Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Sabado, Agosto 29, 2015
PABEBE EVERYWHERE!: Reflection for 22nd Sunday in Ordinary Time Year B - August 30, 2015 - YEAR OF THE POOR
Talagang laganap na ang pabebe mode ngayon! PABEBE EVERYWHERE! Mapabata o matanda, lalaki o babae, may kaya man o wala, ay maaring mag pabebe mode! Kahit nga relihiyon ay pinasukan na rin nito. Ano ang sinasabi ng mga grupong nagrarally sa Edsa: "Wag kayong mangengelam sa 'min! Wag n'yong panghimasukan ang relihiyon namin! Itigil n'yo na ang pag-iimbistiga sa aming simbahan!" O di ba pabebe lang ang peg ng mga taong yon? Isama pa natin ang mga trapong pulitikong nagsasamantala sa sitwasyon at nagpapabebe rin sa kanilang pagsimpatya kahit alam nilang hindi tama ang nangyayari. Kaawa-awa naman ang "relihiyon." Ginagamit ng mga "taong pabebe" upang isulong ang kanilang baluktot na paniniwala! Linawin nga natin ang ibig sabihin ng salitang relihiyon. Ang relihiyon ay mas malawak pa sa ating nakasanayang pag-intindi na ito ay ang ating simbahang kinabibilangan. Kung titingnan natin sa ethymological meaning nito, ang relihiyon ay tumutukoy sa "pagtataling muli" ng naputol na relasyon ng Diyos at tao. (re= uli + ligare= to tie). Kaya nga masasabi rin natin na ito ay ang ating personal na pakikipag-ugayan sa Diyos. Kung ating pagbabasehan ang ating mga pagbasa ngayon ang relihiyon ay hindi lang pagsisimb o pagdarasal. Ang tunay na relihiyon ay wala sa panlabas na pagpapapakita ngunit nasa panloob na paniniwala at pagsasabuhay nito. Ano ang sabi ni Hesus tungkol sa mga Pariseo? “Tama ang hula ni Isaias tungkol sa inyo. Mapagpaimbabaw nga kayo, gaya ng kanyang isinulat: ‘Paggalang na handog sa ‘kin ng bayan ko’y paimbabaw lamang, sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal." Paano ko ba ipinapakita ang pagiging Kristiyano? Baka naman natatali lang ako sa mga ritwal na panlabas na pagsamba at nakakalimutan ko ang higit na mahalaga? Mahalaga ang pagrorosaryo, pagsama sa prusisyon, pagdedebosyon sa mga santo, pagsisimba tuwing Linggo. Ngunit dapat nating tandaan na hindi lamang ito ang ibig sabihin ng relihiyon. May mas mahalagang hinihingi si Hesus sa atin. Ang sabi nga ng isang sikat na mangangaral na obispo: "Kung paanong ang pumapasok ng talyer ay hindi nagiging kotse... ganun din ang pumapasok ng simbahan ay hindi agad matatawag na Kristiyano." Hindi sapagkat nagsimba ka ay Kristiyano ka na! Hindi garantiya ang litanya ng mga debosyon, ang paulit na ulit na pagsambit ng panalangin, ang araw-araw na pagtitirik ng mga kandila kung ang lumalabas naman sa ating bibig ay paglapastangan sa kapwa, masasamang salita, paninira, paghuhusga sa kamalian ng iba. Hindi mali ang mga gawaing ito ngunit 'wag nating akaling sapat na ito upang tayo ay maging mga banal na kristiyano. Tandaan natin ang kabanalan ay hindi lamang personal na pagpapakabuti, ang tunay na kabanalan ay dapat ibinabahagi. Sikapin nating magpakatotoo sa ating pagiging Kristiyano! Unawain natin at sundin ng matapat ang mga utos ng Diyos, pakikinig na may pagkilos ang tunay na pagpapakita na tayo ay sumusunod sa Kanya. Ang sabi nga ni apostol Santiago: "Kung ito’y pinakikinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili." Kaya wag tayong maging mga Kristiyanong pabebe! Huwag maging mapag-imbabaw sa ating pananampalataya. Walang pabebe sa mga taong pinaghaharian ng Diyos. Walang lugar ang mga pabebe sa kaharian ng langit!
Linggo, Agosto 23, 2015
BABALA (hindi ASAWA ni BABALU) : Reflection for 21st Sunday in Ordinary Time Year B - August 21, 2015 - YEAR OF THE POOR
Sabado, Agosto 15, 2015
EAT AND LIVE : Reflection for 20th Sunday in Ordinary Time Year B - August 16, 2015 - 200th BIRTHDAY OF DON BOSCO
Ika-16 ng Agosto, taong 1815, eksaktong dalawandaang taon ng nakaraan ay isinilang si San Juan Bosco, ang itinuturing na "ama at guro ng mga kabataan." Para sa ating mga nasasakupan ng parokya ni San Juan Bosco at sa lahat ng mga lugar na pinamamahalaan ng mga pari at madreng Salesyano, ang araw na ito ay isang malaking pagdiriwang. Sino ba sa atin ang makakaabot pa sa susunod na isandaang taon? Marahil ay wala na sa atin ang buhay pa maliban kung mayroon sa atin ang tinatawag na immortal. Kaya nga karapat-dapat lang na ipagdiwang ang araw na ito bilang parangal at pasasalamat sa ating patron at sa "Patron ng mga Kabataan". At kapag sinabi nating pagdiriwang ay hindi mawawala sa atin ang kainan! Lalo na
tayong mga Pilipino, ang pagkain ay bahagi na ng ating kultura. Halos
lahat ng pagdiriwang natin ay may kainan: binyag, kasal, blessing ng
bahay, fiesta at di mabilang na mga okasyon malaki man o maliit. Kahit
nga ang huling lamay ng patay ay hindi rin pinapatawad, dapat may
bonggang kainan! Kung ito ay mahalaga para sa atin nararapat lamang na
ito ay ating bigyan ng kaukulang pansin. Alam mo bang kakaibang
nangyayari kapag ikaw ay kumakain? Ang pagkain ay isang "psychomotor activity"
kaya't marahil ay hindi natin lubos na pinag-iisipan kapag ating
ginagawa. Subo lang tayo ng subo. Lunok lang ng lunok. Kain lang ng
kain. Kaya tuloy, palaki tayo ng palaki, palapad ng palapad, pataba ng
pataba. May parang "magic" na nangyayari sa tuwing tayo'y kumakain. Nagiging kabahagi natin ang ating kinakain. Pinapasok natin sa ating katawan ang isang bagay na patay at binibigyan natin ito ng buhay! Kaya nga kung nais mong maging malusog ang iyong pangangatawan ay dapat na masusustanyang pagkain ang kainin mo sapagkat nagiging kabahagi ng ating katawan ang ating kinakain! Alam
marahil ni Hesus ang prinsipyong ito kaya't ginamit niya ang simpleng
halimbawa ng pagkain upang iparating ang kahalagahan ng pakikiisa sa
kanya. “Ako ang pagkaing
nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang
sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng
sanlibutan ay ang aking laman.”
