Minsan ako'y naanyayahang mag house-blessing ng aking tita sa Bulacan. Pagkatapos ng blessing ng kanilang bahay ay may lumapit sa aking isang babae, medyo may katandaan na ang edad ngunit bongga ang pananamit at kuntodo sa make-up: "Father, pakidamay n'yo naman ang bahay namin. Gusto ko rin sanang pabasbasan. Kung puwede e ngayon na!" Balak ko sanang tanggihan sa kadahilanang may naghihintay pa akong susunod na lakad ngunit tinanong ko siya upang hindi lumabas na ayaw kong tanggapin. "Bakit naman nagmamadali ka?" tanong ko sa kanya. "Kasi Father nakakaramdam kami ng masamang espiritu sa loob ng aming bahay." Sumunod na lang ako kahit na may pag-aalinlangan at takot ako sa multo at masasamang espiritu. Pagpasok ng bahay ay napansin kong may tatlong magaganda at balingkinitang mga babae sa loob. Pagkatapos ng blessing ay pabiro kong sinabi sa may-ari: "Ang suwerte n'yo naman madam, ang gaganda naman ng mga anak ninyo..." Sabay naghagikhikan ang mga dalaga. "Father, di po namin nanay yan!" "E bakit mama tawag n'yo?" tanong ko. "Eh Father..." nakayuko at nahihiyang sagot nila, "Mamasan po namin s'ya!" Muntik ko nang maihagis ang dala kong holy water sa kanila! Bahay pala ng mga kalapating mababa ang lipad ang binasbasan ko. Kaya naman pala may mga masasamang espiritu sa bahay! Kung minsan masyado nating nabibigyang pansin ang mga "evil spirits" sa ating paligid ngunit nakakaligtaan nating itaboy ang "evil spirits" sa ating mga puso! Kung iisipin ay mas mahirap pa ngang kalaban ito sapagkat hindi mo ito nakikita at namamalayan. Kalimitan ay nag-aanyo pa nga itong maganda, kaakit-akit at kahali-halina. Ang tinutukoy kong evil spirits ay ang kasalanan. Naging templo tayo ng Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Biyernes, Marso 13, 2009
Reflection: 3rd Sunday of Lent Year B - March 15, 2009: ITABOY ANG MASASAMANG ESPIRITU!
Minsan ako'y naanyayahang mag house-blessing ng aking tita sa Bulacan. Pagkatapos ng blessing ng kanilang bahay ay may lumapit sa aking isang babae, medyo may katandaan na ang edad ngunit bongga ang pananamit at kuntodo sa make-up: "Father, pakidamay n'yo naman ang bahay namin. Gusto ko rin sanang pabasbasan. Kung puwede e ngayon na!" Balak ko sanang tanggihan sa kadahilanang may naghihintay pa akong susunod na lakad ngunit tinanong ko siya upang hindi lumabas na ayaw kong tanggapin. "Bakit naman nagmamadali ka?" tanong ko sa kanya. "Kasi Father nakakaramdam kami ng masamang espiritu sa loob ng aming bahay." Sumunod na lang ako kahit na may pag-aalinlangan at takot ako sa multo at masasamang espiritu. Pagpasok ng bahay ay napansin kong may tatlong magaganda at balingkinitang mga babae sa loob. Pagkatapos ng blessing ay pabiro kong sinabi sa may-ari: "Ang suwerte n'yo naman madam, ang gaganda naman ng mga anak ninyo..." Sabay naghagikhikan ang mga dalaga. "Father, di po namin nanay yan!" "E bakit mama tawag n'yo?" tanong ko. "Eh Father..." nakayuko at nahihiyang sagot nila, "Mamasan po namin s'ya!" Muntik ko nang maihagis ang dala kong holy water sa kanila! Bahay pala ng mga kalapating mababa ang lipad ang binasbasan ko. Kaya naman pala may mga masasamang espiritu sa bahay! Kung minsan masyado nating nabibigyang pansin ang mga "evil spirits" sa ating paligid ngunit nakakaligtaan nating itaboy ang "evil spirits" sa ating mga puso! Kung iisipin ay mas mahirap pa ngang kalaban ito sapagkat hindi mo ito nakikita at namamalayan. Kalimitan ay nag-aanyo pa nga itong maganda, kaakit-akit at kahali-halina. Ang tinutukoy kong evil spirits ay ang kasalanan. Naging templo tayo ng
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento