kuwento ay hindi na natin nakikita ang mga tunay na mahalaga sa mga araw na ito. Sa halip na magnilay at manalangin ay pinagpapalit natin ang "presyo" sa mga walang kabuluhang bagay.
Hindi ko alam kung nakatulong ang mas istriktong pagpapatupad ng NCR- Plus Bubble dito. May mga ilan kasi sa atin na ang mga Mahal na Araw ay pagpunta sa isang magandang beach tulad ng Boracay. Kahapon sa balita ay may taong nagrereklamo sa airport dahil naabutan sila ng travel ban, papunta sana sila ng Boracay para doon mag Holy Week, pero dahil "non-essemtial travel" nga ang vacation tour ay hindi sila napayagan. "Buti nga!" sabi ko sa aking sarili. Pinagpapalit kasi nila ang "Mahal at Banl" sa walang saysay na gawain. Mabuti na lang at restricted pa rin ang panood ng sine at pagpunta sa mga "amusement park" o shopping malls! Marami pa rin kasi na pinagpapalit ang pagdarasal at pagninilay sa pamamasyal! Huwag din naman sanang gugulin natin ang mga araw na darating para matulog na lang ng buong araw. Kung nais nating magpahinga ay magpahinga tayo sa Panginoon, "Rest with the Lord" sana ang ating gawin sa buong Linggong ito. Puwede tayong magpunta ng Simbahan o kaya naman ay sumunod at makibahagi "on-line" sa mga pagdiriwang na gagawin sa ating mga parokya.
Sana ay maibalik natin ang tunay na pakahulugan ng mga araw na ito. Simula sa Lunes ang tawag natin sa mga araw na ito ay Lunes Santo, Marters Santo, Miyerkules Santo, Huwebes Santo at Biyernes Santo... dapat lang sapagkat "Banal" ang mga araw na ito. Banal sapagkat "mahal" ang pinuhunan ng Diyos... walang iba kundi ang kanyang bugtong na Anak. Ang mga pagbasa ngayon ay nag-aanyaya sa ating magnilay sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Jesus. Kaya nga ang tawag din sa pagdiriwang ngayon ay "Passion Sunday" o Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon. Sa mga araw an ito ay subukan nating maging seryoso sa ating buhay panalangin at paggawa ng mga sakripisyo. Makiisa tayo sa mga espirituwal na gawain ng ating parokya. Huwag nating sayangin ang pagkakataong ibinigay ng Simbahan upang palalimin ang ating buhay kristiyano.
Bagamat sa darating na mga Mahal na Araw ay balik muli tayo sa Enhance Community Quarantine, at dahil d'yan ay muling isasarado ang mga Simbahan at sa ON-LINE na naman tayo magkikita-kita, ay ipakita pa rin natin na mahalaga sa atin ang mga araw na darating! Gawin natin MAHAL AT BANAL ang mga ito. Ang tanging panalangin ko lang talaga na sana ay maituring ng "essential" ang pagsismba at pagpunta ng Simbahan. Masyado ng mahaba ang "quarantine". Marami na ang hindi nagdarasal. Nahinto na naman ang sama-samang pagsamba. Nagsara na naman ang ilang simbahan. Pero huwag tayong mabahala dahil lagi namagn bukas ang puso ng Diyos para sa atin.
Mag-ingat tayo at baka matapos ang mga Mahal na Araw na hindi natin ito nabibigyan ng sapat na pagpapahalaga. Sayang naman. Makiisa tayo sa paggunita sa dakilang paghihirap ng ating Panginoong Jesus. Tandaan natin ang sinabi ni San Pablo na "kung mamatay tayong kasama ni Kristo tayo rin ay makakasama niya sa kanyang muling pagkabuhay."
Biyernes, Marso 19, 2021
MAGANDANG BUHAY: Reflection for the 5th Sunday of Lent Year B - March 21, 2021 - YEAR OF MISSIO AD GENTES
MAGANDANG BUHAY! "Father, bakit laging kang bumabati ng MAGANDANG BUHAY sa simula ng homily mo?" tanong ng isang parokyano sa akin. Ang sagot ko sa kanya, "Mabuti na yun kesa naman, batiin ko kayo ng MAPANGIT NA BUHAY... Gusto n'yo ba yun?" Siguradong akong ayaw natin ng malas at problemadong buhay. Ayaw nating "bad vibes" ang ating masisinghot sa umaga sa ating paggising. Dahil sabi nga ng isang kakilala kong pari: "Every GISING is a BLESSING!" Ang dugtong ko naman dito ay "Every NGUYA is BIYAYA!" Huwag lang lalabis sapagkat pagsumobra... bulagta! Bagamat lahat ay biyaya na nagmumula sa Diyos ay parang ang hirap pa rin bumati ng "magandang buhay" sa kasalukuyang panahon ngayon na nakikita na naman natin ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID19. Ang dami na namang pagbabawal. May mga curfew na namang pina-iiral. Hindi na namang pinapayagang lumabas ang batang 17 pababa at mga "super seniors". Bawal na naman ang malalaking pagtitipon. Tila baga bumalik na naman tayo sa paghihigpit noong nakaraang taon? Saan dito ang sinasabi nating "magandang buhay?"
Ang pagbati ng MAGANDANG BUHAY ay pagbating punong-puno ng pag-asa at ligaya. Kaya nga ginagamit ko ito kapalit ng magandang umaga o magandang gabi. Mas maganda nga naman talaga ang pagbating ito sapagkat ang buhay ang pinakamahalagang kaloob sa atin ng Diyos at kapag ito ay ating ibinabahagi sa iba ay para na ring ibinibigay natin ang Kanyang pagpapala sa mga taong ating nakakasalubong at nakakatagpo. Tunay naman talagang "maganda ang buhay!" At kapag nabubuhay tayo ng mabuti ang Diyos na nagkaloob sa atin nito ay ating niluluwalhati. "The glory of God is man ( or woman) who is fully alive!" sabi ni San Ireneo.
Kaya dapat lang nating pahalagahan ito. Yun lang nga huwag namang labis ang pagpapahalaga sapagkat ang lahat ng kalabisan ay masama. Baka sa ating pag-iingat o pag-aalaga ay ikapahamak pa natin ito. Sabi nga ng isang text: "Babala sa mga friends ko na di kumakain ng taba, di nagpupuyat, di nagkakape, di umiinom ng alak, di naninigarilyo. Mabubuhay kang malungkot ! Patay na kaming lahat... buhay ka pa!" hehehe... Hindi ito panghihikayat upang tayo ay malulon sa bisyo. Hindi rin ito pagbatikos sa mga taong sobra sobra ang pag-iingat sa buhay. May mga iba na napakarami ang pagbabawal sa buhay, bawal ang pork, hipon, karne, itlog at ba pang pagkain. Nag-eenjoy pa kaya sila sa buhay nila? Ang motto nga ng isang kaibigan kong maraming dinadalang sakit sa katawan ay: "If you eat you'll die. If you don't eat you'll die. You will die just the same... so why not eat and die!" May pagkapilosopo ang aking kaibigan ngunit kung iisiping mabuti ay may butil ng katotohanan ang nais niyang ipahiwatig.
Hindi masama ang magmahal sa buhay at mag-alaga ng ating katawan. Ngunit ang labis na pagmamahal ay hindi na natatama. May babala si Jesus tungkol dito: "Ang taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito..." Markahan ninyo ang salitang... LABIS! Ibig sabihin wala sa lugar, sobra, di na nakakatulong! At idinugtong pa niya: "Ngunit ang napopoot sa kanyang buhay ay siyang magkakaroon nito hanggang sa buhay na walang hanggan." Hindi ibig sabihin na dapat nating kamuhian ang ating buhay. Ang pagkapoot na sinasabi dito ay ang "paglimot sa sarili upang magbigay buhay sa iba!" Hinalintulad ni Jesus ang kanyang sarili sa isang butil ng trigo na kinaikailangang mamatay upang magkamit ng bagong buhay. At ito ay ginawa niya sa pag-aalay ng kanyang buhay sa krus upang tayo ay magkamit ng buhay na walang hanggan.