Sa unang pagkarining ay parang kahibangan ang sinasabi ni Hesus. Sa
katunayan, marami ang hindi nakaintindi sa kanya. Maging sa panig ng
kanyang mga tagasunod ay may umalis at tumiwalag dahil sa bigat ng
kanyang mga pananalita. Para nga namang kanibalismo ang nais niyang
ituro sa kanila: "Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya."
Ngunit alam nating hindi ito ang kanyang pakahulugan. Mapalad tayo
sapagkat ngayon ay alam nating ang Sakramentto ng Eukaristiya ang
kanyang tinutukoy. Tunay na katawan at dugo ni Hesus ang tinatanggap
natin sa Eukaristiya at hindi lang simbolismo. Kaya nga't kung
naniniwala tayo sa prinsipyong "nagiging kabahagi natin ang ating
kinakain" ay dapat maunawaan natin ang ibig sabihin ng pananahan ni
Hesus sa atin bilang Kristiyano. Sa tuwing tinatanggap ko si Hesus sa
Banal na Komunyon, naniniwala ba akong nagiging kabahagi ko Siya? Ako
ba'y nagiging mas mapagkumbaba, mas mapagpatawad, mas maalalahanin, mas
matulungin sa aking kapwa? Marahil ay "marami pa tayong kakaining bigas"
sa pagiging tunay na Kristiyano. Ngunit ang lahat ay nagsisimula sa
unang subo. Maniwala tayo na ang ating tinatanggap sa Banal na Komunyon
ay ang TUNAY NA KATAWAN ni KRISTO! Tanggapin natin siya at magkakamit
tayo ng "buhay na walang hanggan!" Hindi ibig sabihing mabubuhay tayo
magpakailanman. Ang buhay na walang hanggan ay ang "Buhay-Diyos" na
ating tinatanggap kapag nanatili tayo kay Jesus. Isang buhay na masaya,
mapayapa, walang inaalala sa kabila ng maraming kaguluhan at alalahanin
sa buhay. Kaya nga sa pagtanggap natin sa katawan ni Jesus sa Banal na
Misa, hindi tayo "eat and die!" Sa halip "we EAT AND LIVE!" Kung mayroon mang naipamana si Don Bosco sa kanyang mga kabataan patungkol sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya, ito ay walang iba kundi ang malimit na pagtanggap sa Banal na Komunyon. Para kay San Juan Bosco ang malimit na pagtanggap ng Komunyon ay "pakpak" na makapaghahatid sa atin sa langit. Sa araw na ito ng kanyang ika-200 taon ng kanyang kapanganakan ay gawin nating regalo sa kanya ang malimit na pagtanggap ng komunyon at ipangako nating magiging karapat-dapat sa ating malimit na pagtanggap sa katawan ni Kristo.
Sabado, Agosto 8, 2015
FOOD-SELFIE : Reflection for 19th Sunday in Ordinary Time Year B - August 9, 2015 - YEAR OF THE POOR
Sa pagkauso ng "selfie" ay nauso ang maraming uri at kakaibang paggamit ng camera. Sa katunayan ay hindi na lang ang mga tao ang kinukunan ngayon ng picture. Isa sa kinahuhumalingan ngayon ay ang pagkuha ng litrato o pagpipicture ng pagkain bago simulan ang kainan. Ang tawag din dito ay "food selfie". Bakit nga ba kinakailangang kunan ng picture ang isang pagkain bago ito lantakan? Noong una ay hindi ko makuha ang "logic" kung bakit ito ginagawa bukod sa pagpapasikat o pagyayabang. Ngunit kinalaunan ay naintindihan kong isa itong paraan upang mapanatili ang ala-ala ng isang magandang karanasan na dala ng pagkaing pinagsaluhan. Ano nga ba ang kadahilanan kung bakit tayo kumakain? May kuwento ng isang
batang lumapit sa kanyang tatay na abalang-abala sa trabaho. "Tatay
laro tayo!" Sabi ng bata sa kanyang tatay na abala sa trabaho. "Hindi
muna ngayon anak marami akong ginagawa." "Anung ginagawa mo?"
"Nagtratrabaho." "E bakit ka nagtratrabaho?" Pakulit na tanong ng anak.
"Para yumaman tayo." "E bakit gusto mong yumaman tayo?" Tanong uli ng
anak. "Para marami tayong pera." Sagot ng tatay na medyo nakukulitan na.
"E bakit gusto nyong magkapera?" Nagtaas na ng boses ang tatay: "Para
may makain tayo!" Tanong uli ang anak: "E bakit tayo dapat kumain?"
Sumigaw na ang tatay: "Para di tayo magutom!" Tumahimik sandali ang bata
at pagkatapos ay sinabi: "Tatay... hindi po ako nagugutom! Laro tayo!" Ang pinakaunang dahilan ay upang matugunan ang pagkagutom ng ating katawan. Bagamat
hindi gutom ang bata sa pagkain, may pagkagutom pa rin siyang nadarama!
Ang pagkagutom ay hindi lang pisikal. May pagkagutom ding espirituwal
tulad ng pagkagutom sa katotohanan at justisya, pagkagutom sa
kapayapaan, pagkagutom sa pagmamahal... Ngunit ang higit sa lahat ng
pagkagutom ay ang "pagkagutom sa Diyos." Batid ni Hesus ang pagkagutom
na ito kaya't inialok niya ang kanyang sarili upang maging pagkaing
nagbibigay buhay! "Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa
langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang
pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.”
