Napakaraming kinikilalang hari ngayong panahong ito. Nangunguna na sa listahan ang Hari ng Boxing na walang iba kundi ang ating pambansang kamaong si Manny Pacquiao na nagpapatigil sa mundo sa tuwing siya ay aakyat ng boxing ring. Naririyan din ang tinanghal na Hari ng Komedya na walang iba kundi ang yumaong si Dolphy. Siyempre hindi natin makakalimutan ang Hari ng Pelikulang Pilipinong si Da King Fernando Poe Jr. Pero hindi natin kinakailangang lumayo. Dito sa ating lugar ay mayroon tayong "Asiong Salongga" na tinaguriang Hari ng Tundo! Ano nga ba ang kakaiba sa mga taong ito at nabansagan silang hari? Mula noon hanggang ngayon ang pamantayan pa rin ng mundo sa pagiging hari ay kasikatan, kayamanan at kapangyarihan! Kaya nga't napakahirap kay Pilatong tanggapin si Jesus bilang hari sapagkat wala sa kanya ang tatlong ito. "Ikaw ba ang hari ng mga Judio?" Ang tanong ni Pilato kay Jesus. Ngunit hindi lamang si Pilato. Maging ang mga Judiong nagdala sa kanya ay hindi matanggap na siya ang hinihintay nilang Mesias o tagapagligtas. Ngunit totoong hari si Jesus. Yun lang nga ay iba ang kanyang paghahari sapagkat ang Kanyang kaharian ay wala sa mundong ito. “Kayo na ang nagsasabing ako’y hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan.” ang sagot ni Jesus sa tanong ni Pilato. Si Jesus ay Hari ng Katotohanan! Ibig sabihin si Jesus ay naparito upang maging saksi sa katotohanan at anyayahan ang taong pumanig sa katotohan. Nitong mga nagdaang araw ay sumikat ang katagang AMALAYER! Hango ito sa salitang binitiwan ng isang dalaga sa MRT na pasigaw na bumubulyaw sa isang security guard ng "I'm a liar? I'm a liar?" Nakakalungkot aminin na tayong lahat ay may AMALAYER sa ating sarili. Lahat tayo ay may kasinungalingang taglay sapagkat hirap tayong tanggapin ang katotohan sa ating buhay. Nangunguna na d'yan ang katotohanang dapat tayong magbago, na dapat nating tanggalin ang ating nakagawiang masamang pag-uugali. Ang pinakamahirap gawin ay aminin natin sa ating sarili na mayroon tayong pagkakamali. Walang pagbabago kung walang pag-amin o pagiging totoo sa ating sarili. Ang demonyo ang hari ng kasinungalingan. Siya ang tunay na AMALAYER! Ang kanyang pangunahing layunin ay ilayo tayo a Katotohanan na walang iba kundi ang Diyos! Ang ibig sabihin ng diyabolos sa Griego na kung saan ay hango ang salitang diablo ay "manloloko" o "deceiver!" Sa tuwing tayo ay nabubuhay sa kasinungalingan ay nagiging tagasunod tayo ng demonyo. Tandaan natin na kung saan umiiral ang katotohanan ay doon naghahari si Jesus. Dalawang bagay ang maari nating gawin upang tayo ay pagharian Niya. Una ay ang makinig sa Kanya sa pamamagitan ng isang malalim na buhay panalangin. Magiging totoo tayo sa ating sarili kung marunong tayong magdasal. Hindi ko tinutukoy ang mga sinaulo nating panalangin. Ang panalangin ay hindi lang pagdarasal gamit ang bibig. Ito rin ay pagdarasal gamit ang pandinig. Pakinggan mo ang binubulong ng Diyos sa katahimikan ng iyong puso. Pangalawa ay ang pagsunod sa ating budhi o pagkakaroon ng tuwid na konsiyensiya. Nakikinig tayo sa ating konsiyensiya kung sinusunod natin ang tama at totoo. Gamitin natn ito sa ating pagdedesisyon, sa pakikinig sa mga "moral issues", sa paghimay sa mga araw-araw na pangyayari sa ating lipunan, sa paggamit ng mass media tulad ng TV, radio, internet. Napakagandang mabuhay sa mundo na walang pandaraya, panlalamang at kasinungalingan. Ang mundong pinaghaharian ng Diyos ay mundong nabubuhay sa katotohanan. Magpakatotoo ka!
Alam ng Diyos ang ating kiliti! Kung minsan kikilitiin N'ya tayo sa paraang di natin inaasahan. Ang mga pagninilay dito ay pinamagatan kong "kiliti ng Diyos". Nakakatuwa... nakakatawag pansin... nakapagpapabago ng pag-iisip. Ganyan naman talaga ang kapangyarihan ng Kanyang salita... tatamaan ka! Kung minsan masakit ngunit madaling tanggapin sapagkat may halo namang... kiliti.
Sabado, Nobyembre 24, 2012
Sabado, Nobyembre 17, 2012
DOOMSDAY 2012: Reflection for 33rd Sunday in Ordinary Time Year B - Year of Faith - November 18, 2012
Noong isang taon ay may lumabas na propesiya na nagsasabing magugunaw na daw ang mundo sa December 21, 2012. Ito raw ang araw na tinatawag na DOOMSDAY! Hindi ka ba natatakot? Kung bibilangin mo ang araw sa kalendaryo ay may tatlumpu't tatlong araw ka na lamang na nalalabi sa mundong ito! Kung hindi ka pa rin natatakot ay may isang dapat ka pang katakutan. Tatlumpu't anim na araw na lang ay Pasko na! May pera ka na ba? Kung wala pa e dapat ka na sigurong mag-alala at manginig sa takot! hehehe... Bakit nga ba kapag katapusan ng mundo ang pinag-uusapan ay natatakot tayo? Ang sagot ay kapareho rin sa kung bakit natatakot ang mga taong walang pera sa paparating na Pasko... kasi hindi natin napaghandaan! Ang sangkatutak na gastusin sa Pasko at ang mga isang pulutong na inaanak na susugod sa iyo ay nakakapangilabot. Kaya naman marami sa mga ninong at ninang ay TnT (tago ng tago) kapag lumalapit na ang Pasko. Ibig sabihin ang ating takot ay dahil sa kawalan o kakulangan natin sa paghahanda. Ano ba ang dapat na pananaw ng isang Kristiyano sa "katapusan ng mundo?" Alam natin na ang buhay natin sa mundo ay may katapusan. Ngunit ang katapusang ito ay simula lamang ng ating magiging tunay na buhay. Ito ang tinatawag nating "Araw ng Paghuhukom", the time of reckoning, the day of justice... na kung saan ay gagantimpalaan ng Panginoon ang mga taong nanatiling tapat sa Kanya at paparusahan ang mga namuhay na masama. Kaya ang isang krisitiyano ay hindi dapat masiraan ng loob kung nakikita nating parang baliktad ata ang takbo ng mundo: na ang nagpapakabuti ay naghihirap at ang mga nagpapakasama ay gumiginhawa ang buhay! May katapusan ang lahat ng pagpapakasarap sa mundo. Hindi naman ata makaratarungan sa mga nagpapakabuti kung pareho lang ng mga masasama ang kanilang gantimpalang tatanggapin sa "huling araw". Ang hinihingi ng Panginoon ay ang ating pagtitiyaga kung paanong pinagtitiyagaan n'ya ang ating pagiging makasalanan. Wala tayong dapat ikatakot kung mabuti naman tayong namumuhay bilang mga Kristiyano. May isang batang naglalaro ng basketball at ng tanungin siya kung ano ang kanyang gagawin kung sa mga sandaling yaon ay magugunaw na ang mundo, ang kanyan sagot ay ito: "Ipagpapatuloy ko po ang paglalaro ko ng Basketball!" Nais lang sabihin ng bata na wala siyang dapat ikatakot sapagkat handa siya anumang oras siyang matagpuan ng oras ng paghuhukom. Kaya nga't wala tayong dapat katakutan sa araw at oras na iyon na kung saan ay susulitin ng Diyos ang ating buhay. Hindi Niya gawain ang manakot bagkus ang lagi niyang ginagawa ay magpaalala sa atin sa mga bagay na dapat nating pinaghahandaan at pinahahalagahan. Mahalaga ang ating buhay sa mundo. Mahalaga rin ang ating buhay na naghihintay sa kabila. Pareho natin silang bigyan ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng pamumuhay ng mabuti.
Sabado, Nobyembre 10, 2012
TAOS-PUSONG PAGBIBIGAY: Reflection for 32nd Sunday in Ordinary Time Year B - Year of Faith - November 11, 2012
Lahat ba ng pagbibigay ay pagakakawang-gawa? Minsan may isang pulubi na nagdarasal sa likod ng simbahan. Siya ay umiiyak at humihingi ng tulong sa Diyos. "Panginoon, sana naman po ay bigyan mo ako ng limandaang piso upang ipambili ng gamot sa aking amang may sakit. Mahal na mahal ko po siya. Huwang Mo sana kaming pabayaan!" Narinig siya ng isang pulis na nagkataong nagdarasal din sa likod. Naawa ang pulis sa kanya at dumukot ng pera sa kanyang wallet. Nagkataong dalawang daan lang ang kanyang cash sa wallet ngunit minabuti niyang ibigay na rin ito sa pag-iisip na kahit papaano ay makakatulong din sa kaawa-awang bata. Laking gulat ng bata ng iniabot sa kanya ng pulis ang dalawang daang piso. Tiningnan niya ang pulis mula ulo hanggang paa at muling nagdasal: "Panginoon, maraming salamat po. Ang bilis niyo namang sumagot, parang 'Express-padala!' Pero sana next time, 'wag n'yo sanang ipaabot kay mamang pulis. Ayun, nagkulang tuloy ng tatlong daan!" hehehe... Bakit nga ba kapag may nagbigay sa atin ay agad-agad nating tinitingnan kung sino ang nagbigay? Kasi nga naman hindi lahat ng pagbibigay ay tunay na pagkakawang-gawa! Tandaan natin na hindi nasusukat ng laki ng halagang ibinigay ang kabutihan ng taong nag-abot nito. Tingnan ninyo ang ibang pulitiko, malapit na naman ang eleksiyon, siguradong marami ang magpapamudmod ng pera. Ang intensiyon nila ay hindi para makatulong kundi upang makabili ng boto ng mga taong mahihirap. At saan ba nanggaling ang perang ipinamimigay nila? Hindi ba sa buwis din ng mga mahihirap? O kaya naman, dahil malapit na naman ang Pasko, marami na naman ang magpapakain sa mga bata, mamimigay ng nga laruan at ibang kagamitan, mamimigay ng pera. Ang tanong ano ba ang kanilang ibinibigay? Baka naman "mumo" lang ng kanilang kayamanan. Baka naman mga damit, gamit o damit na pinaglumaan na halos hindi na magamit ng taong tatanggap. Ibig sabihin, hindi lahat ng pagtulong ay pagkakawang-gawa! Ano ba ang tunay na pagbibigay? May sagot si Jesus sa ating Ebanghelyo ngayong