Ang kuwaresma ay naayong panahon upang magpraktis tayo ng "self-dying". Hindi "suicide" o pagkitil ng sariling buhay ang pakahulugan nito. Ang "self-dying" ay may kaugnayan sa "self-denial" na nagtuturo sa ating katawan upang maging disiplinado at mapalakas ang ating "will power". Sa self-denial ay itinatanggi natin sa ating katawan ang maraming bagay na hindi naman talagang masama. Ito ay pagtanggi sa mga bagay na nagbibigay ng kasarapan sa ating buhay. Labis na pagkain, panood ng TV, shopping (para sa mga may pera), computer games, labis na pagtetext, at iba pang mga gawain na nakapagbibigay lugod o saya sa ating katawan. Sa pagsasabi ng NO sa mga bagay na ito ay mas napagtitibay natin ang pagsasabi natin ng YES sa pagtupad sa kalooban ng Diyos. Patayin natin ang masasamang hilig upang mabuhay tayo na disiplinado at makatulong sa iba. Patayin ang labis na pagmamahal sa sarili upang makapaglingkod sa kapwa! Hindi lahat pala ng pagpatay ay masama... may pagpatay na buhay ang ibinibigay!
MAGANDANG BUHAY SA INYONG LAHAT!
Biyernes, Marso 12, 2021
ANG DAKILANG PAG-IBIG NG DIYOS: Reflection for 4th Sunday of Lent Year B - March 14, 2021 - YEAR OF MISSIO AD GENTES
Ang ika-apat na Linggo ng Kuwearesma ay tinatawag na Laetare Sunday. Ang "laetare" ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay MAGSAYA. Nararapat lang na tayo ay magsaya sapagkat ang Diyos ay nagpakita sa atin ng kanyang malaking pagmamahal sa pamamagitan ng pagsusugo ng kanyang bugtong na Anak para tayo ay mailigtas sa pagkakaalipin ng kasalanan. Ang sabi nga ni San Juan sa kanyang Ebanghelyo: "Gayon
na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa
sanlibutan, kaya ibinigay niya ang
kanyang bugtong na Anak, upang
ang sumampalataya sa kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan." (John 3:16) Ano nga ba ang pag-ibig na tinutukoy dito ni San Juan? Katulad ba ito ng pag-ibig na karaniwan nating nababasa sa mga romatic novles o napapanood sa mga paborito nating telenobela?
May isang dalagitang nagpasyang magpakasal. Subalit marami sa kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan ang tutol sa kanyang desisyon. Ayaw nila sa lalaking kanyang mapapangasawa. Paano nga naman, ang dalaga ay maganda, matalino, may hanapbuhay, sa isang salita maayos ang buhay. Samantalang ang lalaki ay tambay, walang pinag-aralan, walang matinong trabaho at higit sa lahat pinagkaitan ng kapalaran ng kaguwapuhan. Ngunit ayaw patinag ng dalagita. "Siya pa rin ang pakakasalan ko sapagkat I feel in love with him!" Hnindi maintindihan ng mga tao sa kanyang paligid ang kanyang sinabi, hindi sapagkat ingles kundi sapagkat tila taliwas sa pag-iisip ng isang taong matino kaya't kanyang ipinaliwanag. "Yes I fell in love with him! Ang naibigan ko at minahal sa kanya ay hindi ang kanyang mukha kundi ang kanyang puso!"
Kung minsan nga naman ay totoo ang kasabihang "love is blind!" Iba kasi ang pamantayan ng mundo sa pagmamahal. Kaya nga katawa-tawa ang kanta dati ni Andrew E na "Humanap ka ng pangit, ibigin mong tunay!" Ngunit kung ating titingnan ay ito ang ginawa ng Diyos noong ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak para sa atin. Humanap Siya ng pangit at inibig Niyang tunay. Naging pangit tayo dahil sa ating mga kasalanan. Ngunit sa kabila nito tayo ay lubos Niyang minahal. Kaya nga sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga_Efeso ay nasabi niya na: "Napakasagana ang habag ng Diyos at napakadakila ng pg-ibig na iniukol niya sa atin..." At ipinakita ito ng Diyos sa Kanyang patuloy na pagkalinga sa Kanyang "bayang hinirang".
Sa unang pagbasa ay inilahad ang katapatan ng Diyos sa bansang Israel sa kabila ng kanilang pagtatakwil sa Kanya. Bagamat nasira ng Jerusalem at napasailalim sila sa pananakop ng mga kanilang kaaway ay gumawa pa rin si Yahweh ng paraan upang muling ibalik sila sa kanilang bayan at muling itayo ang templo ng Jerusalem. Tunay ngang tapat ang Diyos sa Kanyang pangako!
Sa Ebanghelyo naman ay inilahad ni San Juan kung paano pinatunayan ng Diyos ang Kanyang malaking pagmamahal sa atin: "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Kaya nga't sa panahon ng Kuwaresma ay nararapat lang na maunawaan natin ang malaking pagmamahal ng Diyos sa atin at sana ay maging pamantayan din natin ito sa ating pagmamahal sa kapwa. Hindi natin makikita ang ating pagiging makasalanan kung hindi natin mararanasan ang malaking pagmamahal ng Diyos sa ating lahat. Ang pag-ibig ng Diyos ay walang itinatangi. Ang pagmamahal Niya ay walang kundisyon. Sana, tayo rin, pagkatapos nating maranasan ang pagmamahal at pagpapatawad ng Diyos ay magawa rin natin itong maipakita na walang hinihintay na anumang kapalit at walang pinipili.
Ngunit hindi lang tayo minahal ng Diyos. Tayo rin ay hinirang Niya bilang kanyang mga tunay na anak. Ang dakilang karangalang ito ang nagpapatunay ng kanyang malaking pagmamahal sa atin. Ito ang isinasagisag ng langis na tinanggap natin sa binyag. Ang langis ay nagpapakita ng paghirang ng Diyos sa atin kung paanong hinirang Niya si Jesus bilang Hari, Pari at Propeta. Sumasagisag din ito sa paglukob ng Espiritu Santo na siyang nagpapabanal sa atin at nagpapaging dapat sa ating paghirang. Hinahamon tayong isabuhay ang karangalang ito sa pamamagitan ng pagiging buhay na saksi ni Kristo na handang mag-alay ng ating buhay bilang handog at laging handang magpahayag ng kanyang Mabuting Balita sa pamamagitan ng araw-araw ng tapat na pagsasabuhay ng ating pananampalataya.
Isa sa rin sa mga gawain ng Kuwaresma ay ang pagkakawanggawa. Ang pagbibigay ng tulong sa mga kapatid nating mahihirap ay ang ating daan ng kabanalan ngayong panahon ng pagninilay sa Misteryo Paskuwa ng ating Panginoong Jesukristo. Makisa tayo sa kanilang paghihirap bilang pakikiisa sa paghihirap na dinanas ni Kristo. Matuto tayong umunawa, magpatawad at magmahal ng walang kundisyon o hinahanap na kapalit. Katulad ni Hesus, ibigin natin hindi lang ang mga kaibig-ibig. Hanapin natin ang mga "pangit at ibigin natin silang tunay!"
Sabado, Marso 6, 2021
BUHAY NA TEMPLO NG DIYOS: Reflection for the 3rd Sunday of Lent Year B - March 7, 2021 - YEAR OF MISSIO AD GENTES
Ano ang unang sumasagi sa isip mo kapag narinig mo ang salitang templo o simbahan? Hindi ba't ang una mong naiisip ay lugar-dalanginan o lugar na kung saan ay nagtitipon-tipon ang mga tao upang magdasal? Nakakalungkot isipin na dahil sa pandemyang dala ng COVID19 ay maraming bahay-dalanginan ang nagmistulang museo na bihira ng kakitaan ng maraming tao. May isang kuwento na minsan daw ay bumisita ang demonyo sa Diyos at nagmamataas na nagsabi: "Kita mo na... isang virus lang pala ang kinakailangan upang "langawin" ang mga simbahan ninyo? Hindi mo ba napansin na umunti ang mga pagdiriwang ng Misa at ang mga taong dumadalo dito? Di magtatagal ay magsasara na ang mga simbahan ninyo!" Kalmado at nakangiting sumgot ang Diyos: "Totoo, parang nabawasan ang bilang mga taong nagsimsimba at nagmistulang nagsasara na ang ilang simbahan. Pero ang hindi mo alam, mas maraming "simbahan" ang nagbukas ngayon sa kanilang mga tahanan! Mas maraming pamilya ang muling nagtipon-tipon na nagdarasal... mas maraming puso na ang naging buhay na templo na nagpupuri at nagpapaslamat sa akin!"