Anung ibig pakahulugan ni Jesus na ang tatatanggap ng pagkaing ito ay
"mabubuhay magpakailanman?" Hiindi ito nangangahulugang "walang
pagkamatay!" Ang mabuhay magpakailanman ay nangangahulagan ng
pakikibahagi sa "buhay ng Diyos!" Isang buhay na sa kabila ng
kalungkutan ay may kasiyahan, sa kabila ng pagkabigo ay may pag-asa, sa
kabila ng pagkadapa ay may pagbangon! Marahil ito ang kinakailangan ng
ating maraming kababayan ngayon. Ito ang kailangan nating mga
Pilipinong lagi na lamang ginugupo ng kahirapan at trahedya. Kailangan
natin ang "buhay-Diyos!" Sa ating paglalakbay sa buhay na kung saan ay
mas marami ang hirap sa ginhawa, ay tanging ang Diyos lamang ang maari
nating sandalan at maging sandigan. Ikalawang dahilan kung bakit tayo kumakain ay upang makapagbigay sa atin pagkakataong magsama-sama at mapalakas hindi lamang ang ating katawan kundi ang bigkis ng ating pagkakaisa. "The family that eats together... stays together!" Kaya nga ang Sakramento ng Eukaristia ay dapat magpaalala sa atin na tayo ay sama-samang nagkakaisa sa iisang pagkaing ating pinagsasaluhan... ang katawan ni Kristo.
Ang Eukaristiya rin ay komunyon o pakikiisa. Ito ay pakikiisa sa ating kapwa na dumaranas ng paghihirap. Damayan natin ang kanilang pangangailan. Ibahagi natin kung ano ang meron tayo at huwag tayong magdalawang isip sa pagtulong sa kanila lalo na ngayong Taon ng mga Dukha. Walang taong masyadong mahirap para hindi magkaloob ng tulong ng iba at wala ring taong masyadong mayaman para hindi mangailangan ng tulong ng iba. Ito ang ibig sabihin na maging buhay kang "Eukaristiya" ka sa kapwa mo. Subukan mong magbigay at mararanasan mo ang ibig sabihin ng pagiging bahagi ng "Katawan ni Kristo." Hindi natin kinakailangang mag"food-selfie" upang mapaalalahan tayo nito. Sapat na ang Sakramento ng Eukaristia upang magpaalala sa atin na si Jesus ang Tinapay ng Buhay na katugunan sa pagkagutom ng sanlubutan. Sapat ng paalala upang hindi natin makalimutang tayo rin ay biyaya ng Eukaristiya para sa isa't isa.
Ang Eukaristiya rin ay komunyon o pakikiisa. Ito ay pakikiisa sa ating kapwa na dumaranas ng paghihirap. Damayan natin ang kanilang pangangailan. Ibahagi natin kung ano ang meron tayo at huwag tayong magdalawang isip sa pagtulong sa kanila lalo na ngayong Taon ng mga Dukha. Walang taong masyadong mahirap para hindi magkaloob ng tulong ng iba at wala ring taong masyadong mayaman para hindi mangailangan ng tulong ng iba. Ito ang ibig sabihin na maging buhay kang "Eukaristiya" ka sa kapwa mo. Subukan mong magbigay at mararanasan mo ang ibig sabihin ng pagiging bahagi ng "Katawan ni Kristo." Hindi natin kinakailangang mag"food-selfie" upang mapaalalahan tayo nito. Sapat na ang Sakramento ng Eukaristia upang magpaalala sa atin na si Jesus ang Tinapay ng Buhay na katugunan sa pagkagutom ng sanlubutan. Sapat ng paalala upang hindi natin makalimutang tayo rin ay biyaya ng Eukaristiya para sa isa't isa.
Sabado, Agosto 1, 2015
ANG MGA MABUBUTING PASTOL : Reflection for 18th Sunday in Ordinary Time - Year B - YEAR OF THE POOR - LINGGO NG MGA KURA-PAROKO
Sa araw na ito ay ating inaalala at ipinapanalangin ang lahat ng mga pari lalong lalo na ang mga kura-paroko sa pagdiriwang ng "Vianney Sunday". Si St. John Mary Vianney ang tinanghal na patron ng mga kura-paroko at kinalaunan, ng lahat ng mga pari, dahil sa kanyang katangiang kinakikitaan ng pagiging isang "mabuting pastol". Kaya nga't mahalang ipagdasal natin sila ngayong araw na ito. Bakit? Mayroong kuwento na minsan daw sa
labas ng pintuan ng langit ay naghihintay na tawagin ang isang pari
kasama ang kanyang mga parokyano. Asang-asa ang pari na siya ang unang
tatawagin sapagkat siya "daw" ang pinakabanal sa lahat. Unang tinawag
ang babaeng nagtitinda ng sampaguita sa labas ng gate ng Simbahan.
Tahimik lang ang pari. "Di bale, siguro naman, ako na ang susunod!"
Laking pagkagulat niya nang ang sunod na tinawag ay ang matandang manang
na laging nagtitirik ng kandila sa estatwa ng Mahal na Birhen. "Aba, di
na ata makatarungan ito. Nalagpasan na naman ako!" At lalong nag-init
ang pari nang biglang tinawag ang kanyang sakristan! Bigla siyang
sumingit sa pila at sinabi: "San Pedro, hindi ata tama ang ginagawa
ninyo! Bakit ako nauunahan ng mga parokyano ko? Ano ba ang ginawa nila
at dapat silang mauna sa akin?" "Simple lang", sagot ni San Pedro...
"Pinagdasal ka nila!" hehe... Ngayon ay mas higit akong naniniwala na talagang kinakailangan nating ipagdasal ang ating mga "pastol", ang ating mga pari. Sa August 4 pa ang kapistan ni St. Vianney ngunit ang Linggong pinakamalapit dito ang ginagawang pagdiriwang upang mas maraming tao ang makapag-alay ng kanilang panalangin para sa mga pari. Inaalala
at pinagdarasal natin ang mga paring nangangalaga sa ating parokya.
Ipinagdarasal natin na sana sila ay matulad sa ating Mabuting Pastol na
si Jesus. Sa Ebanghelyo ay narinig natin ang mga taong labis ang
paghahangad na muling makita si Jesus pagkatapos ng mahimala niyang
pagpaparami ng tinapay. Bagamat "materyal na kadahilan," ang nagbunsod
sa kanila upang hanapin si Jesus ay naroon pa rin ang katotohanan na
para silang mga tupang walang pastol na nangangailangan ng pagkalinga.