Linggo. Bakit kinalugdan ni Jesus ang babaeng dukhang balo sa talinhaga? “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog ng higit sa kanilang lahat. Sapagkat ang iba’y nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi na nila kailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.” Ang tunay na pagbibigay ay nanggagaling hindi sa kamay kundi sa puso! Hindi ang laki ng halaga kundi ang laki ng puso ang sukatan ng tunay na pagbibigay! Ito ay ipinakita mismo ni Jesus ng ibinigay Niya ang kanyang sarili sa krus upang mailigtas tayong mga makasalanan. Ito ay patuloy niyang ipinapakita sa bawat pagdiriwang ng Eukaristiya na kung saan sa anyong tinapay at alak ay ibinibigay ni Jesus ang Kanyang sarili sa atin bilang pagkain ng ating kaluluwa. Ito'y patuloy niyang ipinadarama sa atin sa pamamagitan ng maraming taong taos sa puso ang pagtulong sa mga mahihirap. Taos sa puso ba ang aking pagbibigay? Mararamdaman natin ito kung may kahalong sakit ang ating ginawang pagtulong sapagkat ang tunay na pagbibigay ay may kasamang sakripisyo. Masasaktan ka kung tunay kang nagbibigay sapagkat may nawawala sa iyo sa bawat pagbibigay mo. At dahil ang pagbibigay ay isang sakripisyo, ito ay nagpapaging-banal sa mga taong naghahandog nito. Bakit hndi mo subukang taos-pusong magbigay? Pagbibigay ng oras sa iyong asawa at mga anak, paglalaan ng oras ng mga anak para sa kanilang magulang, pagtulong sa isang kaibigang may problema, ay ilan lamang sa pagbibigay na hindi nangangailan ng salapi. At bakit hindi, kung mayroon kang kakayahan, tumulong ka sa mga mahihirap o nasalanta ng kalamidad, makibahagi sa mga proyekto ng Simbahan para sa mahihirap. Mag-abuloy sa simbahan. Napakaraming paraan para makatulong sa kapwang nangangailangan. Kailan ka huling nagbigay na nasaktan ka dahil may ibinahagi ka na nagmumula sa iyong sarili? Magandang pagnilayan natin ito. Baka mababaw pa rin ang ating motibo sa pagtulong. Baka kailangan pa ring salain ang ating motibasyon at intensiyon kapag tayo'y nagbibigay. Ang sabi nga ni Mother Teresa ng Calcutta na tinaguriang "living saint" noong siya ay nabubuhay pa, "We love and love until it hurts... until we realize and feel that there is no more hurt but love..."
Sabado, Nobyembre 3, 2012
PAG-ALALA SA PATAY... PAG-IBIG SA BUHAY: Reflection for 31st Sunday in Ordinary Time Year B - November 3, 2012 - Year of the Faith
Ngayong Nobyembre ay inaalala natin ang ating mga mahal na yumao. Sa katunayan sa buong buwan na ito ay aalayan ng misa ang mga kaluluwang ang mga pangalan ay nakasulat sa mga sobreng ito na nasa harap ng altar. Bumisita ba kayo sa inyong mga patay noong araw ng undas? Kung hindi ay 'wag kayong mag-alala sapagkat hi-tech na ang ating panahon ngayon. Maari ninyo silang i-text. Just text DALAW send to 2366 at presto... sila mismo ang dadalaw sa inyo! hehe. Me options pa 'yan: PRESS 1: hihilahin ka sa paa, PRESS 2: hahawakan ng malamig na kamay sa pisngi, PRESS 3: isasama ka sa kabilang buhay! hehehe... Ang maraming taong dumagsa sa sementeryo ay patunay lamang na mahal na mahal natin ang ating mga yumao. May ilang sementeryo nga na kahit lubog sa baha ay dinalaw pa rin ng mga tao. Bakit nga ba kapag patay na ang isang tao ay doon lamang nating ipinapakita na mahal natin sila? Ang ating pagbasa ngayon sa Ebanghelyo ay nagsasabing habang buhay pa ang ating kapwa ay dapat alayan natin sila ng pagmamahal. Tinanong si Jesus ng isang eskriba kung ano ang pinakamahalaga sa lahat ng mga utos? Ang sagot ni Jesus ay ang tinatawag ng mga Judio na SHEMA ISRAEL o makinig ka Israel! ‘Pakinggan mo, Israel! Ang
Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.’ Wala namang bago sa sinabi ni Jesus sapagkat ito ay alam na alam ng isang tapat na Judio. Ang bago sa kanyang sagot ay idinugtong niya ang isang utos na hango sa aklat ng Levitiko 19, 18. Ang taludtod na nagsasabing: ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Madaling mahalin ang Diyos sapagkat hindi naman natn Siya nakikita. Mas mahirap mahalin ang kapwa na araw-araw nating nakakasama. Ngunit kung titingnan natin ay hindi natin maaring paghiwalayin ang dalawang utos na ito. Sabi nga sa ingles, "they are two sides of the same coin!" Tunay sapagkat ang pagmamahal sa Diyos na walang pagmamahal sa kapwa ay pagsambang pakitang tao lamang. Ang pagmamahal naman sa kapwa na walang pagmamahal sa Diyos ay purong "social work" at siguradong hindi magtatagal sapagkat walang tunay na basehan. Ang tawag natn dito ay VERTICAL at HORIZONTAL dimension of our faith. Sa taong ito ng pananampalataya, itukod natin ang ating buhay sa isang malalim na pagkilala sa Diyos. Mas mamahalin natin Siyang tunay kung Siya ay ating munang kilala. Idugtong naman natin dito ang ating paglilingkod sa kapwa sapagkat sa bawat pagtulong sa kapwang nangangailangan ay kabutihan na ginagawa natin sa Kanya. Ang ala-ala ng mga yumao ay dapat magbigay sa atin ng inspirasyon na habang tayo ay may buhay pa ay ipadama natin ang ating pagmamahal sa sa ating kapwa, maging mas matulungin, mas maalalahanin, mas mapang-unawa, mas mapagpatawad tayo sa isa't isa. Mahalin natin ang mga buhay at hindi lamang ang mga patay!
Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.’ Wala namang bago sa sinabi ni Jesus sapagkat ito ay alam na alam ng isang tapat na Judio. Ang bago sa kanyang sagot ay idinugtong niya ang isang utos na hango sa aklat ng Levitiko 19, 18. Ang taludtod na nagsasabing: ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Madaling mahalin ang Diyos sapagkat hindi naman natn Siya nakikita. Mas mahirap mahalin ang kapwa na araw-araw nating nakakasama. Ngunit kung titingnan natin ay hindi natin maaring paghiwalayin ang dalawang utos na ito. Sabi nga sa ingles, "they are two sides of the same coin!" Tunay sapagkat ang pagmamahal sa Diyos na walang pagmamahal sa kapwa ay pagsambang pakitang tao lamang. Ang pagmamahal naman sa kapwa na walang pagmamahal sa Diyos ay purong "social work" at siguradong hindi magtatagal sapagkat walang tunay na basehan. Ang tawag natn dito ay VERTICAL at HORIZONTAL dimension of our faith. Sa taong ito ng pananampalataya, itukod natin ang ating buhay sa isang malalim na pagkilala sa Diyos. Mas mamahalin natin Siyang tunay kung Siya ay ating munang kilala. Idugtong naman natin dito ang ating paglilingkod sa kapwa sapagkat sa bawat pagtulong sa kapwang nangangailangan ay kabutihan na ginagawa natin sa Kanya. Ang ala-ala ng mga yumao ay dapat magbigay sa atin ng inspirasyon na habang tayo ay may buhay pa ay ipadama natin ang ating pagmamahal sa sa ating kapwa, maging mas matulungin, mas maalalahanin, mas mapang-unawa, mas mapagpatawad tayo sa isa't isa. Mahalin natin ang mga buhay at hindi lamang ang mga patay!
Sabado, Oktubre 27, 2012
BULAG-BULAGAN: Reflection for 30th Sunday in Ordinary Time Year B - October 28, 2012 - Year of the Faith
Gusto mo ba ng maraming kita? Siyempre naman! Sino bang may ayaw? May natanggap akong text joke na nais kong i-share sa inyo. "Mapalad daw ang mga taong duling.. kasi DOBLE ang kanilang KITA! Pinakamalas naman daw ang mga BULAG... kasi WALANG KITA! Pero pinakasuwerte daw ang mga BOLD STARS kasi LAHAT KITA! hehe... Ipinanganak na malas nga ba ang mga bulag? Ang sabi ni Ka Freddie sa kanyang kanta: "Madillim ang 'yong paligid hating-gabing walang hanggan. Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan. Wag mabahala kaibigan isinilang ka mang ganyan. Isang bulag sa kamunduhan... ligtas ka sa kasalanan." Kaawa-awa man ang kalagayan ng mga bulag ay masasabi nating masuwerte pa rin! Kung itinuturing man nating malas sila ay alalahanin nating mayroon pang mas malas sa kanila! Ang mga taong NAGBUBULAG-BULAGAN! Sila ang mga taong hindi matanggap ang mga nangyayari sa kanilang palagid at ayaw malaman ang mahirap na katotohanan ng buhay. May mga taong hindi alam kung saan sila patungo. Nabubuhay na walang kabuluhan. Walang saysay na sinasayang ang mga pagkakataong ipinagkaloob ng Diyos sa kanila! Ganito ang naging buhay ni Bartimeo sa simula. Bagamat hindi nasasaad sa Ebanghelyo ay nakasisigurado tayong hindi nagign kasiya-siya ang kanyang buhay. Hindi siya tanggap ng lipunan at dahil dito ay napakababa rin ng pagtinging niya sa kanyang sarili. Kadiliman ang bumabalot sa kanyang buhay kaya't ang pagdaan ni Jesus ay nagbigay sa kanya ng bagong pag-asa! Tayo rin ay mga "Bartimeo" kung atin lamang susuriin ang ating sarili. May kanya-kanya tayong pagkabulag na dapat nating harapin. Marahil ay pagkabulag sa masasamang pag-uugali na ayaw nating baguhin. Pagkabulag sa bisyo. Pagkabulag sa ambisyon na masama na ang kinahihinatnan sa labis nating pagnanasang maabot ito. Pagkabulag sa kayaman at ari-arian na pumipigil sa atin sa pagtulong sa mga mahihirap. Ngunit kung "Bartimeo" man tayong naturingan ay dapat magawa rin natin ang nagawa niya. Naglakas loob siyang lumapit kay Hesus. Hindi naging hadlang ang mga tao sa kanyang paligid. Hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan. Pansinin ninyo ang sigaw ni Bartimeo: "Hesus, Anak ni David! Maawa ka sa akin!" Isa itong pagpapahayag ng pananampalataya. Ang Anak ni David ang tawag nila sa pangakong Mesias! Iwinaksi ni Bartimeo ang kanyang balabal, ang kahuli-hulihang gamit ng isang pulubi na panlaban niya sa lamig ng gabi. Alam niyang pagagalingin siya ni Hesus! At ito nga ang nangyari. Nakita ni Hesus ang kanyang malaking pananampalataya at pinanumbalik ang kanyang paningin.Tanging pananampalataya ang makapagpapagaling sa ating pagkabulag. Sa pagsisimula ng Taon ng Pananampalataya, sana ay maging atin din ang mga salitang binitiwan ni Bartimeo: "Guro, gusto kong makakita!" Gusto kong magkaroon ng katuturan ang buhay ko. Gusto kong makita kung saan ako papunta. Gusto kong makita kung ano ang ibig sabihin ng mga hindi magagandang pangyayari sa aking buhay! Tanging si Hesus ang makapagbibigay sa atin ng liwanag! Bulag man tayong naturingan ay mapalad pa rin tayo sapagkat may Diyos na nagsisilbing ilaw na gumagabay sa atin at handang hanguin tayo sa kadiliman ng buhay! Sapat lang na handa tayong lumapit at itaya ang ating buhay sa Kaya. Ito ang tunay na pananampalataya: "Ano man ang mangyari sa buhay ko... sa Diyos ko lang itataya ng buong-buo!"