Totoo nga naman... ang templo o ang simbahan ay hindi lamang ang mga bato, o mga poste at haligi, o ang pisikal na straktura na napapalamutian ng magagandang ornamento o disenyo. Ang sabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga Korinto (1 Cor 3:10-11, 16-23) "You are God's temple!" Tayo ang templo ng Diyos! Tayo ang bumubuo sa Simbahan! Ito rin ang mensaheng nais iparating ni Jesus sa atin sa Linggong ito. Sa Ebanghelyo ngayong Linggo ay nakita nating galit na galit si Jesus sapagkat tila baga hindi nabigyan ng tamang paggalang ang kanilang templo. May mga nangangalakal sa loob mismo ng templo at hindi maiiwasan na sa pangangalakal ay may mga nandaraya at nanlalamang sa kanilang kapwa. Pinagtataob ni Jesus ang kanilang mga paninda. Nang tinanong si Jesus kung ano ang kanyang karapatan para gawin iyon ay may sinabi siyang ikinagulat ng mga Hudyo at mga pinuno ng bayan: "Gibain ninyo ang templong
ito at muli kong itatayo sa loob ng
tatlong araw." Ang tinutukoy ni Jesus ay hindi ang templong bato kundi ang templo ng kanyang katawan. Kaya nga't ng muling mabuhay si Jesus pagkatapos ng tatlong araw ng pagkakahimlay sa libingan ay marahil ay naging malinaw sa mga alagad ang kahulugan ng templong kanyang tinukoy na gigibain at itatayong muli.
Ang Simbahan din ay tinatawag na "Templo ng Espiritu Santo." At dahil tayo ang bumubuo sa Simbahan, bilang iisang katawan ni Kristo, ay nabahaginan din tayo ng kabanalang ito at tayo ay naging buhay na templo ng Diyos! Sa pagbubuhos ng tubig noong tayo ay bininyagan ay hindi lamang tayo nalinis sa ating kasalanang taglay ngunit higit sa lahat ay tinanggap natin ang "buhay ng Diyos" at ang kanyang kabanalan. Ang tubig ng binyag ang nagbigay sa atin ng karangalang tawagin ang Diyos na ating Ama, ituring si Jesus na ating tunay na kapatid, at taglayin natin ang pagiging templong banal sa pananahan sa atin ng Espiritu Santo.
Kaya nga't kung tayo pala ay "Banal na templo" ng Diyos ay dapat mabuhay tayong marangal at banal. Huwag nating ituring na parang basurahan ang ating katawan; ibig sabihin ay panatilihin nating banal ang templo ng Diyos. Sa papaanong paraan? Isabuhay natin ang ating pangako sa Binyag na ating tatalikuran ang lahat ng masama at ating sasampalatayanan ang Diyos. Ito ay ginagawa natin sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos. Bakit ba natin kailangang sundin ang mga utos ng Diyos? Kapag bumili tayo ng gamit sa bahay tulad ng mga appliances ay lagi itong may kasamang "Manual". Mahalagang sundan ang manual sapagkat nanggaling ito sa kumpanyag gumawa ng gamit na ating binili. Gayundin naman, nilikha tayo ng Diyos at nag-iwan Siya ng "manual" sa atin. Naririyan ang ating budhi na nagsasabi sa atin kung ano ang tama at mali; ngunit higit sa lahat ay naririyan din ang Kanyang "Sampung Utos" upang ipaalam sa atin ang dapat nating gawin upang maalagaan natin ang buhay na kaloob Niya sa atin. Ang pagsunod sa Kanyang mga utos ay pagpapakita natin ng paggalang at pagpapahalaga sa templong ito na nananahan sa atin at sa ating kapwa.
Mataimtim ko bang sinusunod ang mga utos ng Diyos? O baka naman pinipili ko lang ang nais kong sundin? Ang panahon ng Kuwaresma ay laging nagpapaalala sa atin na suriin ang ating mga sarili at tingnan ang ating katapatan sa pagsunod kay Kristo. Alagaan natin ang "templo ng Diyos", pagnilayan natin at isabuhay ang Kanyang mga utos. Sa ganitong paraan tayo magiging banal at mga BUHAY N'YANG TEMPLO!
Sabado, Pebrero 27, 2021
GLORY IN THE CROSS: Reflection for 2nd Sunday of Lent Year B - February 28, 2021 - YEAR OF MISSIO AD GENTES
Sabi sa isang text na aking natanggap: "NO PAIN, NO GAIN! NO GUTS, NO GLORY! NO ID, NO ENTRY!" Sa mga malalim mag-isip, marahil ang tanong ay "Ano'ng connect?" Ang "No pain, no gain" ay mantra ng mga atleta. Ang "No guts, no glory" ay sigaw naman ng mga sundalo. Ang "No ID no entry" ay para naman sa mga... security guard? Hindi. Kung ating pagninilayang mabuti, ito ay para sa ating mga Kristiyano. Bakit? Ano ba ang dapat na ID o identification nating mga Kristiyano para makapasok sa pintuan ng langit?
May kwento ng isang batang nakakita ng "pupa" na malapit ng maging paru-paro na nakasabit sa isang puno. Tamang-tamang nakita niya ang unti-unting paglabas ng tila isang uod sa kinalalagyan nitong cocoon. Nakita ng bata ang hirap na hirap na pagpupumilit nitong lumabas. Sa sobrang habag nito ay kumuha siya ng gunting at ginupit ang pupa. Nakalabas naman ang kaawa-awang nilalang ngunit sa laking pagkadismaya niya ay isang "malnourished na paro-paro" ang kanyang nakita na hindi halos maibukas ang di pa kumpletong pakpak. Hindi naunawaan ng bata na kinakailangan talaga nitong maghirap sa paglabas upang makakuha ng kinakailangang "fluids" sa katawan at magamit ito upang magkaroon ng isang malakas at magandang pakpak upang maging isang ganap na paruparo.
Ang ID ng isang Kristiyano para makapasok sa pintuan ng langit ay katulad din ng ID na ginamit ni Jesus para makamit ang kaluwalhatian ng pagkabuhay... ang KRUS NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGHIHIRAP. Kaya nga sa panahon ng Kuwaresma ay nakikibahagi tayo sa paghihirap ni Jesus. Sa panahong ito ay hinihikayat tayong pagnilayan ang tinatawag na "Passion of the Cross". Sa katunayan, isang debosyon na dinarasal tuwing sa panahon ng Kuwaresma ay ang "Daan ng Krus". Sapagkat ito ang daan na piniling tahakin ni Jesus. Sa katunayan ay maari namang iligtas ni Jesus ang tao sa paraang mas madali at walang paghihirap. Pero bakit niya pinili ang mahirap at masakit na paraan? Ito ay upang ipaalam sa atin ang laki ng kanyang pagmamahal na hindi kailanman mapapantayan at mababayaran. Ngunit alam naman nating hindi nagtapos sa paghihirap at kamatayan ang pag-aalay ni Jesus ng buhay, ito ay magbibigay daan sa kanyang kaluwalhatian... ang kanyang muling pagkabuhay!
Ang Ebanghelyo sa tuwing ikalawang Linggo ng Kuwaresma ay tungkol sa "Pagbabagong Anyo ni Jesus" na nasaksihan ng kanyang tatlong piling alagad na sina Pedro, Santiago at Juan noong sila ay dinala ni Jesus sa bundok ng Tabor. Sa anung kadahilanan sila dinala ni Jesus? May layunin si Jesus kung bakit sila isinama. May mensahe siyang nais ipabatid sa kanila upang maunawaan nila kung sino ba talaga siya at kung ano ang dapat niyang maging misyon. "Guro, mabuti pa'y dumito na tayo!" ang sabi ni Pedro pagkatapos niyang makita ang pagbabagong anyo ni Jesus. Marahil ay manghang-mangha si Pedro sa kanayang nasaksihan at ayaw na n'yang magising sa pagkamangha. Ngunit pagkatapos ng pangitain ay bumaba uli sila sa bundok upang harapin ni Jesus ang Kanyang paghihirap at kamatayan. Kailangan N'yang daanan muna ang daan ng Krus bago Niya makamit ang kaluwalhatian ng Muling Pagkabuhay.