Kaya nga nais ni Jesus na palalimin nila ang kanilang pag-intindi sa
kanya. "Gumawa kayo, hindi upang
magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing hindi
nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan." May mga
sandali din ba sa aking buhay na hinahanap ko rin ang Panginoon? O baka
naman sa sobrang kaabalahan ko sa mga makamundong bagay ay di ko na pansin
ang pangangailangan sa Diyos? Ang mga Kura-Paroko ay nabigyan ng
mahalagang responsibilad na ipaalala sa atin ang mga bagay na ito. Hindi mangyayari ito kung walang pakikiisa ng bawat
tupang kanyang ginagabayan. Tungkulin nilang ihatid tayo kay Kristo
bilang mga nakababatang pastol. Ngunit tungkulin di nating ipagdasal
sila upang sila ay mahubog ayon sa puso ng ating butihing Pastol na si
Jesus. Ipagdasal natin sila sa paggabay sa kanilang kawan tungo sa isang
mabuting pamumuhay! Marami ang mga bumabatikos sa kanila dahil sa kanilang pannindigan lalo na sa
mga kasalukuyang isyu ng same sex marriage, divorce, contraceptives, dahil sa kanilang paninindigan sa turo ng
Simbahan na tapat nilang ipinapahayag sa kanilang nasasakupan. Hindi
sila mabubuting pastol kung hindi nila ito gagawin. Ipagdasal din natin
ang isa't isa na maging bukas sana ang ating isipan kapag itinuturo sa ating ang mga utos ng Simbahan.
Iba man ang ating pananaw, hindi man tayo sa sang-ayon dahil sa iba ang
takbo ng ating pag-iisip, at taliwas man ang ating paniniwala sa
usaping ito, ay manaig pa rin sana ang ating pagsunod sa kalooban ng Diyos na ipinapahayag sa atin ng mga turo ng Simbahan.
Walang ibang layunin ang Simbahan kundi upang ihatid tayo sa "pastulang
mainam." Nawa ay maging mabubuti tayong kawan sa pamumuno ng ating mga
butihing pastol.
Sabado, Hulyo 25, 2015
KRISTIYANONG PABEBE: Reflection for 17th Sunday in Ordinary Time Year B - Junly 26, 2015 - YEAR OF THE POOR
Hindi ka "in" ngayon kung hindi mo alam ang salitang "pabebe". Kung hindi mo ito alam ay tingnan mo ang iyong sarili. Kung ikay ay pa-cute, isa kang pabebe! Kung ikaw ay maarte, pabebe ka rin. Kung ikaw ay kulang sa pansin, naghahanap ng atensyon, gustong laging inuunawa at nilalambing, isa ka ring certified pabebe. Kung ayaw mong magpatalo, napagsasabihan, pinakikialaman... isa kang tunay na palabang pabebe! Bakit ba mabilis kumalat ang ganitong pag-uugali? Marahil ay reaksyon narin ito sa ating kasalukuyang mundong sinusukat ang halaga ng isang tao sa kung anong mayroon siya at ano ang kaya niyang ibigay. Ibig sabihin, ang mas nabibigyan ng halaga ay ang mga taong may silbi o kuwenta! Tanggap ka ng mga tao kung ikaw ay maganda, may kaya, sikat, maraming kilala... Ang mga walang maipagmamalaki ay may isang puwedeng gawin upang sila ay mapansin... ang mag PABEBE! Hindi malayong sumagi rin sa isipan natin na tayo ay walang
silbi... walang kuwenta... walang halaga! Sumagi na ba sa isip mo na
wala kang kuwenta? Walang silbi? Sabi ng text na natanggap ko "Kung sa
palagay mo ay wala lang silbi ay wag' kang malungkot, may pakinabang ka
pa rin. Puwede kang gawing "masamang halimbawa!" hehehe... Ngunit wag kang malungkot kung sa palagay mo ay wala kang kuwenta. Huwag kang masiraan ng loob kung sa palagay mo ay wala lang halaga. Huwag kang magpabebe kung sa palagay mo ay walang pumapansin sa iyo. Sapagkat kung titingnan natin, ang Diyos ay kumikilos at gumagawa ng kababalaghan sa pamamagitan mga walang silbi at walang kuwenta! Limang tinapay at dalawang
isda... pagkain ng mga mahihirap noong panahon ni Jesus. Walang silbi!
Walang kuwenta! Limang tinapay at dalawang isda na galing sa isang bata.
Ano ba ang bata noong panahon ni Jesus? Walang karapatan, walang boses
sa lipunan, walang silbi! Walang kuwenta! Limang tinapay at dalawang
isda para sa maihigit kumulang na limang libong madla. Ang Panginoon nga
naman... mapagbiro! Sinabihan niya ang mga alagad na paupuin ang mga
tao. Sumunod naman sila... kahit marahil nagtataka at nagtatanong kung ano ang gagawin
niya. At nangyari nga ang isang himala. Nakakain ang lahat at may labis
pa! Ito naman talaga ang "modus operandi" ng Diyos kapag nais Niyang
ipadama sa tao ang Kanyang kapangyarihan. Gumagamit Siya ng maliliit... mahihina... walang kwenta! Upang ipakita na sa Kanya lamang nagmumula ang tunay na kapangyarihan!
Kung minsan, nanonood ako ng balita sa telebisyon. Nakikita ko ang
paghihirap ng napakaraming tao. Nitong nakaraang mga araw punong-puno ng
"bad news" ang kaganapan sa ating paligid. May mga mga taong nabiktima
ng karahasan at walang saysay na krimen. May mga taong nasalanta ng
bagyo at ibang kalamidad. May mga tao rin akong nakitang namamatay sa
gutom dala ng kahirapan. Lagi kong tinatanong ang aking sarili... "anung
magagawa ko para sa kanila?" Ako'y isang karaniwang mamamayan lamang, maliit... mahina... walang kwenta! Tandaan mo ang modus operandi ng
Diyos. Isang katulad mo ang paborito Niyang gamitin! Kaya wag ka lang
manood sa isang tabi... may magagawa ka! Simulan mo silang isama sa
iyong panalangin. Pairalin mo ang pagkukusa sa pagtulong sa mga
nangangailanga lalo't ngayon ay Taon ng mga Dukha. Iwasan mo ang pagiging makasarili at sa halip ay
pairalin mo ang pagiging mapagbigay... Tandaan mo tayong
lahat ay parang "limang tinapay at dalawang isda"… walang silbi, walang
kuwenta ngunit sa kamay ng Diyos ay may malaking magagawa! Makagagawa tayo ng himala! Kaya nga huwag nating piliing maging "Kristiyanong Pabebe". Mayroon taoyong magagawa kung atin lamang ilalagay sa tama ang ating kakayahan, kayamanan at angking kabutihan. Magpapabebe ka pa rin ba?
Pahabol...