Sabado, Oktubre 20, 2012
SAN PEDRO DE CEBU, Huwaran sa Mapagkumbabang Paglilingkod : Reflection for 29th Sunday in Ordinary Time Year B - October 21, 2012 - Canonization fo St. Pedro Calungsod
Kapag sinabing kabataan agad ang pumapasok sa ating isipan ay facebook, twitter, chat, text, internet, gadgets, gimik, party, barkada at marami pang iba na tanging sila lamang ang makakaintindi. Bakit nga ba hindi? Ito ang kasalukuyang mukha ng mga kabataan ngayon. Moderno. Makabago. Mabilis. Kaya nga't mahirap ipaunawa sa kanilang naiibang pag-iisip ang disiplina, sakripisyo, pagtitiis, pag-aalay ng sarili. Hindi sapagkat ayaw nila ng mga ito. Nagkataon lang na ang mundong kanilang ginagalawan ay iba ang alituntunin o patakarang pinaiiral. Kaya nga marami sa kanila ang lito, tuliro ang pag-iisip, mahina sa desisyon, takot sa "commitment", at hindi lubos na kilala ang sarili. Ano ang kinakailangan nila upang makasabay sila sa naiibang takbo ng mundo ngayon? Isang modelo. Isang modelong maari nilang maging batayan at inspirasyon ang pamumuhay. Dito papasok ang santong pinararangalan natin ngayon. Una sa lahat siya ay isang kabataan, labing pitong taon noong inalay niya ang kanyang buhay para kay Kristo. Ikalawa, siya ay Pilipino, kadugo natin, kalahi natin, kaisa natin. Si San Pedro Calungsod ang ikalawang santong martir nating mga Pilipino. Isa siyang misyonerong kabataan na nagtalaga ng kanyang buhay upang maipalaganap ang Mabuting Balita ng kaligtasan. Taong 1668 nang sumama siya sa mga misyonerong Heswita patungong isla ng Ladrones sa hilaga ng Pacifico na ngayon ay tinatawag nating Guam. Nagsilbi siyang tagapaglingkod ng mga paring misyonero at katulong na rin sa pagtuturo ng katesismo sa mga katutubo ng lugar ding iyon. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang ilang katutubo at mga misyonero. Isinisi nila sa mga misyonero ang paglaganap ng sakit sa kanilang lugar lalo na sa mga batang kanilang binibinyagan. Nangyari ang kanyang pagkamartir ng minsang nabinyagan nila ang anak ng isang katutubong galit na galit sa kanila. Nagtawag ito ng mga kasama at pinagkaisahang paslangin ang mga misyonero. Nauna si Pedro Calungsod na nagbuwis ng kanyang buhay para ipagsanggalang ang kanyang kasamang pari. Tinamaan siya ng sibat sa dibdib na kanyang ikinamatay. Ang kanyang katawan, kasama ng paring misyonero, ay inihulog sa karagatan. Nangyari ito noong April 2, 1672. Sa panahon ngayon na kung saan ay hindi pinahahalagahan ang pagpapakasakit at paglilingkod, ang imahe ni San Pedro Calungsod ay magandang halimbawa upang iharap sa ating mga Kristiyano, lalo na sa mga kabataan, na posible pala ang sukdulang pag-aalay ng buhay para sa iba! Sa mata ng mundo ang kadakilaan ay nakasalalay sa taas ng posisyon o sa kasikatan. Walang pinagkaiba sa magkapatid na Santiago at Juan na labis na inaasam ang makaupo sa kanan at kaliwa ni Jesus. At dahil dito ay binitawan ni Jesus ang isang prinsipyong kabalintunaan sa pag-iisip ng makamundo: "ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat." Ito ay unang pinatunayan ni Jesus sa pag-aalay ng kanyang buhay sa krus. Ito ay pinangalawahan ng maraming taong nag-alay ng kanilang buhay para sa Diyos. Isa na rito si San Pedro Calungsod. Sa mundo ngayon na ang sikat ay ang maraming "likes" sa Facebook, o kaya naman ay maraming "following" sa tweeter, ang ating kabataang martir ay nagsasabi sa atin na ang pagiging sikat ay ang mapagpakumbabang pagpapakasakit at paglilingkod. Mabuhay ka San Pedro de Cebu! Mabuhay ka Patron ng mga Kabataang Pilipino!
Sabado, Oktubre 13, 2012
GUSTO KO... HAPPY KA! : Reflection for 28th Sunday in Ordinary Time Year B - October 14, 2012
"Gusto ko.. happy ka!" Ito ang ninanais ng marami sa atin, ang maging masaya! Lalo na sa ating mga Pilipino na sadlak sa kahirapan ang buhay, nais nating maging maligaya at makaranas kahit man lang saglit na kaginhawaan! Kaya nga patok sa atin ang mga "malls" at "shopping centers" kasi kahit paano ay naiibsan ang ating problema sa maikling oras ng paggala kahit wala namang bibilhin. Pagmasdan mo ang mga nakakasulubong mo, halos lahat nakangiti, parang may mga pera sila; sa totoo lang marami sa kanila palakad-lakad, patingin-tingin, pahawak-hawak sa mga damit, tapos iiwang magulo hindi naman pala bibili. Ngunit sapat na yan upang makalimutan panandali ang marami nating problema at kahirapan sa buhay.