May kwento ng isang batang nakakita ng "pupa" na malapit ng maging paru-paro na nakasabit sa isang puno. Tamang-tamang nakita niya ang unti-unting paglabas ng tila isang uod sa kinalalagyan nitong cocoon. Nakita ng bata ang hirap na hirap na pagpupumilit nitong lumabas. Sa sobrang habag nito ay kumuha siya ng gunting at ginupit ang pupa. Nakalabas naman ang kaawa-awang nilalang ngunit sa laking pagkadismaya niya ay isang "malnourished na paro-paro" ang kanyang nakita na hindi halos maibukas ang di pa kumpletong pakpak. Hindi naunawaan ng bata na kinakailangan talaga nitong maghirap sa paglabas upang makakuha ng kinakailangang "fluids" sa katawan at magamit ito upang magkaroon ng isang malakas at magandang pakpak upang maging isang ganap na paruparo.
Ang ID ng isang Kristiyano para makapasok sa pintuan ng langit ay katulad din ng ID na ginamit ni Jesus para makamit ang kaluwalhatian ng pagkabuhay... ang KRUS NG PAGPAPAKASAKIT AT PAGHIHIRAP. Kaya nga sa panahon ng Kuwaresma ay nakikibahagi tayo sa paghihirap ni Jesus. Sa panahong ito ay hinihikayat tayong pagnilayan ang tinatawag na "Passion of the Cross". Sa katunayan, isang debosyon na dinarasal tuwing sa panahon ng Kuwaresma ay ang "Daan ng Krus". Sapagkat ito ang daan na piniling tahakin ni Jesus. Sa katunayan ay maari namang iligtas ni Jesus ang tao sa paraang mas madali at walang paghihirap. Pero bakit niya pinili ang mahirap at masakit na paraan? Ito ay upang ipaalam sa atin ang laki ng kanyang pagmamahal na hindi kailanman mapapantayan at mababayaran. Ngunit alam naman nating hindi nagtapos sa paghihirap at kamatayan ang pag-aalay ni Jesus ng buhay, ito ay magbibigay daan sa kanyang kaluwalhatian... ang kanyang muling pagkabuhay!
Ang Ebanghelyo sa tuwing ikalawang Linggo ng Kuwaresma ay tungkol sa "Pagbabagong Anyo ni Jesus" na nasaksihan ng kanyang tatlong piling alagad na sina Pedro, Santiago at Juan noong sila ay dinala ni Jesus sa bundok ng Tabor. Sa anung kadahilanan sila dinala ni Jesus? May layunin si Jesus kung bakit sila isinama. May mensahe siyang nais ipabatid sa kanila upang maunawaan nila kung sino ba talaga siya at kung ano ang dapat niyang maging misyon. "Guro, mabuti pa'y dumito na tayo!" ang sabi ni Pedro pagkatapos niyang makita ang pagbabagong anyo ni Jesus. Marahil ay manghang-mangha si Pedro sa kanayang nasaksihan at ayaw na n'yang magising sa pagkamangha. Ngunit pagkatapos ng pangitain ay bumaba uli sila sa bundok upang harapin ni Jesus ang Kanyang paghihirap at kamatayan. Kailangan N'yang daanan muna ang daan ng Krus bago Niya makamit ang kaluwalhatian ng Muling Pagkabuhay.
Bakit kinakailangan masaksihan ng mga alagad ang pagbabagong anyo ni Jesus? Batid na ni Jesus ang kanyang daang tatahakin upang masunod ang kalooban ng kanyang Ama ngunit hindi ng kanyang mga alagad. Ang "Daan ng Krus" na pinili ni Jesus na tahakin ay siguradong magpapahina sa kanilang kalooban. Kaya't minabuti ng Panginoon na bigyan sila ng sulyap ng kaluwalhatiang mayroon siya. Ang kanyang pagbabagong-anyo at ang paglabas sa kanyang tabi ng dalawang dakilang tao ng Lumang Tipan si Moises at si Elijah, ay sapat ng patunay upang mapasigla at mapalakas ang puso ng mga alagad sa sandaling masaksihan nila ang paghihirap ni Jesus. May kaluwalhatian sa kanyang pagbabagong-anyo, ngunit bago makamit ito ay dapat munang tahakin ni Jesus ang "Daan ng Krus" na inilatag sa kanya ng kanyang Ama.
Ito rin ang daan na nais ni Jesus na ating tahakin. 'Wag nating ayawan ang mga paghihirap na ibinibigay ng Diyos sa atin. Ito ay ang mga krus na dapat nating pasanin araw-araw kung nais nating makasama si Jesus. May kaluwalhatiang naghihintay tulad ng ipinaranas ni Jesus sa mga alagad ngunit hindi nito tinatanggal ang mga kahirapang dapat nating harapin. Magsakripisyo tayo sa matapat na pagtupad ng ating mga tungkulin ito man ay maliit o malaki. "Sacrum facere" ang pinagmulan ng salitang "sacrifice". Dalawang salitang Latin na ang ibig sabihin ay "to make holy" o gawing banal. Tandaan natin na sa tuwing tayo ay gumagawa ng sakripisyo ay nagiging banal tayo. Ibig sabihin ang paghihirap na dala ng ating pagtratrabaho, pag-aaral o simpleng pagtupad ng ating mga gawaing bahay ay maaring magpabanal o magpabuti sa atin.
Ito rin ang daan na nais ni Jesus na ating tahakin. 'Wag nating ayawan ang mga paghihirap na ibinibigay ng Diyos sa atin. Ito ay ang mga krus na dapat nating pasanin araw-araw kung nais nating makasama si Jesus. May kaluwalhatiang naghihintay tulad ng ipinaranas ni Jesus sa mga alagad ngunit hindi nito tinatanggal ang mga kahirapang dapat nating harapin. Magsakripisyo tayo sa matapat na pagtupad ng ating mga tungkulin ito man ay maliit o malaki. "Sacrum facere" ang pinagmulan ng salitang "sacrifice". Dalawang salitang Latin na ang ibig sabihin ay "to make holy" o gawing banal. Tandaan natin na sa tuwing tayo ay gumagawa ng sakripisyo ay nagiging banal tayo. Ibig sabihin ang paghihirap na dala ng ating pagtratrabaho, pag-aaral o simpleng pagtupad ng ating mga gawaing bahay ay maaring magpabanal o magpabuti sa atin.
Ang pagbibigay din ay nangangahulugan ng paggawa ng sakripisyo. Bakit? Sapagkat sa tuwing tayo ay nagbabahagi ng kung anung mayroon tayo ay may nawawala sa atin. Kaya nga ang kawang-gawa sa panahon ng Kuwaresma ay isang uri ng pagbabanal para sa atin. Kasama ng malalim na panalangin at pag-aayuno o abstinensiya, ang kawangga ay maaring maging daan natin sa kabanalan. Kaya nga may dapat patunguhan ang ating mga sakripisyo at iyon ay walang iba kundi ang pagtulong o pagkakawang-gawa sa ating kapwa. Tangkilikin natin ang "Alay-Kapwa" na ating isinasabuhay tuwing panahon ng Kuwaresma ng sa gayon ay magiging mas makatotohanan ang pagdarasal at pagsasakripisyo na ating gagawin.
Sa araw na ito ay pinagsuot tayo ng kasuotang kulay puti. Bahagi ito ng katekesis na nais ibigay sa atin ng Simbahan para sa ika-limangdaang anibersaryo ng ating pananampalatayang Kristiyano dito sa Pilipinas. Nais bigyang diin nito ang "kaluwalhatian" at "karangalang" ating tinanggap noong tayo ay bininyagan. Kung paanong si Jesus ay nagbagong anyo at "nagningning ang kanyang kasuutan
na naging puting-puti" ay gayun din ang nangyari noong tayo ay bininyagan. Tinaggap natin ang dakilang karangalan bilang mga anak ng Diyos na siyang sinasagisag ng puting damit na isinuot natin. At ang hamon sa atin ay panatilihin nating malinis at walang bahid dungis ang karangalang ito.