Ngayon ay ang Linggo ng Misyong Pilipino na kung saan ay binibigyan natin ng natatanging atensiyon ang gawaing misyon ng ating mga kapwa Pilipinong misyonero. Sa kabila ng ating pagiging maralitang bansa ay apaw biyaya naman tayo sa ating pananampalatayang Kristiyano kayat nararapat lamang na ibahagi natin ito sa mga taong nangangailangan pa ng liwanag ni Kristo! Ngunit dahil sa pagkasadlak natin sa kahirapan kung minsan ay nadarama natin ang pagiging hikahos sa buhay at natatanong tuloy natin ang ating sarili kung mayroon ba tayong maibabahagi sa iba.Mayroon. Una, ipagdasal ang ating mga misyonero. Pangalawa, gumawa ng maliit na kabutihan sa ating kapwang nangangailangan. Pangatlo, tumulong sa pinansiyal na pangangailangan ng mga gawaing misyon ng Simbahan.
Pahabol...
Ngayon ay ang Linggo ng Misyong Pilipino na kung saan ay binibigyan natin ng natatanging atensiyon ang gawaing misyon ng ating mga kapwa Pilipinong misyonero. Sa kabila ng ating pagiging maralitang bansa ay apaw biyaya naman tayo sa ating pananampalatayang Kristiyano kayat nararapat lamang na ibahagi natin ito sa mga taong nangangailangan pa ng liwanag ni Kristo! Ngunit dahil sa pagkasadlak natin sa kahirapan kung minsan ay nadarama natin ang pagiging hikahos sa buhay at natatanong tuloy natin ang ating sarili kung mayroon ba tayong maibabahagi sa iba.Mayroon. Una, ipagdasal ang ating mga misyonero. Pangalawa, gumawa ng maliit na kabutihan sa ating kapwang nangangailangan. Pangatlo, tumulong sa pinansiyal na pangangailangan ng mga gawaing misyon ng Simbahan.
Sabado, Hulyo 18, 2015
MALASAKIT NA PAGLILINGKOD (Reposted & Revised) : Reflection for 16th Sunday in Ordinary Time Year B - July 19, 2015 - YEAR OF THE POOR
Ayon sa paniniwala nating mga Kristiyano ay may tatlong "lugar" tayong
pinupuntahan kapag tayo ay nasa kabilang buhay na. Langit ang
gantimpala para sa mga taong nagsumikap na maging mabuti at di nagpabaya
sa kanilang tungkulin bilang Kristiyano. Purgatoryo naman ang katapat
ng mga taong may pagkukulang pang dapat pagbayaran dahil sa kanilang
kahinaan at maraming pagkakamaling nagawa noong sila'y nabubuhay pa bagama't nasa puso pa rin nila ang pagmamahal sa Diyos. At
impiyerno naman ang naghihintay sa mga taong nagpabaya sa kanilang buhay
at piniling mamuhay sa kasamaan at hayagang itinatatwa ang Diyos sa kanilang pamumuhay. Sinasabing sa kabilang buhay daw ay
maraming sorpresang naghihintay! May kuwento na minsan daw ay nakita ng
isang kaluluwa ang kanyang sarili sa purgatoryo. Laking pagkagulat niya
ng makita niya ang kanyang "parish priest" na naroroon din. Tinawag niya
ang pansin nito halos pasigaw na binati "Hello Father! Dito ka rin pala
napunta! Akala ko pa naman ay naroon ka na sa itaas! Kung sabagay,
marami kang pagkukulang sa amin at hindi namin naramdaman ang malasakit
mo bilang mabuting pastol! Gaano ka na katagal dito Padre?" "Shhhhhhh...
wag kang masyadong maingay! Babaan mo ang volume ng boses mo" pabulong
na sabi ng pari. "Baka magising yung mga obispong natutulog sa ibaba!"
hehehe... (kuwento lang po ito at hindi naman patungkol sa ating mga obispo!) Talagang ang kabilang buhay ay "full of surprises!" Walang
makapagsasabi kung sino naroon sa itaas, sa ibaba o sa gitna! Hindi
sapagkat namumuno ka ay automatic ang kalalagyan mo sa itaas. Malinaw
ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Propeta Jeremias: "Parurusahan
ng Panginoon ang mga namumunong walang malasakit sa kanilang mga
nasasakupan at pinababayaang ang mga ito’y mangalat at mamatay." (Jer
23:1) Bilang isang mabuting pastol ay alam ng Panginoon ang
malasakit na dapat na taglay ng isang namumuno sa kanyang nasasakupan.
Ang malasakit na ito ang ipinakita ni Jesus sa kanyang mga alagad at sa
mga taong kanyang nakakasalamuha araw-araw. Nang makita ni Jesus ang
kapaguran ng mga alagad ay hinikayat Niya silang pumunta sa isang ilang
na pook at magpahinga ng kaunti. Nang makita ni Jesus ang napakaraming
taong naghihintay sa kanila sa pampang ay nahabag Siya sa kanila. "...nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol!" (Mk. 6:34}
At sila ay tinuruan Niya sa kabila ng kanyang kapaguran at kawalan ng
pahinga. Ito ang katangian ni Jesus na dapat ay taglayin din natin
bilang kanyang mga alagad. Hindi lang naman ito para sa mga pari na
kanyang hinirang para maging mabuting pastol. Sinabi natin noong
nakaraan na kahit na ang mga layko ay tinatawag ng Diyos sa
paglilingkod. Ang pagpapakita ng malasakit sa iba, lalong-lalo na sa mga nangangailan ay para sa lahat ng Kristiyano.
Ipinapakita natin ito kapag nagbibigay tayo ng panahon at oras para sa
kanila. Mga magulang, may oras ba kayong inilaan para sa inyong mga
anak? Ang pagtratrabaho n'yo ba ay pagpapakita ng malasakit sa kanila o
baka naman nagiging dahilan pa nga ito ng paglayo ng loob nila sa inyo?