"Paano ba ako magiging tunay na masaya?" Siguro isa rin ito sa mga tanong mo... Tanong din ito ng marami. Magbabad ka sa National Bookstore at makikita mong napakaraming librong naisulat tungkol dito. Tanong din ito ng binatang mayaman sa ating Ebanghelyo ngayong Linggong ito. “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Ang pakahulugan ng "buhay na walang hanggan" kung isasalin sa ating modernong pananalita ay "kaligayahan". Mabuting tao ang lalaki. Sa katunayan sinabi sa Ebanghelyo na siya ay masunurin sa batas at walang inaargabyadong tao. Nalugod si Hesus sa kanya. Tiningnan siya ng magiliw at may paghanga. Ngunit may nakita pang kulang si Jesus sa kanya. "Gusto mong lumigaya, ipagbili mo lahat ng ari-arian mo, ibigay mo sa mahihirap at sumunod ka sa akin..." Nagulat ang lalaki sa kundisyon ni Jesus sapagkat sya'y mayaman. Pero hindi nagbago ng sagot ni Jesus... para sa Kanya ito ay isang "deal or no deal! Malungkot ang katapusan ng pagtatagpong iyon. Tumalikod na malungkot ang binata at wala ng narinig pa tungkol sa kanya. Saan ba nakasalalay ang ating kaligayahan? Sa kayamanan ba? Sa pagiging masunurin ba sa batas ng Diyos? Sa pagiging "masunuring Kristiyano" ba? Ang sagot ni Hesus: pagtalikod sa lahat ng mga sagabal sa ating pagsunod sa Kanya! Hindi Niya sinasabing kawawa ang mayayaman dahil marami silang kayamanan. Hindi sinasabi ni Jesus na masama ang mga ito, Ang kanyang nais bigyang diin ay wala dapat maging hadlang sa pagnanais nating sumunod sa kanya. Hindi lang para sa mayayaman ito sapagkat kahit ang mahirap man ay maari ring matali sa mga materyal na bagay sa simpleng maling pagnanasa sa mga ito. Ang nais niyang sabihin ay alam dapat natin ang ating pinahahalagahan sa buhay. Ang kayamanan o ari-arian ay hindi dapat inuuna sa ating pagmamahal sa Diyos at kapwa. Ang Diyos pa rin dapat ang una sa ating buhay. Ang pagtupad sa Kanyang kalooban ang dapat nating pahalagahan sa lahat. Nais Niyang masaya tayong lahat sa ating pagiging kristiyano. Pahalagahan natin Siya at magiging masaya tayo sa ating buhay. Sapagkat GUSTO NIYA... HAPPY KA!
"Paano ba ako magiging tunay na masaya?" Siguro isa rin ito sa mga tanong mo... Tanong din ito ng marami. Magbabad ka sa National Bookstore at makikita mong napakaraming librong naisulat tungkol dito. Tanong din ito ng binatang mayaman sa ating Ebanghelyo ngayong Linggong ito. “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Ang pakahulugan ng "buhay na walang hanggan" kung isasalin sa ating modernong pananalita ay "kaligayahan". Mabuting tao ang lalaki. Sa katunayan sinabi sa Ebanghelyo na siya ay masunurin sa batas at walang inaargabyadong tao. Nalugod si Hesus sa kanya. Tiningnan siya ng magiliw at may paghanga. Ngunit may nakita pang kulang si Jesus sa kanya. "Gusto mong lumigaya, ipagbili mo lahat ng ari-arian mo, ibigay mo sa mahihirap at sumunod ka sa akin..." Nagulat ang lalaki sa kundisyon ni Jesus sapagkat sya'y mayaman. Pero hindi nagbago ng sagot ni Jesus... para sa Kanya ito ay isang "deal or no deal! Malungkot ang katapusan ng pagtatagpong iyon. Tumalikod na malungkot ang binata at wala ng narinig pa tungkol sa kanya. Saan ba nakasalalay ang ating kaligayahan? Sa kayamanan ba? Sa pagiging masunurin ba sa batas ng Diyos? Sa pagiging "masunuring Kristiyano" ba? Ang sagot ni Hesus: pagtalikod sa lahat ng mga sagabal sa ating pagsunod sa Kanya! Hindi Niya sinasabing kawawa ang mayayaman dahil marami silang kayamanan. Hindi sinasabi ni Jesus na masama ang mga ito, Ang kanyang nais bigyang diin ay wala dapat maging hadlang sa pagnanais nating sumunod sa kanya. Hindi lang para sa mayayaman ito sapagkat kahit ang mahirap man ay maari ring matali sa mga materyal na bagay sa simpleng maling pagnanasa sa mga ito. Ang nais niyang sabihin ay alam dapat natin ang ating pinahahalagahan sa buhay. Ang kayamanan o ari-arian ay hindi dapat inuuna sa ating pagmamahal sa Diyos at kapwa. Ang Diyos pa rin dapat ang una sa ating buhay. Ang pagtupad sa Kanyang kalooban ang dapat nating pahalagahan sa lahat. Nais Niyang masaya tayong lahat sa ating pagiging kristiyano. Pahalagahan natin Siya at magiging masaya tayo sa ating buhay. Sapagkat GUSTO NIYA... HAPPY KA!
Biyernes, Oktubre 5, 2012
PASTORAL LETTER ON THE YEAR OF FAITH by Archbishop Luis Antonio Tagle : October 7, 2012
Pope Benedict XV, in his Apostolic Letter Porta Fidei, announced a Year of Faith that will begin on October 11, 2012 and conclude on November 24, 2013, the Solemnity of Christ the King. The whole Church is invited to celebrate the precious gift of faith, to receive it again and to transmit it joyfully. Our beloved Archdiocese of Manila is one with the Church worldwide in welcoming the Year of Faith.
The Rationale for the Year of Faith
The date of the opening of the Year of Faith was chosen carefully. It also partly explains the Pope’s intentions. October 11, 2012 marks the fiftieth anniversary of the opening of the Second Vatican Council (1962) and the twentieth anniversary of the promulgation of the catechism of the Catholic Church (1992). The significance of these two events determines considerably the spirit of the Year of Faith.