Ang sabi ni San Pablo: "If we died with Christ, we believe that we shall also rise with him!" Ang "Daan ng Krus" ay ang ID na dapat ay suot-suot natin kung nais nating makapasok sa pintuan ng langit kasama ng "puting kasuotan" o karangalan ng isang pagiging anak ng Diyos. Ngayon maiintindihan na natin kung bakit ko sinabing NO PAIN, NO GAIN. NO GUTS, NO GLORY. NO ID, NO ENTRY!
Sabado, Pebrero 20, 2021
PAGTATAGUMPAY SA TUKSO: Reflection for 1st Sunday of Lent Year B - February 21, 2021 - YEAR OF MISSIO AD GENTES
Sinimulan natin noong nakaraang Miyerkules ng Abo ang ating apatnapung araw na paglalakbay sa panahon ng Kuwaresma o ang ating Lenten Journey. Ano ba ang Kuwaresma? Ang Kuwaresma ay ang apatnapung araw na paghahanda natin para sa pagdiriwang ng Misteryo Paskuwa ni Jesus: ang kanyang paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay. Ngunit hindi lang ito mga araw ng paghahanda. Ito rin ay mga araw ng pagdidisiplina sa ating sarili sapagkat "malakas ang ating kalaban". Sa katanuyan ang Kuwaresma ay maaring tawaging "taunang pagsasanay sa pagiging mabuting kristiyano." Pansinin na sa Panahon ng Kuwaresma tayo ay hinihikayat na magdasal, mag-ayuno at magkawangga. Sinasanay natin ang ating mga sarili sa tatlong gawaing ito upang mailayo natin ang ating sarili sa kasalanan at nang sa gayon ay mapalapit naman tayo sa Diyos. Hindi ba't ito ang ibig sabihin ng pagiging mabuting Kristiyano? Pagtatakwil sa kasalanan at pagsampalataya sa Diyos na siyang ipinangako natin sa binyag. Ano bang malakas na kalaban ang ating pinaghahandaan? Walang iba kundi ang TUKSO ng demonyo na mahirap tanggihan o labanan kapag ito ay nasa atin ng harapan.
May kuwento na minsan ay may isang lalaki na nagdiwang ng kanyang kaarawan. Laking gulat niya na pagkagising niya sa umaga ay walang bumati sa kanya. Walang pagbati mula sa kanyang asawa at mga anak. Parang isang ordinaryong umaga lang ang nangyari... abala ang nanay sa paghahanda ng agahan at nagmamadali ang mga anak sa pagpasok sa eskwela. Maging sa pagpasok niya sa opisina ay tila walang nakaalala ng kanyang kaarawan. Mula sa security guard hanggang sa kanyang mga kaibigan ay walang bumati sa kanya. Kaya't gayun na lamang ang kanyang pagkalungkot. Mabuti na lang at bago matapos ang araw ay nilapitan siya ng kanyang maganda at batang-batang sekretarya at mapanghalinang bumati ng "Happy birthday sir...!" At sinundan pa ng panunuksong "Sir, mamya magcelebrate tayo ng birthday sa apartment ko!" Medyo kinabahan siya ngunit dahil sa sobrang lungkot ay pumayag din s'ya. Pagdating sa apartment ay laking gulat niya sapagkat parang nakahanda na ang lahat. Malamig ang aircon, nakadimlights ang kuwarto, may red wine sa tabi ng sofa. "Sir maghintay ka lang ng kaunti ha? Magpapalit lang ako ng mas kumportableng danit." Lalong kinabhan ang lalaki. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Paglipas ng nga labinlimang minuto biglang bumukas ang mga ilaw at lumiwanag ang paligid. Sabay labas ng mga taong nagtatago at sumigaw ng "HAPPY BIRTHDAY!!!" Naroon pala ang kanyang asawa, mga anak, mga katrabaho at kaibigan. Laking gulat nila ng makita ang lalaki na wala ng suot na pantalon at damit! hehehe...
Ang tao talaga, madaling bumigay sa tukso! Likas sa tukso ang lumapit. Lalapit at lalapit ito sa atin hanggang mahalina niya tayo sa paggawa ng kasalanan. Kaya nga't mali ang sinasabi ng kantang "O tukso layuan mo ako!" sapagkat kailanman ay hindi lumalayo ang tukso sa atin. Sa halip tayo ang dapat na lumayo dito! Tama nga ang kasabihang "Kung ayaw mong SUNDAN ng TUKSO, wag kang UMARTE na parang INTERISADO!"
Si Hesus nga na anak na ng Diyos ay nilapitan din ng tukso. Ang malaking pagkakaiba lang ni Hesus sa atin ay alam niya kung paano labanan at pagtagumpayan ang tukso. Dalawang paraan ang ginamit ni Hesus na maari din nating gamitin lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma para mapagtagumpayan ang tukso: ang PANALANGIN at PAG-AAYUNO. Nanatili si Hesus sa ilang upang paghandaan ang nalalapit niyang misyon: Ang pagpapahayag ng Mabuting Balita! Apatnapung araw at gabi ang ginugol niya sa panalangin at pag-aayuno. Ang panunukso ng diablo ay nangyari nung panahong lubhang napakahina na ng katawan ni Hesus. Ngunit sa kahinaan ng kanyang katawan ay naroon naman ang kalakasan ng kanyang espiritu na pinatatag ng panalangin at pag-aayuno.
Tayo rin ay pinagsasamantalahan ng diyablo sa mga oras na tayo ay mahina. Ang tanging makapagpapalakas sa atin ay panalangin at pag-aayuno o paggawa ng sakripisyo tulad ng ginawa ni Jesus. Sa apatnapung araw na ito ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ay palalimin natin ang ating buhay panalangin at sanayin natin ang ating sarili sa paggawa ng mga sakripisyo. Tapatin natin ang ating mga sarili at tanungin: "Ilang oras ba ang ginugugol ko sa pagdarasal sa isang araw?" Magugulat tayo na kakaunti kung ikukumpara natin sa ibang gawain ang ginugugol natin sa pagdarasal. At lalo na siguro ang paggawa ng sakrispisyo dahil hindi natural sa ating pagkatao ang hanapin ang kahirapan at yakapin ito. Mas nais natin ang buhay na masaya, magaang at maaliwalas! Tingnan natin dalawang gawaing ito:
Una ay ang pagdarasal. Ito ay ang paglalaan natin ng oras para sa Diyos. Sa pagdarasal ay binibigyan natin ang Diyos ng puwang sa ating maabalang pamumuhay. Ano ang parating dahilan natin paghindi tayo nakapagsimba? "Nawalan po ako ng oras sa dami ng aking ginagawa!" Ngunit kung iisipin ay hindi naman dapat tayo nawawalan ng oras para sa pagdarasal sapagkat hindi naman nababawasan ang ating ginagawa magsimba man tayo o hindi. Ang problema marahil ay ang ating "priorities" o pinahahalagahan sa buhay. Kung talagang mahalaga sa 'yo ang panalangin ay maglalaan ka ng oras para dito. Ang panalangin ay hindi lamang pakikipag-usap sa Diyos. Ito rin ay pakikinig sa Kanya. Madalas kapay ag nagdarasal tayo ay tayo parati ang nagsasalita. Bakit hindi naman nating subukang ang Diyos ang magsasalita sa atin? Magandang ugaliin na sa maraming kaabalahan natin sa buhay ay binibigyan natin Siya ng puwang para mangusap sa atin.