Ngunit hindi lamang ang magulang ang dapat magpakita ng malasakit, dapat
ang mga anak din ay nagpapakita nito sa kanilang magulang. Mga
kabataan, ilang oras ba ang ibinibigay mo sa iyong pamilya? Baka naman
mas marami pang oras ang inilaan mo sa barkada o sa mga kaibigan mo
kaysa sa kanila? Baka naman sinasayang mo ang perang ibinibigay ng
magulang mo na bunga ng kanilang pawis at pagod at nagpapabaya ka sa
pag-aaral? At sa mga katulad naman naming naatasang mamuno sa mas
maraming "kawan" ay malaki ang inaasahan ng Panginoon. Ang katapatan sa aming bokasyon bilang mga pari at masipag na pagtupad ng aming tungkulin
ang maari naman naming ibigay sa Panginoon bilang pagtulad sa Kanyang
mapagpastol na pagmamahal. Ang Panginoon ay nag-aanyaya sa atin tungo sa
isang mapagmalasakit na pagmamahal at paglilingkod. At ngayong Taon ng mga Dukha ay may natatangi tayong dapat ipakita at ipadama sa ating mga kapatid na lubos na nangangailangan at mga isinantabi ng lipunan. Ipinakita ni Jesus ang
halimbawa sa atin at inaasahan naman Niya ang ating pagsunod. Kung
maisasakatuparan lamang sana natin ito ng tapat ay wala na tayong
sorpresang makikita pa sa langit! Lahat tayo ay nasa itaas at masayang
kapiling ang Diyos.
Sabado, Hulyo 11, 2015
ISINUGO SA MUNDO : Reflection for 15th Sunday in Ordinary Time Year B - July 12, 2015 - YEAR OF THE POOR
May kasabihan tayong "ang utos ng hari hindi mababali!" Totoo din daw ito sa Simbahan: "Ang utos ng PARI HINDI MABABALI!" Ngunit ito ay makaluma ng pananaw. Ito ang paniniwala ng "Makalumang Simbahan". Ngayon, iba na ang kalakaran. Husgahan ninyo ang kuwentong ito:
"Tatlong magkakaibigang pari ang masayang nag-uusap at pinagkukwentuhan nila ang kanilang mga tatanga-tangang sakristan. Sabi ng isa: "Naku, kung patangahan lang ng sakristan eh wala ng tatalo sa sakristan ko! Gusto n'yo ng sample?" Tinawag niya ang sakristan at sinabi "Manong, ito ang isandaang piso, Ibili mo ako ng kotse ha? Gusto ko yung sports car na kulay pula!" Agad-agad namang sumunod ito. Nagtawanan sila at di naman nagpatalo ang isa. Tinawag din ang kanyang sakristan at inutusan. "Iho, ito ang sampung piso. Pumunta ka nga sa Hongkong at ibili mo ako ng masarap na Hongkong fried noodles!" Agad-agad ding tumalima ito. Tawanan na naman ang tatlo ngunit biglang yabang na sinabi ng pangatlong pari: "Ano ba yang mga sakristan niyo? Hindi nag-iisip? Tingnan n'yo itong sakristan ko at sabay tawag sa kanya. "Iho, pumunta ka nga sa labas at tingnan mo kung naroroon ako!" Tumalikod ang sakristan at natigilan. Sa wakas mayroon isang nag-iisip and sa loob-loob nila. "Padre", sabi niya, "may ipapasabi ba kayo sa inyong sarili?" Malakas na tawanan ang sumunod. Ang hindi alam ng tatlong pari ay nagkitakita pala sa labas ang tatlo nilang sakristan. Sabi ng isa: "Ang tanga-tanga talaga ng pari namin. Biruin mo, binigyan ako ng isandaan piso para bumuli ng kotseng sports car? Eh ni manibela di kasya ito!" "Ay mas tanga, ang pari namin, binigyan ako ng isandaan piso para pumunta sa Hongkong eh Divisoria lang eh kulang ito sa pagbalik!" "Ay wala yan sa pari namin, pinapahanap ba naman ang sarili niya sa labas eh magkausap kami!" hehehe. Datirati, sa LUMANG SIMBAHAN, ang mga pari ang "hari" at ang utos nila ay ang dapat masusunod, makatwiran man ito o hindi. Ang laiko, mga karaniwang Kristiyano, ay parang hindi nag-iisip na sunod-sunuran lamang . Kasi nga naman, kapag binanggit ang katagang "alagad ng Diyos", agad-agad ang nasaisip ng tao ay ang mga paring nangangaral sa pulpito ng simbahan. Parang sila lang ang may tungkulin at karapatang ipahayag ang Mabuting Balita ni Kristo. Ngunit taliwas ito sa kalooban at plano ng Diyos. Sa MAKABAGONG SIMBAHAN, ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ng kaligtasan ay misyon na hindi lamang iniatang sa mga pari. Sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag, ang lahat ng Kristiyano ay nagkararoon ng misyong maging tagapagdala ng Ebanghelyo. Paano ito isinasagawa ng isang laiko? Bukod sa gawaing pangangaral, na kakaunti lamang ang napagkalooban ng ganitong kakayahan, ang bawat isa ay tinatawag na mangaral sa pamamagitan ng pagiging tapat na saksi ng kanilang buhay Kristiyano. Sa papaanong paraan? Ito ang turo ng Simbahan: "... ang kanilang MABUTING GAWA, ay may kapangyarihang makaakit ng tao upang maniwala at mapalapit sa Diyos." (Vatican II Decree on the Laity, 6) Kaya nga't ano man ang katayuan mo sa buhay, bata ka man o matanda, may kaya man o wala, nakatalaga man sa Diyos o hindi, ang paggawa ng mabuti ay dapat isapuso ng bawat isa. Matuto tayong magpasaya ng ating kapwa. Nagiging makabuluhan ang ating buhay kung nakapagbibigay tayo ng kaligayahan sa iba. Para tayong mga kandila na may katuturan lamang kung nasisindihan at nakapagbibigay ng liwanag! Nakapagbigay ka na ba ng liwanag ng kasiyahan sa iyong pamilya? Baka naman sanhi ka pa ng di pagkakasundo o kaguluhan sa kanila? Nakapagbibigay ka ba ng liwanag ng kapayapaan sa iyong trabaho o paaralan? Baka naman sa iyo nagmumula ang inggitan at alitan? Ito ang ibig sabihin ng pagiging alagad ni Kristo: ang maging kamay ng pag-ibig ng Diyos para ibang tao. Tayong lahat, bilang isang Simbahan, ay itinalaga at isinugo ni Kristo na maging alagad Niya sa buong mundo.
"Tatlong magkakaibigang pari ang masayang nag-uusap at pinagkukwentuhan nila ang kanilang mga tatanga-tangang sakristan. Sabi ng isa: "Naku, kung patangahan lang ng sakristan eh wala ng tatalo sa sakristan ko! Gusto n'yo ng sample?" Tinawag niya ang sakristan at sinabi "Manong, ito ang isandaang piso, Ibili mo ako ng kotse ha? Gusto ko yung sports car na kulay pula!" Agad-agad namang sumunod ito. Nagtawanan sila at di naman nagpatalo ang isa. Tinawag din ang kanyang sakristan at inutusan. "Iho, ito ang sampung piso. Pumunta ka nga sa Hongkong at ibili mo ako ng masarap na Hongkong fried noodles!" Agad-agad ding tumalima ito. Tawanan na naman ang tatlo ngunit biglang yabang na sinabi ng pangatlong pari: "Ano ba yang mga sakristan niyo? Hindi nag-iisip? Tingnan n'yo itong sakristan ko at sabay tawag sa kanya. "Iho, pumunta ka nga sa labas at tingnan mo kung naroroon ako!" Tumalikod ang sakristan at natigilan. Sa wakas mayroon isang nag-iisip and sa loob-loob nila. "Padre", sabi niya, "may ipapasabi ba kayo sa inyong sarili?" Malakas na tawanan ang sumunod. Ang hindi alam ng tatlong pari ay nagkitakita pala sa labas ang tatlo nilang sakristan. Sabi ng isa: "Ang tanga-tanga talaga ng pari namin. Biruin mo, binigyan ako ng isandaan piso para bumuli ng kotseng sports car? Eh ni manibela di kasya ito!" "Ay mas tanga, ang pari namin, binigyan ako ng isandaan piso para pumunta sa Hongkong eh Divisoria lang eh kulang ito sa pagbalik!" "Ay wala yan sa pari namin, pinapahanap ba naman ang sarili niya sa labas eh magkausap kami!" hehehe. Datirati, sa LUMANG SIMBAHAN, ang mga pari ang "hari" at ang utos nila ay ang dapat masusunod, makatwiran man ito o hindi. Ang laiko, mga karaniwang Kristiyano, ay parang hindi nag-iisip na sunod-sunuran lamang . Kasi nga naman, kapag binanggit ang katagang "alagad ng Diyos", agad-agad ang nasaisip ng tao ay ang mga paring nangangaral sa pulpito ng simbahan. Parang sila lang ang may tungkulin at karapatang ipahayag ang Mabuting Balita ni Kristo. Ngunit taliwas ito sa kalooban at plano ng Diyos. Sa MAKABAGONG SIMBAHAN, ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ng kaligtasan ay misyon na hindi lamang iniatang sa mga pari. Sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag, ang lahat ng Kristiyano ay nagkararoon ng misyong maging tagapagdala ng Ebanghelyo. Paano ito isinasagawa ng isang laiko? Bukod sa gawaing pangangaral, na kakaunti lamang ang napagkalooban ng ganitong kakayahan, ang bawat isa ay tinatawag na mangaral sa pamamagitan ng pagiging tapat na saksi ng kanilang buhay Kristiyano. Sa papaanong paraan? Ito ang turo ng Simbahan: "... ang kanilang MABUTING GAWA, ay may kapangyarihang makaakit ng tao upang maniwala at mapalapit sa Diyos." (Vatican II Decree on the Laity, 6) Kaya nga't ano man ang katayuan mo sa buhay, bata ka man o matanda, may kaya man o wala, nakatalaga man sa Diyos o hindi, ang paggawa ng mabuti ay dapat isapuso ng bawat isa. Matuto tayong magpasaya ng ating kapwa. Nagiging makabuluhan ang ating buhay kung nakapagbibigay tayo ng kaligayahan sa iba. Para tayong mga kandila na may katuturan lamang kung nasisindihan at nakapagbibigay ng liwanag! Nakapagbigay ka na ba ng liwanag ng kasiyahan sa iyong pamilya? Baka naman sanhi ka pa ng di pagkakasundo o kaguluhan sa kanila? Nakapagbibigay ka ba ng liwanag ng kapayapaan sa iyong trabaho o paaralan? Baka naman sa iyo nagmumula ang inggitan at alitan? Ito ang ibig sabihin ng pagiging alagad ni Kristo: ang maging kamay ng pag-ibig ng Diyos para ibang tao. Tayong lahat, bilang isang Simbahan, ay itinalaga at isinugo ni Kristo na maging alagad Niya sa buong mundo.
Sabado, Hulyo 4, 2015
PROPETANG SIMBAHAN: Reflection for 13th Sunday in Ordinary Time Year B - July 5, 2015 - YEAR OF THE POOR
Ayaw na ayaw nating makarinig ng "badnews." Sino nga ba naman ang may gusto nito? Kaya nga sa misa ang pinahahayag ay ang "Mabuting Balita" o "Ebanghelyo" ng Panginoon. Sa ating buhay mas katanggap-tanggap ang mabuting balita kaysa masamang balita. "Isang mister ang nagsabi sa misis niya, na kapag-uuwi siya ng bahay ay huwag na siyang sasabihan ng "badnews" o anumang problema. Isang araw, pagpasok ni mister ng bahay, sinabi niya kaagd sa kanyang misis, "Ohh, 'yung pinag-usapan natin, walang sasabihing bad news sa akin. Pagod na ako sa maghapong trabaho." "Alam ko. Walang badnews" sagot ng misis. "Di ba apat yung anak natin? Tatlo sa kanila ay walang pilay!" pagbabalita ni misis." Ang mga propeta sa Bibliya ay tagapagdala ng mensahe ng Diyos sa mga tao. Marami sa kanila ay hindi tinanggap ng kanilang mga kababayan sapagkat ang kanilang dala-dalang mensahe ay lagi nilang itinuturing na "badnews" para sa kanila. Ito ang pagtawag na tinaggap ni Propeta Ezekiel sa unang pagbasa. "Tao, susuguin kita sa Israel, sa bansang suwail. Pagkat mula sa kanilang ninuno naghihimagsik na sila sa akin hanggang ngayon. Matigas ang kanilang ulo at walang pitagan!" Ngunit gayon pa man ay patuloy pa rin ang mga propeta sa pagtupad ng kanilang misyon. Ito rin ang paniniwala ni Jesus bago pa siya mangaral sa kanyang mga kababayan: "Ang propeta'y iginagalang ng lahat, liban lamang sa kanyang mga kababayan, mga kamag-anak at kasambahay." At narinig nga natin na hindi siya kinilala ng kanyang mga kababayan. Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mga propeta sa kanilang tungkulin na ipahayag ang kalooban ng Diyos. Ang Simbahan ay may taglay na tungkuling magpahayag ng katotohanan sapagkat taglay nito ang pagiging isang propeta. Sa katunayan ang bawat isa sa atin ay tinanggap ang misyon ng pagiging propeta noong tayo ay bininyagan. Pagkatapos nating mabuhusan ng tubig sa ating ulo tayo ay pinahiran ng langis o "krisma". Nangangahulugan ito ng pagtanggap natin ng misyon na maging pari, hari at propeta katulad ni Jesus. Ibig sabihin, tayong lahat ay dapat na maging tagapagpahayag ng katotohanan ayon sa turo ni Jesus. Hindi lang ito gawain ng mga obispo, pari , mga relihiyoso o relihiyosa. Isang magandang napapanahon na halimbawa ay ang paglabas ng balita na sa Amerika y pinayagan na ang "same sex marriage". Ano ba ang pananaw ng isang Kristiyano dito? May mga ilan-ilan na kilala ko na nakita kong nagpalit ng kanilang profile picture sa Facebook bilang pakikiisa at pagsang-ayon dito. Ngunit hindi sang-ayon dito ang Simbahan sapagkat hindi ito ang turo ni Jesus. Sa simula pa lamang ang kasal ay para lamang sa isang lalaki at isang babae ayon sa plano ng Diyos. Sa katunayan ay isang karumal-dumal na kasalanan ang pagtatalik ng lalaki sa kapwa lalaki at babae sa kapwa babae. Ito ang isa mga kadahilan kung bakit pinarusahan ni Yahweh ang Sodom at Gomorah! Ngunit may ilan pa rin ngayong nagsusulong na gawin itong legal kahit na batid nilang ito ay immoral. Bilang isang "Propetang Simbahan" ay dapat na tahasan natin itong tinututulan at hindi sinasang-ayunan. Hindi ibig sabihin na "outcast" ang tingin natin sa mga kapatid nating "homosexual". Ang Simbahan ay malugod na tumtanggap sa lahat anuman ang iyong kasarian. Kahit nga ang isang kriminal ay "welcome" sa atin. Ngunit ang mga imoral at masamang ginagawa ay hindi kailanman sinasang-ayunan ng Simbahan. Mahal ng Diyos ang mga makasalanan ngunit hindi ang kasalanan! At ang Simbahang itinatag ni Kristo ay magpapatuloy na magmamahal sa kanila. Ang hindi pagsang-ayon ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng pagmamahal ngunit sa halip ito ay nagpapaalala ng pagtatama ng kanilang kamalian at pagbabalik-loob sa Diyos. Huwag sanang masaktan ang mga taong iba ang kanilang paniniwala sapagkat bahagi ito ng pagiging propeta nating lahat bilang isang Simbahan. Hindi tayo badnews para sa iba. Ang Kristiyano ay dapat laging "GOODNEWS!" Tandaan mo na ikaw, tulad ni Kristo, ay isang PROPETA.
Sabado, Hunyo 27, 2015
HAPPY DEATH DAY! : Reflection for 13th Sunday in Ordinary Time Year B - June 28, 2015 - YEAR OF THE POOR
Minsan ay may nagsabi sa aking mali ang pagbati ng "Happy birthday" kapag may nagdiwang ng kanyang kaarawan. Dapat daw HAPPY DEATH DAY ang bati sapagkat ang pagdiriwang ng kaarawan ay paglapit natin sa ating kamatayan. Totoo nga naman, walang taong tumatanda ng pabalik. Lahat tayo ay lumalapit sa ating kamatayan bawat araw at oras na ating inilalagi sa mundo. May isang paring nagpakumpisal.
"Padre, patawarin mo po ako sapagkat ako'y nagkasala," sabi ng isang
lalaking kahina-hinala ang itsura. "Anung nagawa mong kasalanan anak?"
tanong ng pari. "Padre, ako po ay nakapatay ng tao. Marami na po akong
napatay." Sagot ng lalaki. "Bakit mo nagagawa ito anak?" muling tanong
ng pari. "Kasi Father, galit po ako sa mga taong naniniwala sa Diyos.
Lahat po sila ay naniniwala sa Diyos. Ikaw, Father... naniniwala ka rin
ba sa Diyos?" Pasigaw na tanong ng kriminal. "Naku iho... hindi...
minsan lang, pero trip-trip lang yun!" nangangatog na sagot ng pari.
hehehe... Wala naman talagang gustong mamatay. Ang normal na
kalagayan ng tao ay ang maghangad na mabuhay! Kahit ang Diyos mismo ay
ninanais na tayo ay mabuhay. "Pagkat ang tao’y hindi nilikha ng Diyos para mamatay, kundi para maging larawan niyang buhay."
Kung gayon ay bakit tayo nakakaranas ng kamatayan? Ang kamatayan ay
nanggaling sa kasamaan, sa kasalanan. Ito rin ang binigyang diin sa
aklat ng Karunungan: "Ngunit dahil sa pakana ng diyablo, nakapasok ang
kamatayan at ito ang kahihinatnan ng mga napailalim sa kanya." Bagamat
tinubos tayo ni Hesus sa kasalanan ay hindi niya tinanggal ang
kamatayan. Sa halip siya ay nagbigay sa atin ng pag-asa sa harap ng
kamatayan! Pag-asa ang ibinigay niya kay Jairo ng ang anak nito
ay mamatay. Pag-asa ang ibinigay niya sa babaing dinudugo na kaya niyang
pagalingin ang kanyang karamdaman. At ang pag-asang ito ay ipinapakita
natin sa pamamgitan ng isang malalim na pananampalataya. Para sa mga
taong may pananampalataya ay hindi dapat katakutan ang kamatayan. Tayo
ay may pananampaltaya kung tayo ay naniniwala at nagtitiwala na may
magagawa si Hesus sa ating buhay. Kaya nga ang paniniwala, pagtitiwala
at pagsunod kay Hesus ay pagpapakita ng ating pag-asa sa Kanya. At
papaano ko ipinapakita ang pagsunod sa kanya? Una ay ang pag-iwas sa kasalanan na dala ng ating masasamang hilig at pag-uugali at pangalawa ay ang paggawa ng kabutihan sa ating kapwa lalong-lalo
na sa mga nangangailangan at kapus-palad. Ang ganap na pananampalataya
ang magbibigay ng kahulugan sa ating buhay. Ito ang magbibigay ng
kasagutan sa maraming katanungan bumabagabag sa ating isipan. Ito ang
magbibigay ng lakas ng loob upang maharap natin ang katotohanan ng
kamatayan. Kaya nga sa muli mong pagdiriwang ng iyong kaarawan, huwag kang matakot na awitan ang sarili mo ng HAPPY DEATH DAY TO ME!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)