In our time, the Second Vatican Council is the great moment of renewal in faith. Blessed John XXIII desired that through the Council “the Church will become greater in spiritual riches and gaining the strength of new energies therefrom, she will look to the future without fear.” The renewal of the Church comes from a rediscovery of its spiritual heritage. By ‘renewal’ Vatican does not mean the emergence of a totally new Church that is cut off from the past. A proper interpretation of the Council does not allow a view of the “post-Vatican II Church” that disparages and “corrects” the “pre-Vatican II Church” by disregarding the Tradition, simplistically exalting what came after the council as good and criticizing what went before it as bad. Neither does a proper hermeneutic of Vatican II allow the reverse that is, judging the “post Vatican II Church” as a deviation from the Apostolic Faith as though the true Church stopped existing after Vatican II. A mere glance at the sources used in the sixteen documents of the Council shows that there exists a profound continuity in the Church, the continuity of faith assured by the Holy Spirit. The Year of Faith invites us to study again the Second Vatican Council and the Catechism of the Catholic Church that is its fruit in order to rediscover the vitality of the faith we have inherited.
Aside from celebrating Vatican II and the Catechism of the Catholic Church, the Year of Faith invites us to look closely at the contemporary world, its beauty and wounds. The continuity of the Church through the ages allows various forms of renewal. The Church receives, celebrates and lives the faith in different historical settings with their unique demands and challenges. Vatican II is one such renewal, engaging the phenomena that make up the modern world. Within the Year of Faith a Synod of Bishops will be convoked to reflect on the New Evangelization. In a span of fifty years after Vatican II, the world has seen dramatic changes that pose new challenges, even threats, to faith and its transmission. The Philippines, specifically the area covered by the Archdiocese of Manila, is not exempt. But we also believe that the contemporary world, especially the youth and the poor, expresses its search for God in ways that the Church must also discover. Thus the Year of Faith invites us to listen to the deep cries and aspirations of the people and societies of our time so that we can proclaim Jesus Christ to them with new methods, new expressions and new fervor. It is a year of listening and mission as well.
The Dynamics of Faith and the Year of Faith
Faith is a dynamic reality. God initiates a relationship with us. God opens the door of faith, to a life of communion with the Father, the Son and the Holy Spirit. This life-long encounter and intimacy with the Triune God happens within the Church. The Church is a community of faith, a fruit and an agent of faith and a missionary of the Gospel in the world.
As we immerse ourselves in the faith of the Church and its mission in our world in this Year of Faith, we are called to engage in an integral development in faith with the following components:
a) A deeper understanding of what we believe in through an intensified Biblical apostolate program, review of documents of Vatican II and teachings emanating from it like the Second Plenary Council of the Philippines and the Second Provincial Council of Manila and the Catechism of the Catholic Church,
b) A renewed appreciation and celebration of the mystery of the faith in sacrament, liturgy and prayer,
c) A joyful living of the faith expressed especially through conversion, a moral life governed by justice and charity, solidarity with and service of the poor, and courageous witness to what we believe in,
d) A rediscovery of ecclesial communion where the diverse gifts of the Holy Spirit are offered and developed to strengthen the Church and serve its mission here and even abroad.
We believe that as Christians we are urged on by the love of Christ to help construct a world of truth, justice, harmony and peace. The Year of Faith also opens for the Church in the Philippines a nine-year preparation for the commemoration of the 500th anniversary of the arrival of the Christian Faith on our shores. With Mary as our model and guide, let us welcome the Year of Faith in the Archdiocese of Manila and trust that it would bear much fruit for the Church and for humanity.
Given on 28 September 2012, Memorial of san Lorenzo Ruiz de Manila and companions.
+ Luis Antonio G. TagleArchbishop of Manila
Sabado, Setyembre 29, 2012
KATOK+LIKO = KATOLIKO: Reflection for 26th Sunday in Ordinary Time Year B - September 30, 2012
Ano nga ba ang ibig sabihin pag sinabing Katoliko ka? Sabi raw nila... tayong mga Katoliko ay may "katok" na "liko" pa! Papayag ka ba? May mga ilan-ilan sa atin na nagsasasabing sila ay "Katoliko-sarado," ano ang ibig sabihin n'yon? Maraming Katoliko ang binansagang KBL sapagkat makikita mo lang sila sa simbahan sa tatlong sandali ng kanilang buhay: sa kasal, binyag at libing. Ano ba ang kahulugan ng ating pagiging "katoliko?" Isang mayamang matandang biyuda ang lumapit sa pari at hiniling na misahan ang kanyang namatay na alagang aso sapagkat mahal na mahal niya ito at itinuturing na tunay n'yang anak. Tumanggi ang pari at sinabing hindi maaaring alayan ng misa ang isang hayop. "Ganoon po ba Father, sayang... Sampung libo pa naman ang iaalay kong donasyon para sa Misa . Di bale, d'yan na lang sa kabilang simbahan ng Aglipay ko siya pamimisahan." Biglang napasigaw ang pari: "Misis... hindi puwede yan!!! Isa kang Katoliko kaya't Katoliko rin dapat ang aso mo! Tara! Misahan na natin siya! hehehe... Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang "Katoliko" na nakakabit sa ating pangalang Kristiyano? Makikita ba ito sa Bibiliya? Kung si Bro. Eli ang tatanungin, ang sagot ay hindi! Hindi naman kasi tagalog ang salitang Katoliko. Ito ay galing sa salitang Griego na ang ibig sabihin ay "universal" o para sa lahat! Sapagkat malakas ang ating paninindigan na ang kaligtasan ay ibinigay ni Kristo ay para sa lahat... Kristiyano ka man o hindi. Ang langit ay hindi lamang para sa ilang grupo katulad ng pag-aangking ginagawa ng ibang sekta na sila lamang ang maliligtas. Bagamat hindi tahasang makikita sa Bibliya ang salitang Katoliko, makikita naman natin ang "pangkalahatang" pananaw na walang pinipili ang gawaing mabuti at kalugod-lugod sa Diyos. Sa unang pagbasa at Ebanghelyo makikita natin ang tema na ang biyaya ng Diyos ay malaya niyang ibinibigay kahit kanino. Ang sabi ni Moises ng may nagprotestang mayroong nangangaral na hindi naman nila kasama sa grupo: "Mas gusto ko ngang maging propeta ang lahat ng Israelita at mapuspos sila ng espiritu ng Panginoon.” Sa Ebanghelyo ay ganito rin ang winika ni Hesus ng ibalita ni Juan na may gumagamit ng kanyang pangalan sa pagpapalayas ng demonyo: “Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan ko ang agad magsasalita ng masama laban sa akin. Sapagkat ang hindi laban sa atin ay panig sa atin." Hindi ba't napakabuti ng Diyos? Napakalawak ng Kanyang pagmamahal at pang-unawa. Ang kanyang kaligtasang handog ay walang pinipili! Para sa lahat! "KATOLIKO!" Sana ganito rin tayo sa ating pagpapakita ng pagmamahal sa iba... walang pinipili! Ang magmahal ay para sa lahat! Hindi lang para sa mga kaibig-ibig pero sa mga kapos sa pag-ibig! Hindi lang para sa mga kaibigan pero para rin sa mga kaaway. Nawa maging bukas ang ating isipan at puso sa pagtanggap sa iba at sa pagpapakita ng ating pagmamahal sa kanila. May pinipili ba ang pag-ibig mo? Kung gayon isang kang certified na "katok na liko pa!" Magmahal ka ng walang kinikilingan at hinihintay na kapalit at magiging karapat-dapat ka sa pangalan mo... KATOLIKO!Sabado, Setyembre 22, 2012
KAYABANGAN AT KADAKILAAN: Reflection for 25th Sunday in Ordinary Time Year B - September 23, 2012
Sino ba ang masasabi nating taong dakila? Saan ba nakasalalay ang kadakilaan ng isang tao? Sa mga nag-aakalang sa kagandahan o kasikatan nakasalalay ang kadakilaan, pakinggan ninyo ang kuwentong ito: May isang ligaw na bulaklak sa kabukiran na masyadong mataas ang pagtingin sa kanyang sarili. Lagi niyang nilalait ang mga damong nakapaligid sa kanya. "Kayong mga nagpapangitang mga damo, bakit hindi kayo tumulad sa akin? Maganda, makulay, at higit sa lahat... mabango!" Napapailing lamang ang mga damo na nagsasabing, "Wag kang masyadong mayabang! Darating ang araw na iisa lang ang ating patutunguhan. Lilipas din ang kagandahan mo!" At dumating nga ang araw na iyon. Isang pulutong ng mga baka nanginain sa bukid t sinuyod ang malawak na damuhan. Walang pintawad ang mga gutom na hayop maging ang mga ligaw na bulaklak ay pinatulan. Naramdaman ng palalong bulaklak na siya ay nginunguya ng dahan-dahan. Pumasok siya sa isang madilim na lagusan, at ramdam niya ang unti-unti niyang pagdaloy sa madilim na "tunnel" na tinatawag nating esophagus. Bigla niyang naramdam ang kanyang pagkalagkit at unti-unting pagkatunaw. Nagpatuloy siya sa paglalakbay hanggang mabanaagan niya ang isang animoy ilaw na na nagmumula sa isang lagusan. Unti-unti siyang dinadala dito at habang unti-unti siyang lumalabas sa butas ay napansin niyang umaalingasaw ang kanyang amoy. Hanggang bigla na lamang siyang bumagsak sa lupa bilang isang tumpok na tae. Naglapitan ang mga langaw at pinagpiyestahan siya narinig niya sa kanyang mga katabing tae na, "Kita mo na na, sabi ko naman sa 'yo... iisa lang ang ating patutunguhan!" Totoo nga namang walang katuturan ang lahat, maging ito man ay kagandahan, katalinunan, angking kakayahan, kapangyarihan o maging kayamanan. "Vanity of vanities, everythng is vanity!" sabi nga sa aklat ng Eclesiastes (Ec 1:1) Kaya nga ang sukatan ng mundo sa pagiging dakila ay isang malaking kasinungalingan! Mayaman man tayo o mahirap, may kapangyarihan o mahina, may angking kagandahan man o wala, iisa lang ang ating patutunguhan! Kung gayon ay saan ngayon nakasalalay ang tunay na kadakilaan? Maliwanag ang paalala sa atin ng Panginoon: “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” (Mk 9:35) Hindi pa rin matanggap ng mga alagad na si Jesus, ang kanilang kinikilalang dakilang pinuno ay maghihirap at mamamatay sa kamay ng mga matatanda ng bayan. Hindi pa rin nila matanggal sa kanilang isipan ang isang Mesiyas na marangya! Upang mas lubos nilang maunawaan ay ginamit ni Jesus ang imahe ng isang bata na sa kanilang kultura noong panahong iyon ay mababa ang katayuan sa lipunan. Larawan ang isang bata ng kababang-loob at kapayakan ng pamumuhay. At ito ang nais ni Jesus na matutunan ng kanyang mga alagad: Ang tunay na kadakilaan ay nasa paglilingkod ng may pagpapakumbaba! Kaya nga ito rin ay paalaa para sa ating lahat na iwaksi ang kayabangan at kapalaluan. Kapag tayo ay puno ng kayabangan ay mas lalo tayong nagiging makasarili at mapanlait sa kapwa. At dahil dito ay hindi natin nakikita ang kabutihan ng iba at sa halip na makatulong ay nakasisira pa tayo ng buhay nila. Ang mga taong mapagkumbaba ay maraming bunga samantalang ang taong mayabang ay wala! Masdan ninyo ang uhay ng mga palay sa bukid. Ang mga uhay na may palay ay nakayuko at mababa samantalang ang mga walang palay ay nakatayo at matayog. Mag-ingat tayo at baka katulad tayo ng mga uhay na nakatayo at matuwid ang tingin sa sarili. Ang tunay na kadakilaan ay nasa paglilingkod. Ang tunay na kasikatan ay nasa pagpapakumbaba!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)