Pangalawa ay pag-aayuno na isang paraan ng pagsasakripisyo. Pag-ibayuhin natin ang paggawa ng sakripisyo upang madisiplina ang katawan. Hindi kinakailangang malaki: simpleng pagbawas sa mga bagay na nakapagbibigay sa atin ng kasarapan sa buhay tulad ng pagkain, libangan, hilig o bisyo. Kapag gumagawa tayo ng pag-aayuno o abstinensiya ay tinatanggihan natin ang kasarapan ng katawan at dahil d'yan ay napapalakas ang ating kaluluwa. Ngunit hin lang nito napapalakas ang ating kaluluwa, nagiging banal din tayo kapag tayo ay gumagawa ng sakripisyo. Sa katunayan ay ito ang kahulugan ng pinanggalingan ng salitang sacrifice sa latin: "sacrum facere" na sa ingles ay "to make holy". Ang paggawa ng sakripisyo ay nahahatid sa atin sa kabanalan!
Magandang ang ating paggawa ng sakripisyo ay may pinatutunguhan. Tuwing Panahon ng Kuwaresma ay hinihikayat tayong magkawanggawa. Ang Simbahan ay may taunang proyekto na ang tawag ay ALAY-KAPWA. Bakit hindi natin ipunin, kung mayroon man, ang salaping matitipid natin sa ating pag-aabstinensiya? Sa bawat Linggo ay may "second collection" na gagawin at magandang dito natin ialay ang mga malilikom natin. Mas magiging makahulugan ang ating pagbibigay kung ito ay mangagaling sa ating paghihirapan ngayong panahon ng Kuwaresma.
'Wag na nating hintayin pang kumatok ang tukso sa pintuan ng ating puso, patuluyin at pagkapehin! Huwag natin siyang bigyan ng pagkakataon na aliwin tayo. Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo, panalangin at pagkakawang-gawa ay mapagtatagumpayan natin ang anumang pang-aakit ng diyablo! Tandaan natin na ito ay ginagawa natin sa diwa ng pag-ibig. PRAY is love for God. FAST is love for yourself. GIVE is love for others.
'Wag na nating hintayin pang kumatok ang tukso sa pintuan ng ating puso, patuluyin at pagkapehin! Huwag natin siyang bigyan ng pagkakataon na aliwin tayo. Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo, panalangin at pagkakawang-gawa ay mapagtatagumpayan natin ang anumang pang-aakit ng diyablo! Tandaan natin na ito ay ginagawa natin sa diwa ng pag-ibig. PRAY is love for God. FAST is love for yourself. GIVE is love for others.
Martes, Pebrero 16, 2021
HUWAG PAKITANG TAO: Reflection for Ash Wednesday Year B - February 17, 2021 - YEAR OF MISSIO AD GENTES
Ngunit dahil ngayon ay pinapairal pa rin ang "no touch policy" may pagbabago tayong gagawin sa pagtanggap ng abo. Hindi na ito itatak sa ating mga noo bagkus ito ay ibubudbod sa ating bumbunan ayon sa nakaugalian ng mga tao sa Lumang Tipan at bilang pag-iingat na rin upang hindi lumaganap ang COVID19 na hanggang ngayon ay pinangangambahan pa rin ng marami lalo na't may mga bagong variant na lumabas. Subalit tandaan natin na hindi mahalaga sa Diyos kung saan o paano ilalagay sa iyo ang abo. Higit na mahahalaga sa Diyos ang estado o kalagayan ng puso mo. Kung may krus ka ng abo sa iyong noo o sa ibabaw ng iyong ulo, hindi ibig sabihin na sikat ka, o kaya naman ay "pabanal effect" lang ito, o ubod ka na ng linis! Tandaan mo na ang abo sa iyong ulo ay nagsasabing makasalanan ka kaya humihingi ka ng tawad sa Diyos at ang krus ni Kristo lamang ang nagmamay-ari sa iyo at magliligtas sa iyo!
Ang Miyerkules ng Abo ang nagpapasimula sa ating apatnapung araw na paglalakbay sa Panahon ng Kuwaresma na kung saan ay makikiisa tayo sa paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Panahon na naman na kung saan ay hihikayatin tayong palalimin ang ating buhay panalangin. Panahon na naman na kung saan ay makakaramdam tayo ng gutom sa paggawa ng ayuno at abstinentia. Panahon na naman upang makapagbigay tayo ng tulong sa ating kapwa lalo na ang higit na nangangailangan. Ngunit pinaaalalahanan tayo na gawin natin ang mga ito sa tamang diwa at iwasan natin ang pagiging mapagpaimbabaw.
Nakagawian na ni "Pepeng Mandurukot" ang dumaan sa Simbahan ng Quiapo at magdasal sa kanyang paboritong patrong Poong Nazareno pagkatapos ng maghapong pagtratrabaho. "Poong Nazareno, maraming salamat po at binigyan mo ako ng matalas na mata! Nakadukot ako ng cellphone sa katabi ko kanina sa bus na walang kahirap-hirap!" Bigla siyang may narinig na mahiwagang tinig: "Mapalad ka Pepe... mapalad ka!" Nagulat siya sa sagot na kanyang tinanggap. Hindi niya ito gaanong binigyang pansin. Kinabukasan pagkatapos ng kanyang "trabaho" ay muli siyang dumaan sa simbahan. "Poong Nazareno, maraming salamat po at binigyan mo ako ng mabilis na kamay at paa. Hindi ako inabutan ng pulis na humahabol sa akin!" Muling lumabas ang mahiwagang tinig na ang wika: "Mapalad ka Pepe... mapalad ka!" Nagulumihanan si Pepe at sa puntong ito ay di na napigilang magtanong. "Panginoon, ikaw ba yan? Anung ibig sabihin mong mapalad ako?" At sumagot ang tinig: "Mapalad ka Pepe at mabigat itong krus na pasan-pasan ko. Kung hindi ay ibinalibag ko na ito sa iyo!" hehehe...
Ang Miyerkules ng Abo ang nagpapasimula sa ating apatnapung araw na paglalakbay sa Panahon ng Kuwaresma na kung saan ay makikiisa tayo sa paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Panahon na naman na kung saan ay hihikayatin tayong palalimin ang ating buhay panalangin. Panahon na naman na kung saan ay makakaramdam tayo ng gutom sa paggawa ng ayuno at abstinentia. Panahon na naman upang makapagbigay tayo ng tulong sa ating kapwa lalo na ang higit na nangangailangan. Ngunit pinaaalalahanan tayo na gawin natin ang mga ito sa tamang diwa at iwasan natin ang pagiging mapagpaimbabaw.
Nakagawian na ni "Pepeng Mandurukot" ang dumaan sa Simbahan ng Quiapo at magdasal sa kanyang paboritong patrong Poong Nazareno pagkatapos ng maghapong pagtratrabaho. "Poong Nazareno, maraming salamat po at binigyan mo ako ng matalas na mata! Nakadukot ako ng cellphone sa katabi ko kanina sa bus na walang kahirap-hirap!" Bigla siyang may narinig na mahiwagang tinig: "Mapalad ka Pepe... mapalad ka!" Nagulat siya sa sagot na kanyang tinanggap. Hindi niya ito gaanong binigyang pansin. Kinabukasan pagkatapos ng kanyang "trabaho" ay muli siyang dumaan sa simbahan. "Poong Nazareno, maraming salamat po at binigyan mo ako ng mabilis na kamay at paa. Hindi ako inabutan ng pulis na humahabol sa akin!" Muling lumabas ang mahiwagang tinig na ang wika: "Mapalad ka Pepe... mapalad ka!" Nagulumihanan si Pepe at sa puntong ito ay di na napigilang magtanong. "Panginoon, ikaw ba yan? Anung ibig sabihin mong mapalad ako?" At sumagot ang tinig: "Mapalad ka Pepe at mabigat itong krus na pasan-pasan ko. Kung hindi ay ibinalibag ko na ito sa iyo!" hehehe...
Marahil ay kuwento lamang ito ngunit may inihahatid sa ating mahalagang aral: Ang tunay na relihiyon ay wala sa panlabas na pagpapapakita ngunit nasa panloob na paniniwala at panlabas na pagsasabuhay nito. Sa ating Ebanghelyo ay tinukoy ni Jesus ang tatlong gawain ng mga Hudyo na kanilang metikulosong isinasagawa: ang pagsamba o pagdarasal, ang pagkakawanggawa, at ang pag-aayuno. Sinabi ni Jesus na gawin nila ito ng sikreto at hindi upang makita ng iba upang malubos nila ang gantimpala mula sa Diyos. "Ang iyong Amang
hindi mo nakikita ang siya lamang
nakaaalam nito. Siya, na nakakikita
ng kabutihang ginagawa mo ng lihim,
ang gaganti sa iyo."
Pinag-iingat tayo ni Jesus sapagkat baka matulad din tayo sa kanila at maging mga tila "modernong pariseo" na mas binibigyan ng halaga ang panlabas na pagpapakita ng pananampalataya. Marami sa ang tila nagiging mga "banal na aso" at "santong kabayo sa ating buhay Kristiyano. Ang panahon ng Kuwaresma ay hindi lang pakikiisa sa paghihirap ni Kristo. Ito rin ay mga araw ng pagdidisiplina sa ating katawan upang mas mangibabaw ang kagandahan ng atin kaluluwa.
May kuwento ng isang dalagita na nagsabi sa isang pari : "Father, di ko na kailangang magfasting ngayong Lent! Matagal ko po'ng ginagawa yan... nagdidieting naman po ako!" "Ineng," ang sabi ng pari, "ang dieting na gingagaw mo ay para maging kahali-halina ang figure ng iyong katawan, ang fasting ay para maging kaaya-aya ang kaluluwa mo." Ito dapat ang iniisip natin tuwing papasok ang kuwaresma: "Paano ko ba magagawang kahali-halina ang aking kaluluwa? Paano ko ba mapapabanal ang aking sarili?" Madami na tayong pagdisiplinang ginagawa sa ating katawan. Kung tutuusin ay labis na ang ating pag-aalaga dito. Pansinin mo na lang ang mga produktong lumalabas sa mga advertisements sa television: may non-fat milk, may sugar free na cofee, may mga diet softdrinks, at marami pang iba. Halos lahat ay para sa mapanatili ang magandang pangangatawan. Kailan pa natin pagtutuunan ng pansin ang ating kaluluwa?
Ang panahon ng Kuwaresma ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang mapahalagahan ang ating kaluluwa. Sa pamamagitan ng pag-aayuno ay madidisiplina natin ang ating kaluluwa. Sa pamamagitan ng panalangin ay mapapalalim natin ang ating kaugnayan sa Diyos. At sa pamamagitan ng pagkakawang-gawa ay tinatalo natin ang ating pagkamakasarili! Ngunit pansinin na balewala ang lahat ng ito, kahit na ang mismong paglalagay ng abo sa ulo, kung di naman bukal sa ating sarili ang pagnanais na magbago. Muli ay pansinin natin ang mensahe ng ebandhelyo ngayon: Balewala ang paggawa ng mabuti, pagdarasal at pag-aayuno kung pakitang-tao lamang!
Isapuso natin ang tunay na pagbabago! Ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa kaibuturan ng puso ng tao at hindi sa panlabas na pagpapakita nito. Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ng pari kapag nagpalagay ka ng abo... "Magsisi ka sa iyong mga kasalanan at sumampalataya sa Ebanghelyo!" Iyan ang tunay na pagbabago at iyan ang dapat na isasaloob natin sa apatnapung araw ng Kuwaresma.
Ang panahon ng Kuwaresma ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang mapahalagahan ang ating kaluluwa. Sa pamamagitan ng pag-aayuno ay madidisiplina natin ang ating kaluluwa. Sa pamamagitan ng panalangin ay mapapalalim natin ang ating kaugnayan sa Diyos. At sa pamamagitan ng pagkakawang-gawa ay tinatalo natin ang ating pagkamakasarili! Ngunit pansinin na balewala ang lahat ng ito, kahit na ang mismong paglalagay ng abo sa ulo, kung di naman bukal sa ating sarili ang pagnanais na magbago. Muli ay pansinin natin ang mensahe ng ebandhelyo ngayon: Balewala ang paggawa ng mabuti, pagdarasal at pag-aayuno kung pakitang-tao lamang!
Isapuso natin ang tunay na pagbabago! Ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa kaibuturan ng puso ng tao at hindi sa panlabas na pagpapakita nito. Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ng pari kapag nagpalagay ka ng abo... "Magsisi ka sa iyong mga kasalanan at sumampalataya sa Ebanghelyo!" Iyan ang tunay na pagbabago at iyan ang dapat na isasaloob natin sa apatnapung araw ng Kuwaresma.
Sabado, Pebrero 13, 2021
LOVING THE UNLOVABLE: Reflection for 6th Sunday in Ordinary Time Year B - February 14, 2021 - YEAR OF MISSIO ADGENTES
Happy Valentines Day sa inyong lahat! Ngayon ang Araw ng mga Puso, araw na kung saan ay pinapaalalahanan tayo na dapat tayong magpakita ng pagmamahal sa ating kapwa. Sa pagpapakita ng pagmamahal ay gumagamit tayo ng mga simbolo. May naibigay ka na bang regalo sa minamahal mo? Kung wala pa ay makatutulong ang simpleng tips na ito para naman maging makahulugan ang iyong pagpapakita ng pagmamahal.
Para sa mga "lovers", maganda daw na magbigay ng "Green Roses". Sinasabi nila na ito ay sumisimbolo sa pagmamahal na walang hanggan. Para naman sa "crush" mo, ok ng magbigay ka ng "white chocolates", na sumisimbolo naman sa malinis na pagnanais mo sa kanya. Para naman sa mga "magkaibigan lang" ay puwede na ang "pink baloons" na sumisimbolo naman sa kasiyahan na naibibigay ng presensiya mo sa kanya. At sa huli, para sa mga "pusong sawi" na nadurog ng pagkabigo ay bigyan mo siya ng RED... bigyan mo siya ng RED HORSE, "extra-strong" ha? Para mas maging matatag ang kanyang pagtanggap sa kabiguan! hehehe... Ano pa man ang intensiyon mo sa pagbibigay ay samahan mo ito ng pagmamahal na walang itinatangi at pinipili. Sapagkat ang tunay na pagmamahal ay hindi lang para sa mga taong kaibig-ibig ngunit maging sa ma taong UNLOVABLE.
Kaya nga't para sa isang Kristiyano, ang simbolo ng pag-ibig ay hindi ang puso kundi ang krus. Bakit? Sapagkat ang puso ay TUMITIGL SA PAGTIBOK, samantalang ang nakapako sa krus PATULOY SA PAGMAMAHAL. Ang pagmamahal na ito ay walang pinipili o itinatangi... UNCONDITIONAL LOVE. Ang nakapako sa krus ay patuloy sa pagmamahal lalong-lalo na sa mga taong hindi kaibig-ibig. Sa ating mga pagbasa ngayon ay may mga taong matatawag na "unlovable" sapagkat sila ay iniiwasan, hinihiwalay at pinandidirihan. Sila ang mga "ketongin". Sa Unang pagbasa ay ipinakita ng Aklat ng Levitiko ang kaawa-awang kalagayan ng isang taong may sakit na ketong. "Ang may ketong ay dapat magsuot ng sirang damit, hindi magsusuklay, tatakpan ang kanyang
nguso at laging sisigaw ng 'Marumi!
Marumi!' Hanggang may sugat, siya'y
ituturing na marumi at sa labas
ng kampamento mamamahay na
mag-isa." Ito ay sapagkat ang sakit na ketong ay itinututing na walang lunas at nakakahawa ng panahong iyon. Bagamat ngayon ay may lunas na ang sakit na ketong, gayunpaman ay kinatatakutan pa rin ito ng ilan.
Noong kapanauhan ni Jesus ang ketong ay iniuugnay sa kasalanan. Kaya nga't ang isang may ketong na gumaling sa kanyang sakit ay dapat magpasuri sa mga saserdote. Paano hinarap ni Jesus ang "unlovable" na ito? Sa halip na umiwas ay hinayaan niyang magpahayag ang ketongin ng kanyang saloobin, "Kung ibig po ninyo, mapapagaling n'yo ako!" At dahil sa kanyang pagnanais na gumaling ay ipinagkaloob ni Jesus ang kanayang kahilingan, "Ibig ko, gumaling ka!"
Sa ating kasalukuyang panahon, bilang mga tagasunod ni Jesus, ay tinatawagan din tayong magkaroon ng bukas-pusong pagtanggap sa taong "unlovable." Marahil wala tayong biyaya ng pagpapagaling ngunit tandaan natin na hindi lang naman "physical healing" ang maari nating ibigay. Higit sa "physical healing" ay may tinatawag tayong "spiritual healing" na kung minsan pa nga ay nagsisilbing daan ito upang makamit ng isang maysakit ang ganap na kagalingan. Ang sakit na "ketong" sa ating Ebanghelyo ay sumisimbolo hindi lamang sa pisikal na karamdaman. Ito rin ay tumutukoy sa katayuan ng mga taong hinihiwalay, iniiwasan, pinandidirihan. Ang Simbahan ay dapat magbukas ng pintuan para sila ay tanggapin. Ito ang nais ni Papa Francisco na gawin natin: tangkilikin ang mga kapatid nating nahihiwalay dahil sa ating pagtataboy at malamig na pakikitungo sa kanila. Hindi sapat ang magpakita ng pagmamahal, dapat ay maging kaibig-ibig tayo sa kanila. "To let ourselves be loved!" Hindi ito madali sapagkat nangangahuugan ito na dapat nating labanan ang isang bagay na laging nagsisilbing sagabal upang maging "lovable" tayong mga tao... at iyan ay ang ating sarili. Pansinin ninyo na sa salitang "pride", ang nasa gitna ay ang letrang "I", pareho din sa salitang "sin." At ano ang "I" na ito? Walang iba kundi ang ating sarili, ang ating mapagmataas at mayabang na sarili.
Mahirap unahin ang iba kapag ang sarili natin ang umiiral. Mahirap maging "lovable" sa iba kapag ang pagiging makasarili natin ang naghahari. Mas masahol pa ito sa sakit na ketong sapagkat hinihiwalay nito ang ating sarili sa ating kapwa at sa Diyos. "Let go and let God!" Ito ang susi sa isang buhay na masaya. I-let go natin ang ating pagiging makasarili at hayaan natin ang Diyos na gumalaw sa atin. Sa ganitong paraan mas madali nating mabubuksan ang ating puso at mapakikitaan ng pagmamahal ang mga UNLOVABLE.
Sabado, Pebrero 6, 2021
IPAGPASALORD MO: Reflection for 5th Sunday in Ordinary Time Year B - February 7, 2021 - YEAR OF MISSIO AD GENTES (Misyon ng Sambayanan)
"Life is difficult!" Ito ang panimulang pangungusap ng isang manunulat na si Scottpeck sa Best Seller n'yang libro na pinamagatang "The Road Less Treavelled." Totoo nga namang mahirap ang buhay! Naalala ko yung aming religion teacher noong ako sa 1st Year High School na laging itinuturo sa amin na ang buhay daw ay "hirap... hirap... hirap... ginhawa!" Ito rin ang pinaalala sa atin sa unang pagbasa sa Aklat ni Job: "Ang buhay ng tao'y sagana sa
hirap, batbat ng tiisin at lungkot na
dinaranas." Lalo ngayong panahon ng pandemia ay sigurado akong hindi ninuman maitatanggi ang katotohananng ito. Maraming problema, pagsubok, pasanin... tayong kinakaharap sa buhay!
Nabibigatan ka na ba sa mga suliranain at problemang hinaharap mo ngayon? Paano mo ba hinaharap ang maraming paghihirap na dumarating sa iyo araw-araw bilang isang Kristiyano? Bakit di mo subukang magPASALORD? Hindi natin marahil namalayan ngunit noong nakaraang February 4, ika-12 ng tanghali ay sabay-sabay na dinasal sa buong bansa ang PASALORD PRAYER. Sinimulan ito noong July 7, 2017 ng grupong Pasalord Movement bilang tugon sa maraming kahirapang kinakaharap ngayon ng ating bansa. Maganda ang nais ipahiwatig ng salitang "PASALORD". Sinasabi nito na may mga bagay na hindi natin kayang gawin, may mga prolemang hindi natin kayang lutasin at may mga pasaning di natin kayang buhatin na tanging Diyos lang ang makabubuhat. Kaya nga't kung sa palagay mo ay hindi mo na kayang pasanin ang mga problemang dala-dala mo... ipagPASADiyos mo! Bakit dapat natin ipagPASAlord ang ating mga tiisin at hirap sa buhay? Sapagkat ramdam n'ya tayo. Alam niya ang ating abang kalagayan! Kung minsan ay pinagdududahan natin ang kanyang maka-amang pag-aaruga sa atin. "Lord, mahal mo ba ako?"
Isang ngo-ngo ang despiradong nagdasal sa loob ng Simbahan. Lagi na lang siyang niloloko ng kanyang mga kasama dahil sa kanyang kapansanan kaya madalas siyang nadadala ng depression. Sa sobra niyang pagkalungkot ay buong tapang niyang tinanong ang Diyos kung talagang mahal pa siya nito. Nakita niya ang isang malaking krusipiho sa bandang sacristy at buong lakas niyang sinabi: "Mainoon, maal mo ma ao? (Panginoon, mahal mo ba ako?) Mait ao niloloo ng mga ao? Mait mo ako inawang ngo-ngo? Anung aalanan o? Tahimik ang paligid. Walang sumagot. Kaya't muli niyang isinigaw: "Mainoon maal mo ma ao? Umaot ka kun undi, magpapaamatay ao!" May nakarinig pala sa kanya, ang sakristan na isang ngo-ngo rin na nakasimpatya sa kanyang abang kalagayan kaya't sumagot siyang patago: "Ngo-ngo... maal na maal ita. Iniiip nilay indi maalaa. Maal ita maing ino a man..." Sagot si ngo-ngo: "Mainoon... ngo-ngo a rin?"
Sa Ebanghelyo ay ating narinig na si Jesus ay anging takbuhan ng mga taong nakararanas ng paghihirap dala ng kanilang karamdaman. Naging
takbuhan siya ng mga taong maysakit at inaalihan ng demonyo. Binigyan niya
ng lunas ang kanilang mga hilahil. Subalit siya rin naman ay nabagabag sa
mga hirap na dinaranas ng mga tao. Kaya nga madaling araw pa lamang
ay tumutungo na siya sa isang ilang na pook upang dalhin sa kanyang Ama
ang mga pinapasang hirap ng mga tao. "Madaling-araw pa'y bumangon
na si Hesus at nagtungo sa isang
ilang na pook at nanalangin." Kailan ko ba ipinasa sa Diyos, sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal, ang aking mga hinanaing sa buhay? Itong bang hirap na dala ng pandemiya ay tinuruan akong lumapit sa Panginoon at magtiwala sa kanya? Nakapanlulumong isipin na may ilan sa atin na hindi na nagdarasal, hindi na nagsisimba, hindi na marunong tumawag sa Diyos! Marami sa ating mga Katoliko ang napaniwalang ang pagsisimba ay "non-essential" sa ating buhay.
Kaya maganda sigurong ibalik nating ang ating sigasig sa ating pananampalataya. Kahapon ay nagkaroon ng simpleng sermonya ng pagbubukas ng ika-500 taong anibersaryo ng ating pagiging Kristiyanong bansa. Natutugma ito sa krisis ng pananampalataya na ating kinakaharap ngayon. Simbolikong tinanggap ng mga dumalo ang "Mission Cross" na ipapamahagi din namin sa inyo bilang paalaala na tayong lahat ay mga misyonero na may pananagutan sa ating pagpapalaganap at pagpapalalim ng ating pananampalataya!
Matuto tayong magPASALORD ng ating mga pasanin sa buhay. Magtiwala tayo sa Diyos na hindi niya tayo pababayaan at patuloy siyang mag-aaruga sa atin. Gawin natin ang lahat ng may pagmamahal at ang ating mga pasanin ay magiging magaang. Binayayaan tayo ng Diyos ng kanyang pag-ibig upang maiparamdam din natin sa iba. "We are gifted to give not only our faith but also our love!" Mas nababawasan ang hirap ng buhay kapag marunong tayong magmahal.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)









